Chapter 22 - Worried Limea Seay Meadow Napasalampak ako sa kama nang makarating sa inn. Ipinatong ko ang braso sa mga mata upang matakpan ang liwanag na naggagaling sa ilaw. Sa sobrang pagod ko ay wala na akong mahihiling pa kung hindi ang makahiga at makatulog na. Pakiramdam ko ay ang daming nangyari sa araw na ito. Gusto ko na lang matulog at magpahinga. Katatapos lang ng una naming pag-eensayo bilang grupo. Nabigla yata ang katawan ko kaya ganito kabigat ulit. Sana ay huwag akong magkasakit. Tiyak na mag-aalala na naman sila sa 'kin. Bakit ba naman kasi ang hina ng katawan ko? "Mukhang pagod na pagod ka, ha?" sambit ni Sparrow. Hindi ko alam kung nakasunod siya sa akin o kanina pa siya rito sa kwarto ko. Hindi ko na rin napansin. "Hmm..." pagsang-ayon ko. Pati pagsasalita ay hindi