XIMENA LAINE CASSIDY HINDI ko na naririnig ang mga taong nasa paligid ko habang inaayusan ako. Nasa loob ako ng hotel room ko kasama ang mga bridesmaid na 'di ko naman ganoon ka-close. Ngayon na ang araw ng kasal ko at pakiramdam ko papasok ako sa isang bagay na hindi ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos. I will enter a marriage with some one I don't like, they said that this marriage will be modern, I will be okay to do things I want regarding my career and studies but I can't feel the freedom. Para akong mapapako sa panghabang buhay na bangungot. Si Tope, sa kaniya ko pinangarap ang ikasal pero hindi na iyon mangyayari. Iniwan na niya ako at hindi na talaga nagparamdam sa akin, tumulo ang luha ko at nagsimula na naman akong umiyak kahit na tapos na akong ayusan. “Miss Xena, naka