HUMINGA ng malalim si Bree bago siya lumabas ng elevator. Mabilis ang t***k ng puso niya, knowing na makikita niya si RA. Huminga ulit si Bree ng malalim bago naglakad patungo sa mesa ng sekretarya ni RA. "Hi, good morning." Bati niya sa sekretarya ni RA na abala sa harapan ng laptop nito at mukhang hindi siya nito napansin. Mabilis naman na nag-angat ng tingin ang sekretarya ni RA. "Good morning, Ma'am. What can I do for you?" "I'm Bree Garcia. I'm from Mr. Russell Knight Henderson's Company. I'm his assistant. I was aksed to give this to your Boss." Sabi niya sabay ipinakita ang hawak na folder. Ngumiti ang sekretarya ni RA. "Wait, Ma'am. I'll just inform my Boss." "Okay." Tumango si Bree. Lenna went to her Boss' office and knocked three times. "Come in." Binuksan niya ang pinto.