ANDREW
Ilang araw ng pananatili ko sa bahay nina nanay Mila at tatay Mario. Msasabi kong unti-unti ng bumuti ang pakiramdam ko. Nakakakilos na ang buonv katawan ko. Hindi na rin ako nahihirapang bumangon. Pati ang mga gasgas at galos sa aking katawan ay unti-unting na naghihilom. Siguro nakuha ko ito ng ilang araw kong pa lutang-lutang sa gitna ng karagatan. Hindi na rin ako nilalagnat tuwing gabi. Maging ang paso ng aking balat sa may bandang dibdib ko ay naghihilom na rin dahil sa pag-aalaga ng mga kinikilala ko ngayong nanay at Tatay.
Sadyang nakapakabuti nilang mag- anak sa akin lalo na si Isabelle na malaki ang utang na loob ko dahil sa kanya nagkaroon ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. Madalas na wala si Tatay Mario dahil sa araw-araw itong pumalaot maliban sa araw ng linggo. At si nanay Mila naman ay pupumunta sa pagawaan ng tuyo na pagmamay - ari ng kanilang kapitan. Taga hiwa at taga bilad sila ng mga isda na gagawing tuyo upang dalhin sa kanilang lungsod.
Sabi ni tatay Mario medyo malayo daw ang lungsod ng Talibon. Kumain ito ng mahigit dalawang oras na pagtakbo ng bangkang de motor para makapunta sa kanilang lungsod. Kaming dalawa lamang ni Isabelle ang maiwan dito sa bahay sa buong maghapon. Kahit minsan hindi ako nito kinikibo. Sinusubukan ko naman siyang kausapin pero lagi siyang umiiwas sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya laging umiiwas sa tuwing malapit ako sa kanya. Marahil sa hindi lamang ito sanay na mayroong ibang taong nasasaktan.
Tulad ng nakagawian araw si Isabelle at ako lamang ang naiwan sa bahay. Maagang naglinis ng kanyang bangkang de sagwan si tatay Mario. Alas sais pa lamang ng umaga naghanda na para pumalaot nag itay Mario samantalang si nanay Mila naman pagkatapos naming mag-agahan ay pumunta na ito sa kanyang trabaho. Limang araw pa lamang kasi ito sa kanyang pinagtatrabahuan. Nasabi kasi sa akin ni tatay Mario na kailangan nilang mag-ipon ng pera para sa pagpapagamot ng mga mata ni Isabelle.
Nakaramdam ako ng pagkahabag sa sitwasyon nila rito. Hindi ko man naalala kung saan ako nang galing but I have felt na hindi ito ang buhay na nakasanayan ko. Ngunit sa kabila ng kanilang malaking pangangailangan in terms of financial ay hindi mo pa rin sila nakikitaan na pinanghihinaan sila ng loob. Bakas sa kanilang mukha ang tunay na kaligayahan. Dito ko napatunayan sa pamilyang ito na hindi basihan ang pera para maging maligaya.
Kakatapos lang namin mag hapunan dalawa hindi na namin hinihintay pa na dumating sinan tatay Mario at nanay Mila. Nagpaalam na kasi ito kaninang umaga gagabihin ito sa pag-uwi dahil may minamadali silang trabaho. Si tatay Mario naman umuwi kanina galing pumalaot pero umalis din kaagad upang sunduin si nanay Mila.
"Ahm, Isabelle, puwede ako na lang ang magligpit at maghugas ng pinagkainan natin." presenta ko sa kanya. Naglakas loob akong kausapin siya para kahit papaano maging magkalapit kami sa isa't-isa. Alam ko kung ano ang iniisip niya. Mahirap naman kasi ang magtitiwala sa taong hindi mo pa lubos na nakikilala. Even me, I have many doubts on myself.
"Naku, kaya ko naman Andrew. Huwag mo na akong alalahanin at isa pa ikaw ang mas kailangan magpahinga. Para gumaling ka na agad," tugon nito sa mahinang boses. Hindi ko mapigilang humanga sa kanyang mga kilos. Hindi ko akalain na may babae na ganito ang asal hindi makabasag pinggan sa ganitong modernong panahon. Tunay ngang napaka inosenti nito. Kinuha niya ang kanyang tungkod at itinaas ang kanyang mga kamay. Upang kunin sana ang mga pinagkainan namin. Ngunit mas maagap ako sa kanya. Nauna ko ng nakuha ang mga plato.
"No, it's okay, Isabelle. I insist but don't worry about me. Kaya ko naman ang sarili ko. Sa katunayan gumagaling na ang mga sugat ko," nakangiti kong tugon sa kanya. Kahit alam kong hindi ako nito nakikita. Nais ko rin naman makatulong sa kanila para makabawi man lang ako sa pagkupkup nila at pag-aalaga sa akin. Ayaw kong maging pabigat dito.
"Ahmm, sige. Kung iyan ang gusto mo Andrew. Magpapahangin lang ako sa labas," paalam nito sa akin. Muling kinuha niya ang kanyang tungkod at nagtungo sa may kusina. Hinabol ko siya ng tingin bago tuluyan siyang nakalabas. Nais ko sana siyang ihatad sa labas pero baka isipin nito na minamaliit ko ang kakayahan niya.
Minabuti kong bilisan ang aking kilos at ng matapos ko sa na kaagad ang ginagawa ko sa kusina. Nang matapos ako rito sa loob ng kusina. Kaagad kong sinunundan si Isabelle na dumiritso sa labas ng bahay.
Malamig na simoy na ng hangin ang dumadampi sa aking balat pagkalabas ko ng bahay. Sobrang napaka presko ng hangin masarap langhapin. Bata pa ang gabi sa mga oras na ito. Maaliwalas ang kalangitan. Wala ma lang bakas na kahit ano.
Tahimik kong pinagmamasdan si Isabelle sa may 'di kalayuan sa kinatatayuan ko.
Nakaupo si Isabelle sa pandalawahang upuan katabi ang mga paso na may tanim na ibat - ibang klaseng magagandang bulaklak. Ito ang kanyang kinagiliwang gawin nitonv nakaraamg araw. .
Hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na pagmasdan ito. I can't take my eyes away to her. Ewan ko ba kung bakit tila yata sa kanya lang nakapako ang aking paningin at siya lagi ang gusto kong makikita sa pagmulat at pagpikit ng aking mga mata. Lagi siyang hanap-hanap ng aking mga mata. Gusto ko mula umaga hanggang gabi siya palagi ang aking nais na matatanaw at maging sa aking isilan siya lagi ang naglalaro nito.
I can't help my self to stare her cute beautiful face, hindi ko mapigilan pagmasdan ang kanyang kagandahan taglay. Mayroon itong maamong mukha na kaysarap titigan, may matatangos na ilong, malalantik na pilik mata, mapupulang labi na tila laging nang- aakit na kay sarap halikan. At ang kanyang mga mata kahit bulag ito ay may medyo singkit at tila nangungusap na mga mata. Hanggang napadako ang paningin ko sa kanyang bakingkinitang katawan na saktong-sakto sa kanyang morenang kutis.
Para itong isang dyosa na bumaba mula sa langit. Kasama ang liwanag ng buwan at nagniningning na tala sa kalangitan.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pilit kong isinisiksik sa aking isipan. Kahit ano'ng pigil ko sa aking sarili na huwag mahuhulog sa kanya. Dahil hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Dahil hindi ko paalam ang tunay kong pagkatao at saan ako nanggaling? At higit sa lahat pinagkakatiwalaan ako nina tatay Mario at nanay Mila ayaw kong sirain ang tiwala na binigay sa akin. Sadyang makapangyarihan ang pag- ibig dahil kahit ano'ng laban mo dito ay ikaw at ikaw pa rin ang natatalo. Dahil damdaming gusto mong iwasan ay mas lalong umuusbong at hindi na ito kayang pigilin nino man.
Alam kung masyado pang maaga para sabihin ko sa kanya ang aking nararamdaman. Kaya nagpasya akong e- sarili ko lang muna ito.Hahanap muna ako ng tamang pagkakataon upang masabi ko sa kanya ang aking pag-ibig na nakalaan lamang para sa kanya.
Napagdesisyon akong lapitan siya
"Ahhem...can I set beside you Isabelle?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman ito at bahagyang umusog.
"Si -sige Andrew, halika upo ka!"saad naman nito.
"Thanks Isabelle," tugon ko sa kanya sabay upo sa tabi niya. Nakaramdam na
"What are you doing here Isabelle? Gabi na ngunit nandidito ka pa sa labas masyado ng malamig ang simoy ng hangin dito baka lamigin at magkakasakit ka nito,"saad kung muli sa kanya.
"Nagpapalipas lang ako ng oras kasi hindi pa ako inaantok pero maya maya papasok na rin ako."paliwanag nito sa akin.
"Ganoon ba sige samahan na muna Kita dito ."
"Naku huwag na Andrew baka inaantok ka na at tsaka ba nakakaabala lang ako sayo."nahihiyang tugon nito .
"No worries malakas ka sa akin, Isabelle. Kaya kung samahan ka dito kahit magdamag."pabiro ko pang sabi.
"Ikaw ang bahala basta ikaw ang may gusto niyan ha." Natatawa na rin nitong tugon sa akin.
"Andrew pwede ba sabihin mo sa akin kung ano ang nakikita mo ngayon? Gusto ko kasi malaman kung ano ang nakikita mo."muling saad nito sa akin.
Napatigil naman ako at tinitigan kong muli ang kanyang maamong mukha mas maganda pa pala ito kapag tinitigan sa malapitan.
"Ang nakikita ko ngayon Isabelle? Napakaaliwalas ng langit. Sobrang napakaliwanag ng buong kapaligiran. Dahil sa kabilugan ng buwan at maraming talang nagniningning sa kalangitan." panimula ko sa kanya. Tunay ngang nakakabighani ang ganda ng lugar na ito. Para sa akin isa itong tagong paraiso. Kita ko sa aming kinauupuan ang malawak na karagatan na ngayon tila nagkikislapan ang tubig dagat na tila ba nauudyok na nagpakasarap magtampisaw sa maginaw na tubig sa ilalim ng maliwanag na buwan.
Kahit ang totoo hindi naman ako tumitingin sa buwan at mga bitui. kundi wala akong ibang nakikita kundi ang kanyang magandang maamong mukha.
" A-ano pa ang nakikita mo, Andrew?" Excited nitong tanong sa akin. Matamis ang ngiti nitong nakatingala sa langit.
"Ngunit ang labis na nakapag bibigay ng kagandahan ay ang nakikita ko ngayon. Na isang magandang dilag na nakakabighani sa aking paningin." seryoso kong saad ko sa kanya. Napatingin ito sa gawi ko at nakita ko kung paano napalis ang kaninang matamis na ngiti sa kanyang labi.
"Andrew naman bininiro mo naman ako, eh," tila nagtatampo nitong tugon.
"Hindi kita binibiro Isabelle, totoo ang sinabi ko sa iyo," seryoso kong tugon sa kanya.
"Andrew?" tanging sambit nito.
"Alam mo bang napakaganda mo, Isabelle? You are beautiful in and out." saad ko sa kanya.
"Huwag mo na lang akong utuin, Andrew. Bulag lang ako pero hindi naman ako uto-uto." saad nito. At sinundan pa ito ng mahinana tawa. Kasunod nu'n ay isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
"Hindi naman kita inuoto, Isabelle. Nagsasabi ako ng totoo. Pero hindi naman kita mapipilit na paniwalaan ako