Chapter 20 - Celebration "Congratulations once again, Team Phantom," ani Mike. "Alam naming lahat ang napagdaanan niyo bilang isang grupo. Nakatutok kami sa lahat ng mga ipakikita ninyo at isa lang ang masasabi ko, job well done!" Muling nagpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi niya. Mga nakaupo na kami kaharap silang tatlo at wala na rin ang mga screens na kanina pa namin nakikita. "Hindi po namin magagawa ito kung wala ang suporta ninyo. Maraming salamat po!" sambit ni Alton. "Maraming salamat po!" sabi rin naming lahat. "Bago ang nangyaring pagkahimatay ni Limea ay hindi na ninyo napansin ang bilang ng gate. Pero dahil sa pag-check namin ng videos ay kita namin kung paano niya nabuksan ang pangsampu," ani Boss Richardo. "At dahil mga rank S na kayo, kailangan ninyong malaman ang mg