She's free. No handcuffs and no blind fold. Yun ang unang beses na nagising si Fatima na walang kahit anong pumipigil sa kanyang mga kamay at Hindi kadiliman dahil sa blindfold. She's fully clothed too. In white lacy dress. Naupo si Fatima sa gilid ng kama sa pagtingin nya sa lapag at nakakita siya ng isang pares ng puting sapatos. Isinuot nya iyon at Hindi na siya nagtaka kung bakit sukat iyon sa kanya. Nag-lakad siya ng mabagal papunta sa pinto. Kinakabahan siyang humawak sa seradura ng pinto at unti-unting pinihit iyon pabukas. Pagbukas nya ay sumalubong sa kanya ang isang tahimik na hallway. Kahit na kinakabahan ay lumabas siya ng kwarto. Bawat hakbang at paglayo nya sa kwartong pinanggalingan ay mas inaalihan ng kaba si Fatima. Nasa huling baitang na si Fatima ng may bigl