Chapter 1 How They Started
Xiel P.o.v.
"Hi, para sa'yo," abot ni Pat ng isang box ng Chocolate at cake na favorite ni Ellen.
"Thank you. Pasensiya na kayo kay Mama, gano'n lang talaga siya." paumanhin niya sa amin.
"Ayos lang sanay na ako," natatawang sabi pa ni Pat. "So paano, I'll see you tomorrow?"
"Sure, see you." Matamis na ngiting sagot naman nito.
Para silang Pbb teens na nagpapa-cute sa isa't isa. Napapatirik na lang ako ng mata eh. Taga suporta lang ako nitong dalawa. Saglit pa silang naglandian, este nagkwentuhan na kung 'di pa kami pinapapak ng lamok, wala pang balak umuwi nitong si Pat. panay na rin ung tawag ni Elenita kay Ellen, kaya nagpasya na kaming umalis bago pa kami buhusan ng ihi sa arinola.
Bago pa kami maka-alis napatingin ako sa katabing bahay nila Ellen, may nakatingin sa aming dalawang babae. Pinsan ni Ellen 'yon ah? For sure narinig nila ung pagtataray sa amin ni Elenita kanina.
Ngumiti si Pat sakanila at ngumiti din naman si Paula, kaso ung isang katabi niya ni walang karea-reaksyon, isnabera lang talaga at binaling ung tingin sa ibang direksyon. Sungit lang. Nag paalam na din kami sakanila.
"Sana bukas na." Halatang kinikilig-kilig pa 'tong si Pat at pagkalapad-lapad ng ngiti. Mukha siyang abnormal,.Promise!
"Sus, magkikita naman kayo bukas, excited lang?" Tanging nakumento ko.
Marahan naman niya akong hinampas sa balikat. "Hindi ka pa kasi na-iinlove talaga, kaya 'di mo alam ung pakiramdam." Sabi pa niya.
"In-love, in-love. Sa una lang 'yan masarap pero pa-iiyakin ka din niyan sa bandang huli." Mapait na sabi ko. Tumawa naman siya at hinampas na naman ako. Aba! nakakarami na siya, ah!
"Dalaga na si Jewel, noh? Dati inaasar-asar lang natin 'yon no'ng mga bata pa tao eh, tapos tatakbo sa bahay nila at umiiyak. Hahaha!" sabi ni Pat. madalas kasi naming pikunin 'yon. Favorite ko kasi talaga siyang asarin at paiyakin. Hehe.
Ung tinutukoy niya ay ung suplada kanina na pinsan ni Ellen. Magkakalaro na kasi kami nung mga bata pa. Mas close namin 'yong ate niyang si Paula, 'di hamak na mas mabait kasi 'yon at hindi suplada. Hindi tulad no''ng kapatid niyang 'di ata marunong ngumiti. Feeling ko nga tatandang dalaga 'yon eh.
"Oo, mas naging masungit nga lang." Dagdag ko pa.
"Masungit ba, Baka sa'yo lang?"
Napataas naman ung kilay ko. "Bakit kinakausap ka ba no'n?"
"Oo. kapag pumupunta ako kela Ellen, nakikipag-usap naman."
Letse! Sa'kin lang ata nagsusungit 'yon eh. Never niya kasi akong kinausap, ni sulyapan ata 'di no'n magawa. Hindi pa rin ata makamove-on sa pangbubuska ko sakanya dati. Pero simula no'ng nag high school kami, bihira na din kaming tumambay sakanila. S'yempre, nagdadalaga at nagbibinata na kami ni Pat. Joke lang. No'ng elementary kasi ako, nagkaka-crush na 'ko sa mga babae. Nagkaroon na din ako ng mga ka-flings pero walang naging seryoso. Until now, 2nd year college na kami. Wala pa akong nauutong babae, kahit merong mga nagpaparamdam.
.
.
"Sama ka sa'kin magkikita kami sa mall ni Ellen ko." Yaya ni Pat na nagkukumahog magligpit ng gamit niya. Tapos na kasi klase namin. Same course din kami. Fine arts.
"Ikaw na lang, third wheel na naman ako sa inyo eh. Moment niyo 'yon. Ayokong maki-epal." Tanggi ko. Tinatamad din kasi ako. Wala din kasi akong pera. 'Yon talaga eh.
"Tara na, libre kita." Pilit pa niya sabay beautiful eyes.
Tatanggi pa sana ako eh, pero ung narinig ko ung "libre" na word parang ginanahan ako. 'Di kasi talaga ako busy.
"Oh tara, wala naman akong lakad." Mabilis kong sinukbit ung bag ko at hinila na si Pat palabas ng classroom.
At the Mall.
Sa isang pizza parlor kami magkikita. Nando'n na daw si Ellen. Pagpasok namin sa loob nakita namin sila na may kasama. Si Supladitang isnabera. Anak ng patola! Ba't kasama siya? Parang gusto kong magback-out no'ng nakita ko siya. Gano'n pa rin ung reaksyon ng mukha niya. Neutral lang, blanko. 'Di mo mababasa kung anong iniisip. Habang papalapit kami palukot na din nang palukot ung mukha niya. Akala mo naka-inom ng isang boteng suka eh.
"Sorry, kanina pa ba kayo?" Tanong ni Pat at tumabi na kay Ellen. So, no choice ako. Katabi ko ung matandang dalaga. Nakakailang. Badtrip! Paano kaya ako makakain ng maayos nito kung nandito si Miss Minchin sa tabi ko? Napansin kong umusod pa siya sa may pader. Parang diring-diring madikit sa'kin. Like what the fudge?! Akala naman niya gusto ko siyang katabi. Feeler ah. Gusto ko nang mag-walk out talaga. Kung hindi lang ako nahihiya kela Ellen at Pat eh. Tahimik lang ako the whole time habang masarap na nagkukwentuhan ung lovers sa tapat namin. Itong katabi ko parang robot. Ung bilang na bilang lang 'yong galaw at ung pagtawa niya. Masyadong mahinhin. 'Di din kami nagpapansinan.
"So kamusta, sinong girlfriend mo ngayon?" Out of know where na tanong ni Ellen. Nakaramdam ako ng awkwardness dahil na din siguro dito sa katabi ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ung saglit na pagsulyap niya sa'kin.
"Wala, busy ako." Tipid na sagot ko, sabay subo ng pizza.
"Madaming babae. 'yon nga lang puro flings." sabat ng abnoy na si Pat. Sarap tadyakan eh. Marahan ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa at pinandilatan ng mata.
"Oww. Puro flings pala ah?" Nang-aasar na tirada ni Ellen. Pinagkakaisahan talaga ako ng dalawang 'to.
"Ikaw, Wel?" tanong ni Pat. Napasulyap naman ako sakanya. Parang bigla akong naging interesado sa isasagot niya.
Tumikhim siya sabay inom ng ice tea bago sumagot. "Madaming nanliligaw yes, pero may boyfriend na ako eh." Pormal na sagot niya.
Nakaramdam ako ng pagkadismaya. May boyfriend na pala siya. Oh, edi wow! Sa sungit niya, may nagkagusto at nag-tiyaga? Or baka sa'kin lang talaga siya masungit? Curious lang ako, paano kaya siya maging girlfriend?
Malambing kaya siya?
"Dre?"
Sweet or clingy?
"Psst, oy?"
'Di kaya siya masungit sa jowa niya?
"Hoy! baka matunaw si Jewel sa kakatitig mo." Bulyaw ni Pat, sabay bato sa'kin ng tissue kaya bigla akong napapitlag at mabilis na nag-iwas ng tingin. Pucha! Tinititigan ko pala siya. di nga? Nakakahiya. lalo tuloy akong nailang at sinamaan ng tingin si Pat na tumawa-tawa pati na rin si Ellen. Mga mapang-asar.
Alam kong nakatingin din si Jewel sa'kin kaya lalo akong nailang. Rinig ko pa ung pag "Tss" niya. Bwisit lang talaga. Lalo atang naging confident sa sarili at baka iniisip niyang gusto ko siya. Nuh! hindi ko siya type. Sa ugali niyang 'yan. Baka aso't pusa lang kami kapag nag-usap.
"Let's go na, are you done?" Medyo iritabling tanong nito kela Ellen.
Nagka-tinginan muna kami, 'di pa nga ako busog at nakaka-isang slice pa lng ako ng pizza at nakakalahati ko pa lang ung carbonara. 'Di ko pa natitikman ung mojos, sabay yaya naman nitong isang 'to?! Kung mauna na lang kaya siyang umalis? 'di ako nabubusog sakanya eh. Nakakairita lang talaga.
"Ahm, tapos ka na bang kumain?" alanganing tanong ni Pat sa'kin. Ramdam niya atang badtrip na ako.
"Oo, busog na busog na nga ako eh." Sarcastic kong sagot at sabay irap sa katabi ko. Napatingin din siya at kita ko ung pag ismid niya. May attitude talaga 'tong babaeng 'to.
Tinake-out na lang namin ung natirang pagkain. Gusto ko na din namang umuwi. Hinatid muna namin sila.
"Kanina ka pa tahimik, anong nangyari sa'yo?" tapik sa'kin ni Pat. Tumambay muna siya dito sa bahay.
"Next time nga, 'wag mo na akong isama kung kasama ung isnaberang feeling na babaeng 'yon!" Himutok ko. Kanina pa kasi talaga ako wala sa mood kaya nga nagyaya na rin silang umuwi.
"Anong pinaglalaban mo d'yan?" Maang na tanong naman niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin sabay tawa niya. "'Di ko alam na kasama niya si Jewel kanina, sinabi lang niya no'ng nasa mall na tayo at bakit ba bigat ng dugo mo sakanya?"
"Pareho lang kami mabigat dugo sa isa't isa. Ang sungit, akala mo naman dyosa sa kagandahan." Sabay tirik ng mata ko.
"Bakit hindi ba? ang ganda kaya niya."
Ang ganda nga ang pangit naman ng ugali. Tseeh!
"Basta! Ayoko ng kasama 'yon. 'Di ako nabusog sakanya eh. hindi man lang makaramdam na 'di pa ako tapos kumain." Maktol ko ulit.
"Hahaha! kaya ka pala nagkakaganyan, kasi 'di ka nabusog?" parang demonyong tawa pa niya. Sarap sampalin ng kaliwat kanan eh.
"Alam mo, baka gumaganti lang 'yon sa pang-aasar mo sakanya no'ng bata pa tayo. Lagi mo kasing pinapa-iyak eh."
"Letse siya kamo. Arte niya! 'di na kami mga bata. Ang sabihin mo, may attitude talaga siya. Buti nga nagka-boyfriend pa siya sa ugali niyang 'yon."
"Hahaha! Eh, malay mo naman mabait siya pagdating sa bf niya."
"Oh sige, kampihan mo pa. Umuwi ka na nga, baka 'di kita matantiya eh." Asik ko.
Natawa lang siya "Oh relax. Chill lang." chill mo mukha mo!
*
*
Anong oras na!" Panenermon ni Pau sa'kin. Sinundo kasi nila ako dito sa bahay. Ako ung late eh. 'Di kasi nag-alarm ung cellphone ko. Mabilisang ligo at bihis na nga ginawa ko. Buti na lang nakapag impake na 'ko kagabi. Nagkayayaan kasi mag beach, dahil long weekend naman at wala kaming klase.
"Kahit kailan ka talaga, wala ka pa ring pagbabago. Tsk! Pa-importante." naku, ayan na po si Paula. Galit na galit at gustong manakit ang babaeta. Anong magagawa ko , sa 'di ako nagising eh. Duh!
"Wag ka ngang mag-eskandalo! magigising sa'yo sila Mama, eh." Paano naman kasi alas singko pa lang, nagtatatalak na 'tong isa dito sa bahay.
"Bilisan mo na, anong oras na tayo makakarating sa Batangas. Maiiwan tayo ng bangka."
"Bakit isa lang ba ung bangka do'n? Napaka mo din, eh." Inis na sagot ko. Nagpaalam muna ako kela Mama at sa Kuya kong nananaginip pa ata.
Nag-aabang ung pulang innova na kotse nila Pat, sa labas ng gate. Pumasok na kami sa loob, Nakita ko si Jewel na nakapikit at my earphones sa tenga. Wala ata ung Bf niya? Baka susunod na lang din. Nasa likod sila lahat magkakatabi. So, dito ako sa tabi ni Jewel, talaga? dito lang kasi ung maluwag eh.
"Utang na loob, umupo ka na." Halatang nagtitimpi sa inis si Pau. Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi ni Maldita, baka kasi magising at biglang bumaba ng kotse pag nalaman na katabi niya ko. Ewan ko ba sa babaeng 'to, allergic sa'kin.
Smooth naman ung biyahe, walang traffic kasi maaga pa at Saturday naman ngayon. Inaantok ako, napansin kong napasandal na sa balikat ko si Wel, mukhang ang lalim ng tulog eh. Naamoy ko na naman ung sweet scent perfume niya. Hinayaan ko na lang siyang sumandal sa'kin inaantok din ako eh.
.
.
"Nandito na tayo." Tapik sa amin ni Ellen. Sabay naman kaming nagising ni Jewel, at halatang nagulat no'ng nakitang nakasandal siya sa'kin at katabi niya ko. Parang nahihiya na ewan. Nanlaki ung mata eh, at sabay kuha ng bag niya. Bumaba na kami ng kotse. Nando'n na din 'yong bf ni Jewel. Yumakap naman agad sakanya ito. Akala mo naman galing ibang bansa kung magyakapan eh. Tss!
Sumakay na kami ng bangka. Isang oras din ung byahe bago makarating sa beach. Mahiluhin pa naman ako, ang alon kasi. Tsk! Kaya ayoko ng tumatawid sa dagat. Ang dami-dami naman kasing malalapit na beaches na 'di na sumasakay ng bangka!
After 600 Years, nakarating na din kami. Medyo nahihilo pa din ako. Dumiretso kami sa room namin. Bale 2 bedrooms na malalaki at my bed din sa may lapag na pwedeng ipasok sa ilalim. 'Di daw kasi pwedeng magtabi si Jewel at Bf niya eh, kaya for sure do'n matutulog sa kabilang kwarto. Buti nga sakanila. Bwahahah!
"Tara, kumain muna tayo bago magtampisaw sa dagat." Sabi ni Ellen, habang inaayos na ung mga pagkaing dala namin. Tumulong na din kaming ilabas sa mesa para do'n na kumain.
"Napatingin ako kela Jewel, na ang hinhin kung kumain. Wala pa ding pinagbago. Ang lamya talaga nito kumilos habang ung bf niya parang walang paki at maganang-maganang kumain.
"Babe, tapos ka ng kumain?" Takang tanong nito. Napansin niya atang nakatitig lang 'to sa plato niya.
"Yeah, i'm done na."
Napatingin naman ako sa plato ni Jewel. Mahilig siya sa mabuto na part ng manok pero 'di marunong magpapak. Ang dami pang laman eh. Sayang naman.
"Ahh okay, kainin mo na lang 'tong pinya," sabay lagay nito sa plato.
"Ayoko niyan." Tanggi nito.
'Di kasi siya mahilig sa maasim. No'ng mga bata pa kami ayaw niya ng manggang hilaw. Indian mango ang favorite niya kasi matamis.
Parang napahiya ung mukha nito at patay malisya na lang. Halatang marami pa siyang 'di alam kay Jewel. Tsk tsk! Kawawang bata.
*
*
"Ang sarap ng tubig. Wooah! Sigaw ni Ellen, na akala mo first time makaligo ng dagat. Napatingin tuloy sakanya ung ibang naliligo. Naka two piece sila ni Paula, ang gaganda naman kasi ng katawan nila kaya may karapatan silang magsuot ng gano'n. Si Maldita naman, naka One piece lang. Makukurot siya sa singit ng Ate niya kapag nag two piece siya panigurado.
Kami ni Pat, naka rushguard at naka short. Si Boyfriend, Ayon naka boardshorts at halatang pinagmamayabang ung Abs niya. May abs din naman ako eh. Mahilig kasi akong mag work-out kahit hindi halata. Si Jewel, mamula-mula ung kutis dahil na din siguro sa dami niyang lahi. Korean ung Daddy niya. American-Filipino naman ang lahi ng Mommy niya. Kaya ang gandang babae. Suplada at nuknukan din ng sungit.
Mga ilang oras din kaming nagtatampisaw sa dagat ng mapagpasyahan nilang umahon na. Nagbanlaw na kami at nagbihis dahil pagabi na din at lumalamig na ung simoy ng hangin. Tumambay kami sa may buhanginan at do'n nilatag ung alak at pulutan.
"Xiel, naalala mo no'ng mga bata pa tayo, ang galing mo sa tumbang preso." sabi ni Pat. Naalala ko nga 'yon eh, tas ang laging taya si Jewel.
"Oo, hahaha! Nakaka-miss nga maglaro ng gano'n eh. Tapos ung chinese garter din." Napatingin ako kay Jewel. Naalala din kaya niya na ako lagi nagsa-save sakanya no'n, kasi siya lagi ung baby at ako ung mother. hahaha! Paano, lagi siyang natataya dahil nahihirapan na siyang tumalon kapag mataas na. Siya kasi ung pinakamaliit at bata sa grupo.
"Naku, lagi mong sinasalba si Jewel no'n. Kayong dalawa ni Pau ang magaling do'n, eh." sabi pa ni Pat.
Nagkatawanan naman kami habang si Jewel, eh nakatingin lang at nagtama ung mata namin. Ako na ung umiwas agad ng tingin.
"Naglalaro ka pala ng gano'n dati, Babe?" natatawang tanong ni Boyfie.
Umikot muna ung mata niya at halatang nairita sa tanong nito.
"Yeah. I don't have a choice. Lagi nila akong sinasali dahil kulang sila."
"Siya rin 'yong laging kawawa at taya. Bwahaha!" asar ni Pau kay Wel, kaya Sinimangutan naman siya nito. Halatang 'di kumportable sa usapan. Ako naman nage-enjoy sa topic. Nakaka-miss kasi talaga, lalo na ung okay pa kami ni Jewel. Ung kinakausap pa niya ako at naasar-asar ko pa siya at napapaiyak. 'Yong batang Jewel. Bigla tuloy ako nakaramdam ng lungkot.
"Dre, naalala mo pa no'ng nagbahay-bahayan tayo? binigyan mo ng singsing na gawa sa straw si Jew?" sabay halakhak ni Pat.
Oppss... Biglang natahimik ang lahat. Nakatingin sila sa'kin. Nahuli ko din ung pagsulyap ni Jewel. Nakakahiya! Badtrip! Pinandilatan ko ng mata si Pat, para tumigil na. Parang ang awkward kasi kahit wala namang meaning 'yon dahil mga bata pa kami.
"Cheers!" Kampay ni Paula. Basag na din sa awkward moments. Lahat kami tinaas ang hawak naming alak.
12:30 A.m na din kaming natapos sa pagdadaldalan. Pumasok na kami sa kwarto dahil antok na din daw sila. Nakahiga na ako sa kama. Si Pat at Ellen, sa ibabang kama. Sa kabila naman si Jewel at Pau, at sa baba nila ung Bf ni Wel. Tumingin ako sa paligid, tahimik na at mukhang tulog na sila, samantalang ako 'di dalawin ng antok. Nakakainis!
Dahan-dahan akong tumayo para magpahangin saglit sa labas, nagbabakasakaling makakita ng siyokoy at sirena sa dagat.
Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin, naka-jacket naman ako at umupo kung saan kami nakapwesto kanina sa buhanginan. Tumingin-tingin ako sa paligid. May mga naliligo pa din habang may naglalambingan. Alive pa din ang mga tao, may mini bar din kasi sa gawing dulo, kaya madami pang pakalat-kalat.
"You can't sleep?"
Nagulat ako sa nagsalita at napalingon. Si Jewel. Gising pa pala siya?
"Ahm, Oo. Kaya nagpahangin muna ako dito. Ikaw?" tanong ko din. Umupo naman siya sa may buhanginan medyo malapit sa'kin.
"'Di din ako makatulog." Sagot niya habang nakatanaw sa dagat. Palihim ko siyang pinagmasdan habang hinahangin-hangin 'yong buhok niya. Kahit nakaside-view itong babaeng 'to, ang ganda-ganda pa din. Maamo kasi ung mukha niya, kabaliktaran nga lang sa ugali niya ngayon.
"It's rude to stare." Sabi niya habang nakatingin pa din sa dagat. Mabilis naman akong napatingin sa ibang direksyon. Shocks! nakakahiya..
Saglit na katahimikan. May kinapa ako sa bulsa ko. Isang chupachups na lollipop at inabot sakanya.
Tiningnan niya muna ito. Kinuha din naman niya, akala ko deadma na naman siya eh.
"Bakit mo ako binigyan ng singsing dati?" Tanong niya..
Muntik naman akong masamid sa tanong niya. 'Di ako prepared mga Beks.
"H-huh?" Kunwari'y maang kong tanong.
Lumingon siya sa'kin. "Ung singsing na gawa sa straw."
"Ahh. Y-yon ba? Ahm, Sign of friendship." Medyo nabubulol ko pang sagot. Grabe kasi ung kaba sa dibdib ko sa 'di malamang dahilan.
"Friendship, huh?" Dudang kumento niya habang nakatanaw sa langit. Napatingala na din tuloy ako rito. Ang daming stars.
"Hmmm.." Tanging nasagot ko sakanya. Napansin kong giniginaw na siya kaya tinanggal ko na 'yong jacket ko at sinukbit sa balikat niya. Nagulat siya sa ginawa ko at napalingon sa'kin.
Silence....
"Sa'yo na 'to, ayoko na eh."Sabay abot niya sa lollipop . Napatanga naman ako at nagulat habang nakatitig lang sa lolipop na nakalahad sa'kin.
Kinuha ko na din ito at tumayo na siya sabay pagpag ng short niya.
"Goodnight, Yeye. Thank you." Mahina at halos pabulong niyang sabi, at tuluyan ng naglakad papasok sa room namin. Habang ako nakatulala pa din sa mga nangyari at napatitig sa lollipop ni Jewel. No'ng mga bata pa kami, ako taga ubos sa ng lollipop niya kapag 'di na niya kayang ubusin. Gano'n pa din pala siya hanggang ngayon.. Napangiti naman ako habang napapailing sabay subo nito.
.
.