Three months later Sheryl PoV “Teka, Sheryl. Sigurado ka ba talagang na bibili ka ng aso?” Hindi makapaniwala tanong sa akin ni Amber at Tilly, ang aking mga kaibigan. “Oo, bakit ba?” naiirita kong sagot sa kanilang dalawa. Simula nang umalis kami sa bahay hanggang dito sa tindahan ng aso, patuloy pa rin silang nagtatanong. Nakukulitan na ako sa kanilang dalawa. Sana'y hindi ko na kamang sinama ang mga ito. “Sandali nga bakit mo gusto ng aso? Hindi mo naman hilig mag-alaga ng mga hayop, lalo na aso,” tanong pa rin ni Amber habang papasok kami sa isang tindahan kung saan ako bibili ng isang Siberian Husky. Nakausap ko na ang may-ari ng tindahan sa online at pick-up na lang ang gagawin namin dito dahil may napili na akong aso. “Ewan ko sa'yo, Sheryl. Simula ng bumalik ka sa huling medic