"Loko lang!" Natatawang sabi niya sabay kuha sa bag ko, at isinabit pa niya sa balikat niya. Hindi ako sumagot, medyo na-offend naman kasi talaga ako sa sinabi niya. "Uy," Kinuha ko ang cellphone ko at nagbasa ng mga texts, "Reign.." Hmp. "Ulan naman.." Napa-irap ako, "Ano?" Hinarap naman niya ako at narinig ko ang sunod-sunod na pagsinghap niya. "Nagagalit ka ba? O nagtatampo?" Tanong niya, "Yung sinabi ko... Totoo namang malaki ang boobs ni Althea diba?" Tanong pa niya, Tuluyan ko na talaga siyang inirapan, "Ano ba?!!" Kunot-noo naman niya akong tinignan. "Bakit? Totoo naman ah? Pero kasi hindi ko pa nata-try na lamasin, virgin pa kasi ako." Dire-diretsong sabi niya na tila ba walang preno ang bibig niya. Nanlaki naman ang mata ko, pero napalitan naman ito nang sunod sunod