Nagising siya ng alas tres ng hapon, umunat siya bago buksan ang kaniyang mata. Nakita niya si Thunder na tulog na tulog pa rin sa tabi niya. Umabot sila ng ala sais ng umaga, hindi niya alam kung anong meron dito at bigla siyang pinahirapan. Nababadtrip pa rin siya sa ginawa nito sa kaniya, makahanap lang siya ng tiyempo papahirapan niya rin ang binata at bibitinin ng husto. Nakaplano na sa isip niya ang gagawin niya, once na bumalik ito galing sa France. Tumayo siya at paika-ikang naglakad patungong banyo, nilibot nila itong buong kwarto niya pati sa shower. Pakiramdam niya nag split siya, masakit talaga at ngawit ang gitna niya. Naligo siya ng mabilisan dahil nakaramdam na siya ng gutom. Nagsuot lang siya ng bathrobe ng matapos siya maligo. Um-order siya ng pagkain at niramihan niya