After a year ... Nakakunot ang noo ni Fatima habang nakatingin sa pintuan ng cafeteria. Iniintay niya si Paul aka Paula. "Ehem. Fatima Faith. Sorry I'm--------" "Late! Paul lagi ka na lang late sa usapan natin. Inugat na ko dito bago ka pa dumating bakla ka." Nakatikwas ang kilay na sikmat ni Fatima Kay paul. Nag-pout si Paul at napangiwi. "It's Paula. Bruha." Pagtatama ni Paul. "Tsk. Paul bakit ba kasi Hindi ka na lang magpakalalaki at hanapin ang maganda mong mate? Ang gwapo mo. Ang bait mo san ka pa? Halikan kaya kita o kaya halayin para maging lalaki ka. You know the first time I met you na star struck ako sayo. Yung tipong nag-slow motion ang lahat sa paligid ko at parang nakaramdam ng spark ng magkabanggaan tayo sa hallway nung first time ako dito. Hay nakakapanghinayang ka."