Chapter 5 : white rose

1243 Words
" Ang tagal naman nang kapatid mong umuwi.. Ubos na natin lahat, haist anong oras daw ba sila uuwi?? saad ng binata, " Huh, baka late na yun umuwi.. Ikaw ,umuwi kana, para makapahinga ka, tsaka ok lang naman Kami dito.." wika nya " Hindi pwede.. Baka may pumasok na masamang nilalang. .Baka mapano kayo dito.. hintayin ko nalang sila.. pagdating nila. .saka ako aalis. " sagot nito.. " Wala naman siguro, ikaw ang bahala, pero salamat parin ha.. Lasing ka na ba?? Baba muna ako, gusto mo bang uminom ng tubig kukuha ako sa baba?? Tsaka, kelangan ko munang umihi, kanina pa kasi ako naiihi.. Okay lang ba na iwan muna kita dito?? ani nya.. " Sama nalang ako sa baba.. makiki banyo na din ako dun na din ako iinom nang tubig.." Patayo na sana ang binata habang inalalayan sya, nang biglang ma out of balance Ito, at saktong natapat ang labi nang binata, sa labi nya, napapikit sya at agad rin napamulat at tinulak nya ang binata na tuluyang natumba sa sahig, na agad naman nyang pinuntahan nang makita nya ang binata na nakatihaya na nasa taas pa ang mga paa,tutulungan na sana nyang tumayo ito, nang sya naman ang mapadagan sa binata, na napasobsob sa labi nang binata.. Tatayo na sana sya nang biglang hawakan nang binata ang bewang at batok nya at tuluyan na syang halikan nito. Gusto na sana nyang pigilan ito sa paghalik sa labi nya, pero imbis na pigilan nya, nakipagsabayan na sya sa paghalik dito,parehas na silang nakaupo, pero ang mga labi nila, magkadikit parin,parang ayaw na nyang maalis ang malambot na labi nang binata sa labi nya.. Hinawakan sya nito sa kamay at hinila para paupuin sa kandungan nito na agad naman syang umupo, pumulupot ang braso nito sa katawan nya, at sya naman sa leeg nito..Ipinasok nito ang dila sa loob nang bibig nya at nakipaglaro sa dila nya. Lalapat na sana ang kamay nang binata sa dibdib nya, nang biglang bumukas ang gate.. Kaya mabilis nyang naitulak Ito at tumakbo pababa.. Sumunod naman ang binata na napailing nalang pero abot tengang ngiti na nakatingin sa dalagang nakandarapa sa pagsalubong sa kapatid na nagbubukas nang gate ... " Oh, san kayo galing??" gulat na tanong nang kapatid nya nang bigla silang sumulpot.. " Sa taas po ate, nag pahangin lang po.." sagot nya rito " Kamusta yung hangin? Masarap ba Jill?? natatawang biro nang kapatid nya habang nakatingin ito sa binata na nakahawak sa labi. " Ewan ko sayo te." sagot nya,habang tinignan nya nang masama ang binata. " Sige po te, uwi na din po ako,hinintay ko lang po kayo na makauwi.. bukas po, ipagpapaalam ko po sana si Jill.. yayain ko po sya na lumabas,mag road trip pakatapos po manood din po kami nang sine, sige po te, alis na po ako.". paalam nang binata sa kapatid nya " Sige, basta mag ingat lang kayohl, Hala sige, magingat ka pagpauwi, salamat sa pagpapak este, pagsama dito kina Jill . .wika ng kapatid nang dalaga. " Opo, salamat po, sayang nga po eh.. sagot naman nito " Te, hatid ko lang po si Fred sa labas.. " " Pasok na kami nang kuya mo, wag kayo jan gumawa ng milagro sa labas ha, good night na sainyong dalawa. " Sabi na nga ba, totoo nga ang kasabihan.. Pag may alak may balak.." natatawang saad nya sa binata " Ay grabe sya.. Hindi kaya, na out of balance lang ako kanina, ikaw nga dinaganan mo ako, akala ko, gagahasa** mo na ako, pero ayaw mo ba?? Sorry sa nangyare kanina, hindi mo ba nagustuhan?? Ako kasi, sobra.". ani nito.. " Ah, eh.. nagustuhan, kaso para paraan ka.. nakangitng sagot nya rito . " Sige alis na ako.. pumasok kana at magpahinga na,, sunduin kita bukas 7 am ha.. Para hindi masyadong mainit magmotor, prepare ka nang jacket, tsaka mag jeans ka lang ha..Sige alis na ako bye!!" bigla sya nitong hinalikan sa lab., sabay paharorot nang motor.. Napailing na lang syang pumasok sa bahay na hawak ang sariling labi.. " Hmmmm,sarap Naman,bitin, see you tomorrow.. goodnight.. " bulong nya sa hangin, habang nakatingin sa likod nang binata na paalis.. Pagdating ni Fred sakanila, agad nyang pinark ang motor nya sa garahe at pumasok sa kwarto nya at nagtext sa dalaga na safe syang nakauwi sakanila, pakanta kanta sya, habang nagpapalit nang damit, nakahiga na sya, para syang tangang nakangiti, habang nakahawak sa labi nya at nakapikit.Naaalala nya parin ang malambot na labi nang dalaga.. Goodnight " My Engineer, I love you ". at tuluyang na syang, nakatulog.. Maagang nagising ang binata.. Kaya agad itong nagprepare nang gamit na dadalhin nya.. Papunta na sya sa dalaga, nang may nakita syang nagtitinda ng bulaklak. -- -- -- --- --- --- - -- Pagdating nya sa bahay nang kapatid nang dalaga.. Agad syang kumatok sa gate. .Ilang minuto lang lumabas na ang dalaga na nakangiti at bumati sakanya ng magandang umaga.. Sabay yaya nito sa binata na pumasok na ng bahay.. Bumaba ito sa motor nya at agad na inabot sa dalaga ang isang tangkay nang puting rosas. at isang paper bag na may lamang almusal, nakangiti ang dalaga sa kanya .na mukhang masaya talaga itong nakatanggap nang bulaklak galing sa kanya.. " Pasok ka, salamat sa bulaklak, tara almusal muna tayo , bago tayo umalis. anong gusto mo, coffee or tea??" .saad ng dalaga.. " Ah sige, salamat.. Pwede bang ikaw??" pabirong sagot nang binata awang Naman ang bibig Ng dalaga na nakatingin sakanya....... " Ang sabi ko, anong gusto mo hindi sino,?? natatawang saad nya. " Di kiss na lang, pwede ba?" " Hahaha, mukhang mabubuntis agad ako sayo, Kung magkataon," " Bakit gusto mo na bang mabuntis, pwede naman, pero mas masarap gumawa nang baby..."; " Kumain kana..Gutom lang Yan ." ... .. . ... ... .. . Nasa taas sila ng isang burol.. naglakad lang sila pataas dun, iniwan nila ang motor sa baba at naglakad lang sila pataas . ang lakas nang hangin.. Ang presko, halos dalawang oras lang sila doon, nang magyaya na ang binatang bumaba. Next destination nila ay sa isang resort.. Infinity pool yun.. Hindi naman sya marunong lumangoy, pero nang itulak sya nang binata sa pool, daig pa nyang palakang lumangoy, papuntang gilid, nang makarecover sya, agad nyang pinagpapalo ang binata sa braso. " Ano ba!! Papatay** mo ba ako!!" mangiyak ngiyak na sigaw nya sa binata. Pero ang bwisit na binata tawa pa nang tawa na enjoy na enjoy sa kanya.. " Haist, nakakainis ka!! Uuwi na ako, bahala ka jan!!! " saad nya Sumampa na sya sa gilid nang pool nang biglang hilahin ulit sya nang binata pabagsak sa pool, kaya ang pobreng dalaga nakaenum nang tubig, agad naman, pumulupot ang kamay nang binata sa katawan nya at bigla sya nitong hinalikan.. Pero dahil galit sya rito, agad nya itong tinulak nang buong lakas nya at umahon sa pool.. Napaiyak sya sa tinrato nito sakanya, ginawa syang laroan nito.. Kaya nang mahimasmasan sya sa nangyare, diretso sya, nagbanlaw at nagpalit na nang damit at hinintay nalang ang binata na lumalangoy langoy pa na matapos, nakaupo sya sa labas ng resort nang makita sya nito nasa byahe na sila pabalik nang city, pero Hindi sila nagkikibuan, paminsan minsan..Nahuhuli nya itong tumitingin sa side mirror .. Kinukuha din nito ang kamay nya at nilalagay sa bewang nito,at paminsan minsan pumipisil at hinahawakan nito ang kamay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD