Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa sahig ng banyo na kahit masakit ang aking katawan ay pinilit ko pa rin tapusin ang aking pagligo. Nakatulala man at iniisip ang mga posibleng maganap pa sa kanila ng lalaking iniibig ay hindi niya mawari kung bakit namamanhid na lamang ang pakiramdam niya. Sobrang manhid. Hindi ko nga alam kung bakit ang takot at pag-uubaya ko sa sarili ko kay Zeen ay nagpatuloy at ni hindi ko na hiyaan ang sarili ko sumaya man lang. Siguro dahil nasanay na ako sa ganito? Siguro nga hanggang rito na lamang talaga ako. Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagbihis dahil ayokong ma-abutan ako ni Zeen dahil alam kong sasaktan niya na naman ako sa mga masasakit niyang salita, pinagsabihan niya na niya kasi ako na dapat pagkagising niya'y dapat wala na ako sa kwarto d