Hinanda niya ang kaniyang camera dahil sa-samahan niya ang kaniyang pinsan sa shoot. Make-up artist kasi ito ng mga celebrity or models. Gusto niya sana mag picture-picture lang dahil iyon ang hilig niya. Hobby lang naman niya iyon, taking a picture of scenery makes her calm.
Lumabas siya ng kaniyang bahay at ni-lock iyon. Nakita niyang naka park na sa labas ang sasakyan ng kaniyang pinsan na si Bella.
"Hi gorgeous!" nakipag-beso siya rito nang makaupo sa shotgun seat.
"Okay lang talaga na pumasok ako sa loob ng make-up room doon sa may studio?" Paninigurado niya ulit dito, nag-aalala kasi siya baka naman palabasin lang siya kong mahigpit ang patakaran doon. Tumango ito habang pinapaandar ang makina ng kotse.
"Of course, pwede ko namang sabihin na nasa team kita," nilingon siya nito at kinindatan bago pa-andarin ang sasakyan.
Si Bella ay mas matanda kaysa sa kaniya, 28 years old na ito at medyo matagal na talaga sa industriya ng tina-trabaho nito. Napakagaling kasi nito mag-make up, nakapag trabaho rin ito sa New York at Korea bilang make up artist ng mga kilalang artista.
"Ate Bella, sino pala yong m-make up-an mo? guy ba? pogi?!" she excitedly asked her cousin. Tumawa naman ito, hindi nito inaalis ang tingin sa harapan.
"A guy, he's half filipino pero sumikat kasi siya sa New York." Napaisip naman siya, wala siyang maisip, wala siyang idea kong sino iyon.
Sa totoo lang kahit mga sikat na artista, international man o local ay hindi niya kilala lalo na ang mga pangalan. Minsan ka-kilala niya lang sa mukha.
"Hindi ko kilala," pagsabi niya ng totoo dito.
"Hmm. He's hot! Boyfriend material! Nakita ko na siya sa kong saan-saang magazine e, mas matanda lang sayo ;yon ng dalawang taon." Bigla tuloy siyang na-excite makita kong sino iyon.
Pero naisip niya rin may bago na siyang crush, yung kaibigan ni Ivy—si Thunder. Hindi niya talaga ito makalimutan kahit noong sa hospital pa lang niya nakilala.
Kong walang Krelton si Ivy siguro pagkakamalan niyang boyfriend ito ng kaibigan niya, dahil nakita niya talaga ang closeness ng dalawa.
Dumaan muna sila sa starbucks para bumili ng drinks at dumeretso na rin sila sa studio, kong saan magaganap ang photoshoot.
Pumasok sila sa loob at nakita niya ang mga props na inaayos. Nakakita pa siya ng sofa at parang bakal doon.
"Ate bella, Anong theme ba 'to?" Bulong niya sa pinsan niya dahil parang rated 18 ang naiisip niya.
"Oh! I forgot to tell you, underwear brand yung product na ipo-promote ng model," napaawang ang kaniyang labi at naisara rin bahagya ng may lumingon sa kanila. 'Yong mga photographer at mga nag-aayos.
"Good afternoon!" bati ng ate Bella niya sa mga tao roon.
"Oh nandito ka na pala Bella! Siya ba ang pinsan mo?" tanong nong isang photographer na medyo may edad na.
"Yes! Ganda no? Mana sa akin!" napangiti naman siya, wala siyang palag dahil maganda talaga ang ate Bella niya.
"Oo! Nag mo-model ka ba hija?" bahagyang lumapit ito sa kanila.
"Minsan lang po, pag hindi masyadong busy."
"Ay kong ganon! Pagkailangan ko ng model at hindi ka busy puwede ka ba? ako nga pala si Victor, puwede mo ako tawaging kuya Victor," nakipagkamay siya rito at napatango.
"Nice to meet you," nakipag-kwentuhan lang sila saglit at nag handa na rin ang ate Bella niya, katulong ang isang assistant nito na si ate Janella.
Siya naman ay pumirmi sa tabi at nilabas ang camera niya. Kinuhaan niya ng picture ang ate Bella niya na nag-aayos ng mga make-up.
"Ms.bella, ready na? Nandito na si Thunder" sambit nang babae na nakita niya kanina na nag-aayos ng mga ilaw.
Thunder?
Nagtaka naman siya dahil kapangalan pa ng Thunder na kilala niya.
Chineck niya ang mga pictures na kinuha niya, puro stolen shots iyon ng ate Bella niya. Kong hindi lang ito naging make up artist papasa talaga to sa pagiging artista.
"Good afternoon," the low baritone voice filled the room. Napatigil siya sa ka-katingin ng pictures sa camera niya at inangat niya ang tingin para makita kong sino iyong nagsalita.
Muntikan niya ng maihulog ang camera niya nang makita kong sino iyong pumasok sa room.
"Good afternoon sir Thunder, puwede na po kayong maupo," sambit ng ate Bella niya, siya naman nakanganga pa rin habang sinusundan ito ng tingin, hanggang sa makaupo ito hindi man lang siya nito napansin dahil nasa may gilid siya banda nakaupo.
"Oh my gosh Thunder?" she blurted out. Napatingin ito sa kaniya at mukhang natigilan.
"Hi! Kaibigan ako ni Ivy, remember noong sa hospital?" tumayo siya at nilapitan ito.
"Model ka pala.." dugtong niya pa.
"Uhm... yeah, hi." Tipid itong ngumiti sa kaniya at binalik na ang tingin sa salamin.
"Magkakilala kayo?" Tanong ng pinsan niya habang kumikilos na.
"Yes ate! Kaibigan siya ni Ivy, diba kilala mo 'yon."
"Yes! Of course i know Ivy Serenity." Nagsimula na itong make-up-an si Thunder, siya naman pinag dikit ang labi. Gusto niya sana daldalin pa ito kaso mukhang busy talaga ito. Kaya umupo siya ulit sa tabi at nagsimulang picturan ang binata.
Puro stolen ang kuha niya sa binata, napapangiti na lang siya dahil kahit saang anggulo napakaguwapo nito.
Sinundan niya ng tingin ang binata nang matapos ito sa saglit sa pagme-make up at pag-aayos ng buhok. Napalunok siya dahil napaka gwapo talaga nito. napahawak siya ng husto sa kaniyang camera ng inisa isa nitong buksan ang butones ng polo na suot nito.
Mabilis niya itong kinuhaan ng pictures pero napatigil siya ng lumingon ito sa gawi niya at naglakad papunta sa kaniya.
"Can you stop taking a pictures of me?" bigla siyang kinain ng hiya, napansin niyang napatingin pa sa gawi nila ang manager nito at ang ate Bella niya. Napatitig siya rito dahil walang ngiti sa labi nito, pakiramdam niya tuloy napahiya siya ng bongga.
"Uh, okay..." mamaya nalang ulit. Tumalikod ito sa kaniya at nag-umpisa na ulit mag tanggal ng polo. Siguro kong nakakatunaw lang ang titig natunaw na si Thunder dahil sa titig niya. Kahit medyo sinungitan siya nito mas lalo siyang na-a-attract sa binata.
Napaawang ang labi niya ng makita ang galit na galit na muscles nito at abs. Hindi masyadong bulky ang muscles nito, lean lang ang body shape nito pero napakaganda ng katawan ng binata. Saktong-sakto ang mga muscles, at kitang-kita niya ang mga ugat nito na galit na galit. Sigurado siyang nag-workout ito bago pumunta rito.
Ang sarap... puwede 'to i-ulam! perfect!
"Nako, baka matunaw si Thunder!" bulong sa kaniya ng ate Bella niya at siniko pa siya. Hindi man lang niya ito nakita na lumapit sa kaniya.
"Siya 'yong bago kong crush ate Bella! nakilala ko siya dahil kay Ivy!" bulong niya pabalik na parang kinikilig-kilig pa.
"hmm. may bago ka nanamang crush? hindi mo na crush yung kapitbahay mo na guwapo rin?" natawa siya ng bahagya tiyaka umiling.
"Mas masa-- mas guwapo 'to!" napailing na lang ito sa kaniya.
Nakita niyang umalis saglit ang binata at pag dating sa room ay nakasuot na ito ng medyo maluwag na pantalon at kita rin ang boxer na suot. Kating-kati na siya kuhaan ito ng pictures kaso mamaya na lang pag nag sho-shoot na ito para makasimple siya ng kuha.
Mayamaya tinawag na ito ng photographer, sumunod din siya at pumwesto sa may gilid lang yung hindi siya mapapansin pag nagnakaw siya ng litrato dito. Pumwesto ito sa sofa na props at nagsimula mag posing.
Masasabi niyang professional talaga ito dahil lahat ng shots nito maganda ang kuha, napaka-photogenic nito at higit sa lahat guwapo talaga at yummy!
Tuwang-tuwa siya dahil nakakuha siya ulit ng litrato nito, pagnakauwi siya i-piprint niya 'yon.
Agad niyang naibaba ang camera na parang wala siyang ginawang kababalaghan, napatingin kasi si Thunder sa kaniya dahil dadaan ito para magpalit ng next na outfit. Lumapit siya roon sa may monitor para kunwari tinitingnan lang niya ang mga pictures nito.
Nang lumabas ulit ito halos maluwa na ang mata niya dahil naka boxer na lang ito. Napapadiyak siya ng mahina dahil sa saya. Hindi naman siya pervert pero hindi niya maiwasan mapatingin sa ano nito.
His bulge... his thing is really big! nararamdaman ko, my gosh. I can't believe that I'm seeing it right now. How lucky I am. bakat palang galit na galit na, paano pa kaya kong tumigas 'yan?
Napangiti siya ng malawak sa mga naiisip, nakakapanood siya ng mga adult videos pero hindi niya pa nararanasan makakita sa malapitan kahit pa may takip at tanging bakat lang ang nasisilip niya.
Napaangat ang tingin niya at nakita niya itong nakatitig sa kaniya, nakakunot ang noo nito kaya nginitian niya ito at nag thumbs up siya. Hindi niya alam kong para saan ang pag thumbs up niya pero gusto niya lang talaga bigyan ng thumbs up ang binata.
Nanood lang siya hanggang sa matapos ito dahil nakakuha na siya ng mga stolen shots nito. Tinulungan niya ang ate Bella niya na mag ligpit ng make-up kasi sobrang dami iyon, para na rin mapabilis. Pinasok niya na rin ang camera sa kaniyang bag dahil tapos na rin naman siya roon, napakasaya ng araw niya dahil napakaganda ng mga tanawin na nakita niya.
Umupo siya sa sofa saglit at in-open ang phone niya, nakita niya kasing may message sa i********: niya. Napanganga siya ng makita kong sino iyon, nasa request message niya ang mensahe ni Thunder.
Thndr09: Can we talk? Meet me at the parking lot now.
Hindi niya alam ang dahilan pero na-excite siya sa di malaman na dahilan. Lumingon siya sa pinsan niya at tumayo tsaka sinukbit ang bag.
"Mauuna na ako ate Bella."
"Oh hindi ka na sasabay sa akin?" umiling siya rito at ngumiti.
"Mukhang may date ako," kinikilig na sambit niya. Tinaasan siya nito ng kilay at natatawa na lang na tumango. Nagpaalam din siya sa assistant nito pati sa photographer na nakilala niya. Mabilis ang paglalakad niya papunta sa parking lot, napalingon-lingon pa siya kong na saan ito.
Napatigil siya ng may bumusina at nakita niya ang black audi na tinted. Sure siya ito iyon. Naglakad siya ng mabilis habang nakangiti siya at tiyaka kinatok ang salamin ng kotse bago buksan. Nakangiti niyang tiningnan ito.
"Hi-"
"Get in, faster." Mabilis siyang pumasok at ni-lock ang pinto.
"Hmm, faster..." napahagikgik siya ng may pumasok sa isip.
"Can i borrow your camera?" natigilan naman siya dahil sa sinabi nito.
"Bakit? low battery na eh," she lied. Malakas ang pakiramdam niya na nakaramdam ito kanina, alam niyang buburahin nito ang mga pictures na kinuha niya kanina kaya ito nagtatanong.
"Then i'll borrow it- no I can buy you a new one. Akin na ang camera mo," sumeryoso ang mukha nito lalo kaya napanguso siya.
"Bumili ka na lang ng bago, sa akin pa gusto mo! crush mo ba ako?" kumunot ang noo nito lalo at kita niya na parang umiinit na ang ulo nito sa kaniya.
"May I remind you that I have the rights because I know you took a lot of pictures while I'm busy working earlier."She crossed her arms. She pouted her lips and looked at him.
"Bakit! model ka 'di 'ba? dapat masanay ka na! tiyaka ayaw mo ba 'yon? fan mo na ako, dapat hindi mo sinusungitan ang fan mo!" napatingin siya rito lalo na nang napasuklay ito ng buhok gamit ang daliri.
"Ang guwapo mo tiyaka ang sexy mo talaga, nag hahanap ka ba ng girlfriend?" tanong niya agad dito. Hindi naman siya in to commitment pero kong ito lang naman ang magiging boyfriend niya papayag na siya.
"What?" napabuga naman siya ng hangin.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog?"
"Hindi ako nakikipag biruan sa'yo-"
"Ako rin naman! tinatanong ko lang kong naghahanap ka ba ng girlfriend? o may girlfriend ka na?" tanong niya ulit dito at tinitigan ng husto.
"Get out of here!" napanganga siya dahil medyo sumigaw na ito.
"Ito naman highblood! nagtatanong lang naman," sambit niya. Inayos niya ang bag niya at kinandong iyon sa hita niya, wala siyang balak umalis wala namang maghahatid sa kaniya, wala rin siyang dalang sasakyan.
"Don't post my pictures, you can now leave." Ini-start nito ang engine ng sasakyan pero nakatitig pa rin siya sa binata. Napalingon ito sa kaniya at kumunot na naman ang noo nito.
Bakit kaya mas lalo siyang gwapo pag galit?
"You can leave now, tapos na tayo mag-usap." mabilis siyang umiling at sumandal, nilipat niya ang tingin sa harapan.
"Hindi ako aalis dito, ihatid mo ako! wala akong dalang sasakyan. Sinabi ko na kay ate Bella na may date ako," paliwanag niya rito.
"I'm busy person, miss. Can you please leave now? I don't want to get mad at you because your Ivy's friend," seryosong sambit nito sa kaniya.
"Aba! ikaw kaya ang may kasalanan! panagutan mo ako! wala akong dalang sasakyan kaya hindi ako makakauwi," napabuga ito ng hangin dahil sa pangungulit niya. Napasigaw na lang siya sa isip niya ng wala itong nagawa at pinaandar na lang ang sasakyan.
"Thank you crush!" she said while laughing.