PAG-GISING niya wala na si thunder, nag iwan lang ito ng message sa i********: na 'thanks' pero kahit na maiksi binuo naman nito ang araw niya. Masaya siyang pumunta ng school. Magana siyang ginawa ang mga kailangan niyang gawin sa school.
"ano ngiting ngiti?" siniko pa siya ni olivia, tinignan naman siya ni ivy.
"ano yan? inspired? kanina ka pa masaya ha." natatawang sambit ni ivy sakaniya, umiling lang siya dito at nilabas ang phone. chinat niya si thunder dahil hindi naman niya na reply-an kanina.
Yessh_a: hi! busy ka?
sakto naman na pag chat niya dito ay tumatawag ang ate bella niya kaya mabilis niyang sinagot.
"hello ate?"
'ay ang bilis sagutin, wala ka bang klase?'
"breaktime lang namin, why?"
'sama ka sa wed? gabi naman yon'
"saan?"
'shoot with thunder, wala si janella. yung iba kong teams, busy naman dahil may mga sched na. wala akong assistant'
"G! go ako diyan ate bella, malakas ka saakin e" tumawa pa siya, bigla tuloy siyang na excite.
'he! malakas, kung hindi ko lang alam na may crush ka kay thunder maniniwala ako diyan, pero.. nako ha!'
"kaya love kita e, galing mo talaga! anyways, sino pa ang kasama? siya lang ba na model or meron pang iba?"
'meron pa! si eleina johnson at gino!'
"ah sige sige, itext mo nalang saakin kung anong oras tayo! thank you, i love you ate bella!" nagpaalam siya dito at siya naman mas umapaw ang kasiyahan ngayong araw.
itatago na niya sana ang kaniyang phone ng tumunog ulit at nakita niyang nag reply si thunder sakaniya. pinindot niya ang notification.
Thndr09: yes.
Nag selfie siya at pinakita ang background niya, kita doon sila olivia at ivy na may hawak na tela at nag uusap na.
Yessh_a: busy din kamiii!
Thndr09: ok
Yessh_a: tipid! pwede bang wag ka mag sungit saakin hon? ayaw mo ba saakin?
Thndr09: ayaw
Yessh_a: ouch. tagos sa puso ko!
Sineen lang siya nito kaya naman nag tipa ulit siya ng mensahe.
Yessh_a: hon naman eh, di na ako galit! umuwi ka na. please? babawi ako mamayang gabi.
Thndr09: The f?!
Yessh_a: akala ko ba busy ka bakit hawak mo parin yung phone mo?
Thndr09: break. what about you? you said you're busy but you still pestering me.
Yessh_a: kinilig ako don hon! ang haba ng tinype mo! see you on wednesday.
Thndr09: don't tell me you'll be there in my shoot too?
hindi na niya ito ni-reply-an at ngumisi nalang. binulsa niya ang phone niya at magana nanaman siya sa pag gagawa ng damit niya. gusto niya talaga si thunder maging partner with no string attached.
yes, naghahanap siya ng isang lalaki na makakasama niya mag explore. sure na siya don, it's her life so it's her choice. atleast hindi kung kani-kanino lang diba? ayaw niya mag-asawa at ayaw niya din pumasok sa isang relasyon.
she knows she will be hurt again, ayaw niya na ulit masaktan. she's scared to be in a relationship, ayaw niya maranasan yung sobrang mahuhulog ka sa isang lalaki tapos iiwan ka lang din naman at lolokohin pa.
Naalala nanaman niya ang past niya, napangiti siya ng mapait ng pumasok sa isip niya ang mga bagay na kinalimutan niya na.
---Flashback---
Dala dala niya ang paboritong donut ni gerald ang kaniyang kasintahan, isang linggo na kasi siya hindi nito pinapansin dahil umayaw siya sa gusto nitong mangyari. noon nakaraan kasing pumunta siya sa bahay nito ay gusto nitong makipag talik.
pero ayaw niya dahil masyado pa silang bata, hindi nga niya naiisip ang mga ganong bagay. 2nd year highschool palang sila at marami pa silang kailangan gawin, kailangan pa nila mag aral ng mabuti. ayaw niya makipag talik dito dahil bata pa siya.
Nung umayaw siya dito at hindi pumayag sinampal siya nito at pinaalis sa bahay nito. Hindi siya nag salita dahil ang nasa isip niya ay mainit lang ang ulo nito. Hindi naman niya matiis kaya siya na ang makikipag bati kahit naman hindi niya kasalanan ang nangyari.
Hindi niya kaklase si gerald, malapit lang ito sa bahay nila at nakilala niya ito dahil kay carliza yoong kaibigan niya, nagta trabaho kasi ang nanay nito sa bahay nila kaya naging kaibigan niya.
Kumatok siya sa pinto ng bahay nito kaso mukhang wala yatang tao, pero nakita naman niya ang tsinelas ni gerald sa labas, napatigil siya ng makita nag tsinelas ni carliza.
'andito din siya?'
pumasok nalang siya dahil welcome naman daw siya doon sabi ng nanay nito. napag desisyunan niyang umakyat para puntahan ang kwarto nito, nang nakalapit siya sa pinto ng kwarto ng kasintahan nakarinig siya ng maingay.
"ohhhh.. gerald, sige pa."
"puta carliza ang sarap mo talaga!"
nailagay niya ang kanang kamay sa bibig niya, hindi siya makapaniwala. hindi siya sigurado kung tama ba ang nasa isip niya. malakas ang loob niyang binuksan ang pinto at bumungad sakaniya si carliza na nakahiga at si gerald naman ay nasa ibabaw nito, pareho silang hubad.
agad naman silang napatigil ng makita siyang nakatayo doon.
"a-anong ginagawa niyo?!"
"s*x, tanga ka ba!" sigaw sakaniya ni carliza. napahigpit ang hawak niya sa handle ng box ng donut.
"pero ako ang girlfriend niya! bakit niyo ginagawa yan!" she shouted.
"break na tayo, last week pa. pasensya na yessha pero kung ayaw mo makipag talik saakin, ayaw ko na din sayo. isa pa kaya lang naman kita niligawan at tiniis ko ang isang taon para lang sa katawan mo" umakyat ata lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa inis, mabilis niyang nilapitan ang dalawa at binatao ang box ng donut.
nakita niyang sumapol sa mukha ni geral ang box at natapon naman ang mga donuts sa katawan ni carliza.
"MGA WALANG HIYA KAYO! MINAHAL KITA GERALD AT IKAW CARLIZA?! TINURING KITANG KAIBIGAN--"
"Ang bobo mo kasi! lahat kinakaibigan mo hindi mo alam na yung iba pina plastic ka lang! masyado kang mabait pero tanga at inosente!" kinuyom niya ang kamao niya at hinatak ang buhok ni carliza pababa ng kama, lumagapak ang katawan nito sa sahig. wala siyang pakealam kung naka hubad pa ang dalawa.
natigil lang siya ng may malakas na pwersa na tumulak sakaniya, si gerald tinulak siya nito kaya napahiga siya sa sahig. napadaing siya dahil ang siko niya ang naitukod niya.
"umalis ka sa pamamahay ko! wag ka ng makigulo, break na tayo!" bago pa tumulo ang luha niya sa harapan ng mga ito, mabilis siyang tumayo at naglakad paalis sa bahay na yon. dumeretso siya sa parke na malapit at doon umiyak ng umiyak hanggang sa mailabas niya ang hinanakit niya.
ayaw niyang umuwi sa bahay dahil galit siya sa daddy niya na niloloko din ang mommy niya. alam niya iyon pero hindi niya masabi sa mommy niya dahil may sakit ito sa puso.
simula sa araw na iyon, tinatak na niya sa sarili niya hindi na siya mag aasawa o papasok sa isang seryosong relasyon.
---End of Flashback---
Ginabi na ulit sila ng uwi, pagod na pagod siya dahil ginawa niya talaga ang best niya para malapit na matapos ang damit na tinatahi niya. pagkauwi niya din nag shower lang siya saglit at pumunta na ng kama niya para mag type naman ng research niya, malapit na kasi matapos para bukas ma i pasa niya na sa prof nila.
habang inspired pa siya dahil kay thunder ginawa niya lahat ng kailangan gawin para sa wednesday kahit maaga siya umuwi, chill chill lang siya.
Mabilis lang lumipas ang araw at ngayon nasa hotel na siya mismo at hinahantay ang ate bella niya na dumating. Sa pool pala kasi ang photoshoot noong tatlong model. napatingin siya sa labas dahil malakas parin ang ulan, sabi kasi sa balita may bagyo daw, buti nalang ang pool na gagamitin ay sa vip. room siya na sobrang laki, may pool, bar at mga lounges.
kumayaw siya sa ate bella niya ng matanaw niya ito na bumaba sa isang van. mukhang hinatid lang siya ng company car nila.
"baka tatalbugan mo pa si eleina, yung rookie model" natatawang sambit nito sakaniya, hindi naman niya kilala iyon kaya umiling nalang siya. pumasok na sila at pumunta sila sa receptionist para ibigay ang names nila. bali overnight sila dito, magkasama sila sa isang room ni ate bella. for sure nasa suite iyon si thunder dahil model.
nakitan niya kasi nasa twin bedroom sila, pero okay lang naman sakaniya iyon. hindi naman siya maarte kung anong room pa yan. tsaka hindi naman siya mag ba bakasyon dito para lakihan pa ang room.
nilapag lang nila ang gamit sa room nila at dumeretso sila sa VIP POOL AREA, marami na palang nauna doon, ngumiti siya ng makita niya yung mabait na photographer, si kuya victor. kumaway naman ito sakanila.
"sir victor, patingi naman ng lightnings para sa shoot. para alam ko kung anong shade ng makeup babagay" sambit ng ate bella niya, sumenyas naman si kuya victor na buksan ang mga ilaw.
napaawang ang labi niya ng makita ang kabuuan ng pool, may red na ilaw kaya parang yung pool naging pula. pati pala sa ilalim ng pool, kinabitan ng led lights.
"medyo sexy ang theme, si thunder ulit ang m-make-up-an mo diba?" tumango naman ang pinsan niya.
"sige, punta na kami sa room nila," tatalikod na sana sila ng mag salita ulit si kuya victor.
"pwede ka ba maging model, yessha? actually, nag bigay ng theme yung heads, gusto sana nila dalawang couple ang mangyayari. kulang pa kami ng isang babae, dapat si asheena kaso may sched hindi niya masisingit to" nanlaki naman ang mata niya at napaturo sa sarili.
"ako po?" gulat na gulat na tanong niya.
"handa ka ba sa bikini?" tanong nito, nakita niyang medyo namo mroblema nga ang mga ito.
"yes, i can wear a bikini.. pero okay lang po talaga ako? i mean, i'm not famous model kesa sa tatlo na--"
"don't worry, even if you're not famous, pasok ka parin sa standards ng heads, you're beautiful at sakto lang ang height mo." na fluttered naman siya sa mga sinabi nito, ngumiti siya at dahan dahan na tumango.
bumaling siya sa pinsan niya "okay lang ate bella? tutulungan muna kita bago mo ako make-up-an hehehe"
"Sus ikaw pa! malakas ka saakin" she chuckled. nagpaalam sila at dumeretso sila sa suite ni thunder, pinag buksan sila ng manager nito. nakita niyang nag b-blower ng buhok si thunder habang naka bathrobe na itim.
he looks so hot...
napatigil ito ng mapalingon sakaniya, nginitian niya ito ng malawak at kumaway.
"hi sir thunder, mag start na po tayo sa make-up" tumango lang ito at siya naman tinulungan ang ate bella niya na ilabas lahat ng kailangan na make-up. actually hindi naman kailangan ng assistant talaga ng ate bella niya, kailangan lang talaga nito ng kasama dahil nakakalungkot daw ang mag isa.
natapos makeup-an si thunder at mas lalong nakita ang masculine features nito sa mukha, lalo na ang sharp jaw nito na napaka manly tignan. tinaasan siya nito ng kilay ng makita siya nito sa salamin na titig na titig sakaniya.
"pogi mo!" bulong niya dito at humalakhak ng mahina.
"sumama ka talaga, huh?" agad siyang umiling.
"model din ako no, pwede bang dito nalang din ako mag make-up? para di naman sayang ang set up?" malakas ang loob niya kausapin ito ngayon dahil lumabas ang manager nito, may kausap kasi sa cellphone.
"what?"
"sige na huh? para hindi naman mahirapan ang pinsan ko, mabilis lang ako make-up-an kasi maganda na ako" napaawang ang labi nito sa sinabi niya, narinig niya pa ang tawa ng pinsan niya.
"lakas ng confidence, well actually totoo naman yan" singit ng ate bella niya.
"whatever, do what you want." tumalikod ito at pumasok sa bedroom. tawang tawa siya habang nakatingin sa pinsan niya.
"Ang lakas talaga ng loob mo, hindi mo ba napapansin naiirita na sa'yo yon?" natatawang sambit nito.
"the more you hate the more you love, basta crush ko siya!" inilingan nalang siya ng pinsan niya, pumasok siya doon sa cr at nag hilamos ng mukha, nakikuha na din siya ng malinis na towel face, marami namang spare eh.
umupo siya sa upuan at sinimulan siyang make-up-an ng ate bella niya. saglit lang naman hanggang sa matapos siya hindi parin lumalabas sa bedroom si thunder.
nagligpit sila ng make-up at bumalik na sa bedroom nila, hinatid din ng isang staff yung susuotin niya, naloka siya dahil napaka sexy talaga ng susuotin.
Dalawang outfit lang naman pala ang susuotin yung una white na one piece yung sunod is yung white two piece.
Sinuot niya ang one piece medyo nasikipan pa siya sa dibdib na part. Biniyayaan kasi siya sa part nayon.
"Wow ang ganda! Isuot mo muna tong bathrobe" inabot niya ang inabot sakaniya ng ate bella niya.
Sinuot niya iyon at nag wait lang sila ng signal, nang pinapunta na sila doon. Pumunta na agad sila ng ate bella niya. Nakita niya ang mas matangkad na babae ng kaunti kesa sakaniya blondie ang buhok, pati ang isang matangkad na brown ang buhok.
Kumunot ang noo niya ng lapitan noong blondie na babae si thunder. Nainis naman siya ng nakipag usap din ang binata.