"Hindi ka magsisisi sa desisyon mong patawarin kami," nakangiting sambit ni Lyle Andrew ng pakawalan na nya ang mga labi ni Fatima at habol ang hininga. "Thank you ..." bulong naman ni Lyle Andrei na nakayakap sa kanya mula sa likod at binigyan ng magaang halik ang kanyang batok na nagpatayo ng kanyang balahibo. Alanganing nguniti si Fatima at kinukumbinsi ang sarili na tama lang ang kanyang desisyon. Sino bang matinong babae ang papatol sa dalawang lalaki take note magkapatid pa. "Gusto mo bang magpahinga, malayo layo rin ang naging byahe mo dito mula sa Vera's Valley?" Tanong ni Lyle Andrei. "No ... I'm fin———" "Yes you are let's get you to our room ..." mabilis na sansala ni Lyle Andrew sa sasabihin pa ng dalaga at mabilis itong tumayo. Napasinghap na lang si Fatima at napakapit