SAYER'S POV
Pagdating ko sa warehouse na itiniuro ni Boss na pinagtaguan nila kay Althea agad akong pumasok sa daanan na ibinilin sa akin. Malaya at mabilis akong nakapasok sa loob gamit ang mga lumang ductwork insolation ng aircon ng bodega. Magkakasunod ng putok ng baril ang narinig ko na agad kong sinundan ang pinanggalingan.
Nagulat ako nang makita kong hawak ng isang malaking lalaki si Cason habang may hawak naman na baril si Bang at nakatutok iyon kay Cason. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandoon at kung bakit ganoon ang nangyayari. Dahil sa pagkaka alam ko magkakampi silang dalawa.
Gusto ko siyang tulungan pero may mas importante akong misyon at iyon ay ang bilin sa akin ni Boss. Kailangang kong idikit sa bawat sulok ng bodega ang mga explosives na ipinadala sa 'kin. Alam kong kaya ni Cason na iligtas ang sarili niya kaya inuna ko na lang ang mas importante kong misyon.
Isa-isa kong idinikit ang mga bomba sa kung saan hindi makikita ng mga tao sa loob ng bodega. Mabuti nalang at nasa labas ang mga tauhan ni Bang kaya malaya kong nagawa ang misyon ko.
Sandali akong nagtago sa isang sulok at tumawag kay Boss.
"Nailagay ko na lahat. Malapit lang din ako kay Althea."
Sinilip ko si Althea at kung susumain, ilang metro lang ang layo niya sa 'kin at kung tatakbuhin ko mula sa kinaroroonan ko, ilang segundo lang ay naroon na ako.
"Uumpisahan ko na ang destruction. Mayroon lang tayong limang minuto para magawa ito ng tama." Aniya mula sa kabilang linya.
Bago ako umalis sa bahay niya ay ipinaliwanag niya sa 'kin lahat ng kailangan kong gawin, maging ang bagay na siya naman ang gagawa – ang destruction. Gamit ang code na naka-tattoo sa balikat niya ay ire-reverse niya ang codes na na kay Althea gamit ang espesyal na system na siya pa mismo ang gumawa.
Ang Codes na naka-imprint sa kanilang balat ay konektado sa bawat nerves papunta sa kanilang utak. Walang kahit na anong system ang nakakapaglabas ng codes dahil ang tanging paraan para makita iyon ay ang pagsasama ng dalawang imprint. Ang taong may hawak ng code ay unconsciously na isusulat ang coordinates. Kaya ang extraction o pagpupumilit na mailabas ang codes ay magdadala lamang ng kapahamakan sa may may hawak ng code.
Isa lang magiging epekto ng destruction na gagawin ni Boss at iyon ay ang tuluyang pagkawala ng memorya ng taong may hawak ng imprint.
"Sayer, iligtas mo ang anak ko."
"Makaasa kayo boss." Sandali siyang tumahimik na tila ba nag-iisip.
"Theresa. Theresa ang pangalan ko." Natulala ako sa telepono ko, ngayon lamang niya sinabi ang pangalan niya. Nagtitiwala na ba siya sa akin sa wakas?
Pagka-end ng call, agad kong sinet ang timer ng relo ko sa limang minuto. Base sa bilin ni ginang Theresa, eksaktong isang minuto ang lilipas, tutunog ang alarm. Kasabay niyon ang pag-on ng mga bombang itinanim ko sa paligid na sasabog matapos ang dalawang minuto.
Sa pagtunog ng alarm system ng warehouse, nabulabog ang lahat ng tao. Automatikong sumara ang mga pintuan at bintana at na-trap ang lahat sa loob.
"Anong nangyayari? Lee! Kumilos ka!" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Bang.
Sandali akong sumilip para makita kung ano ang sitwasyon sa daraanan ko papunta kay Althea. Tumigil na ang doktor sa ginagawa niyang extraction sa imprint sa nanghihinang katawan ni Althea. Sumunod ang lalaking may hawak ng scanner kay Lee para tignan ang security system nila at hanapin ang sanhi ng pag-alarm. Madali nalang akong makakatakbo papunta kay Althea dahil alam kong hindi lalaban ang dalawa pang taong naiwan doon.
Tumingala ako ng bahagya para naman makita si Cason. Naroon pa rin siya, kaharap si Director Bang. Kitang-kita ko sa mukha ni Bang ang uhaw sa pagtuklas sa codes. Isang maling galaw ni Cason siguradong sasabog ang baril at tatama sa kanya.
Muli akong tumingin sa relo ko, dalawang minuto na ang lumipas at tatlong minuto nalang at sasabog na ang mga bomba. Kailangan ko ng tumakbo para iligtas si Althea.
Kinuha ko ang smoke bomb na tangging laman nalang ng bag na dala ko at ipinadagusdos iyon sa kinaroroonan ng nars at doktor. Sa pag labas ng makapal na usok ay siya namang mabilis kong takbo. Lantang-lanta na ang katawan ni Althea. Hindi ko sigurado kung dahil sa pagod o dahil sa kawalan ng dugo o maaring pareho. Basta ang importante ngayon ay mailayo ko siya sa lugar na iyon.
May kahigpitan ang tali na nakapalupot sa katawan niya. Nahirapan akong alisin iyon at kumain pa iyon ng ilang segundo sa oras namin. Matapos kong maalis ang tali sa magkabilang kamay ni Althea ay siya namang alingawngaw ng putok ng baril. Napayuko ako dahil ang akala ko sa 'kin ipinatatama ang bala. Nang wala akong maramdamang sakit, hindi ko na inalam pa kung sino ang nagpaputok. Sinigurado ko nalang na maialis ko ang tali sa katawan at paa ni Althea.
"Ililigtas mo rin kami." Bungad sa akin ng doktor. "May sasakyan kami na pwede nating gamitin." Dagdag naman ng nars.
Hindi na ako nagdalawang isip at sumang-ayon ako sa huwesyon nila. We all want to be safe. And beside, eksaktong isang minuto nalang ang mayroon ako para matagumpay kong mailayo si Althea sa bodega. Mabilis kaming tumakbo sa pasikot-sikot na daan, ma-ingat kong binubuhat si Althea. The nurse and the doctor lead the way to the underground parking. Mabilis na nahanap ng doktor ang sasakyan niya dahil sa remote key niyon.
"Ako nalang ang magda-drive." Ika ng doktor. "Alam ko ang daan palabas." Dugtong pa niya.
"Bilisan mo, dahil sasabog na ang bodega." Paalala ko sa kanya. Nangamba ang nurse at kitang-kita ko iyon sa mukha niya. Sa pagpasok namin sa loob ng kotse, marahan kong hiniga si Althea sa likuran.
She started to wake up but weakly. I held her head and leaned close to her.
"Sayer~" Kahit hirap ay pinilit ni Althea na makapagsalita.
"Ligtas ka na, Althea. Palayo na tayo sa bodega." Bahagya akong ngumiti sa kanya ngunit binawi ko rin dahil sa sumunod niyang wika.
"Si Cason."
Napakamot ako ng ulo, alam ko na kasi kung ano ang gusto niyang mangyari. "Iligtas mo siya." Aniya.
Tinignan kong muli ang relo ko at base sa timer na sinet ko, wala na akong sapat na oras dahil sasabog na ang bodega. Gahol na sa oras kung babalik ako roon at tatakas kami pareho.
"Wala ng oras, Althea."
Hinang-hina man ay hindi pa rin naiwasan ni Althea ang lungkot na naramdaman niya mula sa sinabi ko. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at pumatak sa binti ko na hinihigaan niya.
"Hindi pwedeng. . .mawala. .si Cason. Mahal . . na . . mahal ko. . siya." Aniya sa pagitan ng mabibigat na paghinga.
Umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa narinig ko. Lahat ng sakripisyo ko nabalewala dahil kay Cason. Lahat ng ginawa ko walang kwenta dahil pa rin kay Cason. If he lives, I'm nothing.
Cason must die.
"Althea, nakinig ka sa 'kin." I held her head close to mine, making sure she listens to what I've got to say.
"Si Cason ang dahilan kung bakit ka napunta sa sitwasyong ito. Ibinenta ka ni Cason sa kalaban, kapalit ang malaking halaga ng pera."
Binuksan niya ang kanyang luhaang mga mata at tinignan ako.
"He lied to you from the beginning."
Muling umagos ang luha mula sa mga mata niya. Alam kong hindi siya naniniwala dahil sa mga mahihinang pag-iling na ginagawa niya.
"Mahal. .niya. .ako." Hingal na wika ni Althea.
"No." Umiling ako, "Hindi ka niya mahal. Niloko ka niya at pinaniwala sa mga kasingungalingan niya. All he wants is his money. . not you."
Humagulgol siya ng iyak habang hawak ang kayang puso. Masakit para sa 'kin na makita si Althea na masaktan ng ganoon, pero karapatan niyang malaman ang katotohanan.
"Hindi kita iiwan, Althea. Kahit ilang beses pang malagay sa panganib ang buhay mo, paulit-ulit pa rin kitang ililigtas. . .dahil mahal kita."
Lumapit ako sa mukha ni Althea para mahalikan siya, ngunit nakarinig kami ng pagsabog at hindi nagtagal naging sunod-sunod ang mga iyon. Binilisan ng doktor ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan sa underground path na ayon sa kanya lalabas din sa highway na dinaanan ko papunta roon.
"Bilisan mo!" Utos ko sa kanya.
Dala ng pagsabog, maging ang underground path ay natatabunan ng pagguho ng bodega. Mabuti nalang at sakto lang kaming nakalabas doon at matagumpay na nakaligtas. Ngunit matapos ang mga pagsabog, nangisay ang katawan ni Althea at tuluyan nang nawalan ng malay.
Sinubukan kong tawagan ang nanay niyang si Theresa pero wala ng sumasagot sa kabilang linya.Minadali nalang namin ang biyahe para umabot sa pinaka malapit na ospital.Kailangang maisalba ang buhay ni Althea. Kailangan maisalba ang buhay ng mahal ko, lalo na ngayong wala na akong karibal sa puso niya.