XIMENA LAINE CASSIDY NAGISING ako ng may humahalik sa tiyan ko. Napakahirap kumilos pag buntis kaya once na nakuha ko ang posisyon e madaling araw na o di kaya umaga na. Late tuloy ako lagi magising at 'di ko na siya aasikaso pag pumapasok sa trabaho. Kawawa naman ang asawa ko. Babawi talaga ako paglabas ng anak namin. Si Tope lang pala na kinakausap ang baby naming. He does that always, kada umaga ay binubulungan niya ito, minsan ay kinakantahan pa. Our baby was so much loved by him. Paano pa kaya pag lumabas na s’ya baka ma-i-spoil siya ni Tope. “Tope hindi ba may pasok ka? Bakit nandito ka pa?” tanong ko sa kaniya, dapat ay nakaalis na siya kanina pa. “Sabado kaya ngayon kaya nandito ako, rest day ko. Nalimutan mo na ba, Xena?” tanong n’ya sa akin, naningkit ang mga mata ko nang