Chapter 12 – Nababaliw "Jian, heal Oliver. Lance, switch with me," utos ni Alton. Agad sumagot ang mga binanggit niya at sinunod ang utos nito. Nandito lang ako sa likod nila at naghihintay ng kung ano man ang iutos sa 'kin. Isang Rhinosnake ang kalaban namin. Malaking ahas siya na may habang labing limang metro. May mga tusok-tusok siya sa buong katawan dahilan para mas lalo kaming maging alerto sa kung saan iyon tatama. Naging maganda ang coordination ni Lance, taliwas sa naisip ko at sinasabi ni Nicy. Mukhang magaling naman siyang support at hindi rin matigas ang ulo niya. Nakapagtataka tuloy kung bakit inis na inis sa kaniya si Nicy. "Limea, boost Nicy's bow and arrow. Jian, heal Lance's wounds," rinig kong utos ulit ni Alton. "I'm fine, Captain. Mas kailangan mo ng heal dahil tin