Chapter9

1549 Words
Isabelle Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing maalala ko ang halik na iginawad sa akin ni Andrew. Gusto kong tumili ng napakalakas at mapagulong-gulong sa sahig ng aking silid. Dahil sa labis na kilig na aking nadarama. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may humahalik sa aking lalaki. At unang pagkakataon na nagkaganito ako para sa lang sa isang lalaki. At sa isang estranghero pa. Walang kasiguraduhan kong ano'ng klaseng buhay ang naiwan nito sa kanyang totoong pagkatao. Ngunit wala akong pakialam kung ano paman siya sa kanyang dating buhay. Ang mahalaga sa akin ngayon ay nandito siya sa amin. Araw-araw ko siyang nakakasama. At sa araw-araw na magkasama kami hindi ko na kayang itanggi rito sa aking puso na tuluyan na akong nahuhulog sa kanya. Dahil sa mga ipinaparamdam at pinapakita niya sa akin na kabaitan at simpling pag-aalaga niya sa akin ay malaking bagay na iyon sa akin. Labis na ako nitong pinapasaya. Hindi ko man siya nakikita dahil literal na isa akong bulag pero ramdam ko naman na tunay siyang mabait at sinsero sa bawat kataga nitong binibitawan. Nagpabaling-baling ako sa aking higaan. Tila ako sinisilaban sa puwit at hindi mapakali. Hindi pa kasi ako tuluyang naka get over sa kaganapan kanina lamang. Hindi mapalis ang malaki kong ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko nasa kalagitnaan na ako ng langit. Kulang na lang tulayan ng mapunit na ang bibig ko kakangiti abot hanggang tainga. Kanina ko pa pinipigilan na mapatili sa harapan ni Andrew. Kung hindi ko lang naramdaman na malapit na bumigay ang mga tuhod ko. Hindi ko na sana siya tinulak pa. Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil naputol agad ang paghalik niya sa akin. Pandamay naman kasi itong puso ko at tuhod ko halos wala na akong marinig dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Nakakaloka hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Ito na ba kaya ang tinawag nilang pag-ibig? Hindi ko alam, dahil ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Pero hindi po ba masyadong napakabilis? Ilang araw pa lang naman si Andrew dito sa amin. Tapos love na kaagad. Kinuha ko ang aking unana at itinakip sa aking mukha. Ibinaon ko ng husto ang aking bibig upang walang makarinig sa gagawin kong pagtili lalong - lalo na si Andrew. Siya lang naman ang kasama ko sa bahay. "Dios ko, Ikaw ba iyan, Isabelle? Ano'ng nangyari sa iyo girl? Mag hunos dili ka! Ikaw lang yata ang babae na ninakawan ng halik na kulang na lang maglumpayat dahil sa sobrang saya! Ano na lang ang isipin ng itay at inay mo na na paghalik ka sa isang estranhero?" pangaral ng aking konsensiya. Napasimangot naman ako. Minsan nga lang nagkaganito pinapangaralan na kaagad ng konsensiya ko. "Wala namang masama sa ginagawa mo, Isabelle. Natural lang naman na magkaka ganyan kasi mahal mo 'yung tao. Mas masaya kapag minamahal ka ng taong mahal mo," ani naman ng aking puso. Masyado na akong naguguluhan kung ano ba talaga sng susundin ko. Nagtatalo na ang aking puso o ang aking isipan. "Pero alalahanin mo, Isabelle. Walang naaalala iyang tao. Paano na lang kung may pamilya na iyang si Andrew. May asawa at anak na naghihintay sa kanya? Ano ang gagawin mo? Hayaan mo ba na makasira ng pamilya. Paano na ang mga bata, napagkakaitan mo sila kanilang ama. Paano na ang asawa? Maaatim mo ba na nang dahil sa iyo may babae na umiiyak at may pamilya na masisira?" wika ng mahadora kong konsensiya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot kasi maraming posibilidad na mangyari ang sinasabi ng utak ko. Pero puwede rin naman na mali ito. Pero paano nga kung may anak at asawa na si Andrew kakayanin ko ba na ako ang dahilan na mawasak ang pamilya nila? Pero ang tanong, kakayanin ko ba na masaktan? Alam ko naman na walang matinong lalaki na papatol sa akin. Sa isang bulag, manang na kagaya ko. Wala naman lang akong maaring maipagmalaki sa aking sarili. "Ay, Isabelle, ano ka ba! Wala pa ngang kayo nag-eemote ka na. Kung darating man ang time na 'yan, huwag naman sana. Pero sa ngayon enjoy mo na lang kung ano mayroon kayong dalawa," saad ng kabilang bahagi ng puso ko. Tila na ako hibang nakinakausap ang aking sarili. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip kay Andrew. Kaya ngayon inaantok pa ako. Nasanay na kasi ang mata ko gumising ng maaga. Daig ko pa ang isang robot na naglalakad. "Oh, anak! Bakit ganyan ang hitsura mo? Ano'ng nangyari sa iyo? Tila yata nakulangan ka yata sa tulog," Puna sa akin ni Inay. Nakasalubong siya papuntang kusina. Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa kanya. "Oh, ikaw rin, Andrew? Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa? Bakit ganyan ang mga hitsura ninyo?" Natatawang tanong ni Inay sa amin. Biglang rumaragasa ang kaba sa aking dibdib. Kahit tinig lamang niya napakalakas na ng dating sa akin. "Late na ako nakatulog kagabi, Inay." tugon ni Andrew kay inay. Hindi ko mapigilang kagatin ang aking pang-ibabang labi dahil sa mararamdaman ko ang mata kanina pa nakatingin sa akin. Hindi ko na kailangan tanungin pa dahil sa kanya lang naman nagkaganito ako. Napaisip ako kung sino kaya ang iniisip niya kagabi. Siguro naisip niya ang kanyang pamilya. "Ah, naalala mo na ba ang pamilya at totoong pangalan mo, hijo?" masayang tanong ni Inay. "Hindi po, Inay. May gumugulo lang po sa isipan ko. Hindi naman po ako nagmamadali. I know in the right time. Maaalala ko rin ang pinanggalingan at tunay kong katauhan." tugon ni Andrew. Tila nalulungkot ang aking puso sa narinig alam kong dumating ang araw naiiwan rin niya ako. Iiwan niya kami pero hindi ko maiwasan ang malungkot sa isiping iyon. "Ah, Inay mauna na ako sa kusina," Paalam ko kay Inay. Baka tanungin na naman ako ni inay ulit. Wala aking mahapuhap na dahilan para mag puyat. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag malapit lang sa akin si Andrew.Hindi mapirmi ang kalabog sa aking dibdib na kay hirap patigilin. At isa pa hindi ko matagalan ang presensiya nito. Simula ng gabi hinalikan ako ni Andrew nahihiya na ako sa kanya.Pero sa tuwing sumapit na ang gabi nahihirapan akong makatulog sa kakaisip sa kanya. At sa aking mahimbing na pagkatulog palaging siyang laman ng aking panaginip. Kahiit saan man ako na riyan siya sa isip ko hindi na mawawaglit, Tila ito isang pandikit na kumakapit sa aking isip. Hindi ko akalain sa tanang buhay ko hindi na ako umaasa pa na may magkakagusto sa akin dahil sa pagiging bulag ko pero si Andrew ipinaramdam niya sa akin na espesyal akong tao kahit sa pagiging embalido ko. Sa kabila ng kakulangan ko sa aking sarili nakaramdam ako ng tunay na kaligayahan Tila yata matutunaw ang puso ko sa tuwing maririnig ang kanyang matatamis na salita. Pagkatapos naming mag-agahan naisipan kong tulungan si Inay sa paglalaba sa likod ng aminv bahay. "Ahh, Inay may itatanong po sana ako," Basag ng natahimikan ni Isabelle. "Ano na iyan anak?" "A-e, ano, nais ko lang po sanang itanong kung paano po ba malaman kapag na iinlove ang isang tao?" lakas loon kong tanong kay Inay. Wala naman sina Andrew at itay sumama pumalaot. Talagang maayos at magaling na si Andrew mula sa natamo niyang mga sugat. Sa ilang araw niyang pananatili rito sa bahay naramdaman ko naman na totoong masaya siya sa buhay na mayroon siya ngayon. . . "Naku! Inlove na ba ang Isabelle ko?" mapang-intriganag saad ni Inay. "Ah, eh, ano po kasi Inay. Ahm, hindi po inay naririnig po ito," medyo natataranta kong tugon baka isipin ni nanay bulag na nga ako lumalandi pa. "Hello, Isabelle ! Pusa nga lumalandi ikaw pa kaya. Bulag ka lang man pero siyempre tao ka pa rin, noh. Marunong ka rin makiramdam," kontra ng maharot niyang isipan.. "Hindi madali kapag umiibig anak, minsan sobrang saya 'yung feelings na parang sobra kang lutang na lutang sa alapaap. Lalo na pagkasama mo ang taong iyong iiniibig" tila kinikikilig pang sabi ni inay . Habang tahimik lamang akong nakikinig sa kanya. Noong naging kami ng tatay mo. Naku!!!abay pinitas ko lang naman ang mga bulaklak. Ang sabi ng lola mo dahil sa sobrang sayang ko. Ngunit akalain mo ba naman na Ang taong matagal ko ng tinatangi ay nililigawan ako. Ngunit, naku para na yatang mobaljk sa pagiging teen edger nito.".mahabang salaysay ni inay. " Pero siyempre anak. Hindi lahat masaya.Sa pag- ibig kasama narin yung malulungkot at masasaktan ka.. Ganoon pala kapag umiibig inay... "Tila may na pupusuan na itong Isabelle ko may boypren na ba itong dalaga ko." "Si nanay naman. Wala po Inay at paano ako magkaka boyfriend bulag 'tong anak mo at alang magkakamaling man ligaw ka sa akin." "Eh, Ang gandang - ganda kaya ng anak namin ko," saad ni Inay. "Hmmp si Inay talaga anak mo ako kaya nagagandahan ka sa akin." "Maganda ka anak siyempre manang-mana kaya ikaw sa akin," wika ni inay Nagpapasalamat parin ako nakahit ganito man ako bulag. May nanay akong katulad ni nanay Mila. Hindi ko lang siya basta nanay, best friend ko rin siya. Wala naman akong matalik na kaibigan tangin sila nanay at tatay lang ang kasama ko palagi simula ng mabulag ako sila lagi ang nagpapalakas ng loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD