"Ano ba Thunder! Bitawan mo ako! Bakit mo sinapak si Jeric?! Inaano ka ba niya!" Malakas niyang tinanggal ang kamay nito sa braso niya. "Get in," malamig ang tono ng boses nito, bigla siyang nanibago. "Ayoko... babalikan ko si Jeriㅡ ano ba!" Nagulat siya ng buhatin siya nito na parang bagong kasal at ito na mismo ang nag pasok sa kaniya sa loob ng kotse. Mabilis itong umikot para makasakay sa sasakyan. Lalabas sana siya kaso mabilis nitong hinablot ang kaniyang kamay. "Yessha." May pag babanta sa tono nito, aaminin niya na medyo natakot siya dahil napakalamig ng titig nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya at binaba ang kaniyang kamay. Pinaandar nito ang sasakyan, medyo matagal ang byahe nila siguro mga isang oras. Maya-maya natagpuan na lang niya na nasa camp site sila. N