CHAPTER 4

733 Words
"Ayoko! Ano namang pakialam ko sa relasyon niyo?" Muli niya akong nilingon at nakita ko agad ang pagkunot ng noo niya. "Sinira mo ang relasyon namin at ngayon may nababalitaan na ako na boyfriend niya! tangina! Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga at nadamay mo pa ako sa kalokohan mo!" Agad na nanlaki ang mata ko at awtomatikong napatigil ako, napatahimik na lamang ako at tumingin sa labas. Mayamaya ay narinig ko na rin ang lagbuntong hininga niya at saka niya pinaandar ang sasakyan. Ganoon na ba talaga ako katanga? Kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang nagawa ko sa kanila ng girlfriend niya ay sana nanahimik na lamang ako. Mahal na mahal niya rin talaga siguro yung babae, hindi naman siya magoover-acting na ganito kung hindi niya mahal ang babaeng iyon. Pero, anong mali sa girl at may ibang lalaki na agad ito? May boyfriend na agad?! Eh hindi pa nga yata nakakalipas ang isang linggo nang maghiwalay sila nito ng Troy na ito. Ganon na ba ang babae sa henerasyon ngayon? Kapag nakipag-break, mapapalitan agad ng iba? Bahagya akong napailing sa naiisip ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla ko nanamang naalala si Vince, Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya na lolokohin lang pala niya ako, na may mahal pala siyang iba. Siguro nga, hindi talaga para sa akin ang pag-ibig. First love ko pa naman siya pero ganito ang ginawa niya sa akin. Kanina nga, nakita ko siya sa labas ng klase habang may itine-text. Hindi ko alam, siguro 'yung bagong girlfriend niya. Parehas na parehas lang sa ex nito ni Troy, ganitong-ganito rin kasi yung problema ko, gusto kong pagselosin si Vince pero anong magagawa ko kung may mahal na naman siyang iba? Siguro, mahirap lang talaga siyang kalimutan lalo na't first love ko siya, kaya siguro ganito ang naiisip ko sa kanya. "I'm sorry." Mahinang sabi ni Troy na nagmamaneho, hindi ko siya pinansin. Isa pa itong lalaking ito, anong karapatan niya na murahin ako?! Tinignan ko ang oras sa iPhone ko. Almost 3 o'clock na, saan ba ako dadalhin ng lalaking ito. Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan at pagbaba ni Troy mula sa driver seat, pinagbuksan niya ako ng pinto at inilahad ang kamay niya sa akin. Hindi ko iyon tinanggap at ako na lang ang mag-isang bumaba, narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya. "Anong gagawin natin dito?" Tanong konnang malaman ko kung nasaan kami. Alabang town center? "Uhh, gusto sana kitang--" "Gusto ko nang umuwi, okay? Kanina pa ako tine-text ni Mommy." Nakita ko ang pagyuko niya sa harapan ko. "Ano? Tara na, uwing-uwi na ako." "Kumain ka na?" Sabi niya, na imbis na sagutin ako ay tinanong pa ako. Oo nga pala. Nakalimutan ko nang kumain! Hindi ko naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko! "Kumain ka muna." Sabi pa niya. Hindi na ako nagpaawat pa, oo nga pala, gusto na rin ang belly ko. Nauuna akong naglalakad sa kanya, hindi ko naman siya malingon pero nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Bakit ba napakabagal maglakad ng isang ito? Hindi ko pa alam kung saan kami kakain. "Saan mo ba gustong kumain?" He asked. Kibit-balikat ako at tumingin sa paligid. Maraming pwedeng makainan rito, pero hindi naman ako makapagdecide, sa isang banda kasi ng isip ko ay bigla akong nahiya sa kanya. Tuluyan na siyang tumabi sa akin at sa ngayon ay sabay na kaming naglalakad, naririnig ko pa nga ang mga mumunting pagbubuntong hininga niya. "Rogers nalang?" Tanong niya nang madaan namin ang tapat ng kenny roger's. Tumango ako at pumasok na sa loob, naghanap ako ng mauupuan naming dalawa habang nakasunod lang ang kasama ko. Lumapit ang waiter sa amin at iniabot ang menu. Parehas kaming tahimik ni Troy at walang imikan. Nang makapili ako ay sinabi ko na rin ang gusto ko, gayundin naman si Troy, kaya ngayon ay hinihintay na lang namin ang order. Kasalukuyan kong pinaglalaruan ang kutsarang nasa harapan ko nang magsalita siya. "Sorry." He just said. Tumango ako at binalingan ng tingin ang labas ng restaurant. "Kung 'yun lang pala ang paraan para mawala ang galit mo sa akin, ay sige. Gagawin ko na." Sabi ko. Hindi ko na napansin ang reaksyon niya. "Talaga?" Tumango ako at nang tapunan ko siya ng tingin ay kita kong masayang-masaya ang mukha niya. Siguro nga, mahal na mahal niya ang girlfriend niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD