Chapter 18 : selos

1142 Words
Halos isang buwan na ang nakalipas nang hindi na sya nag pakita sa dalaga, sa tuwing makakasalubong nya ito, bigla syang mag iiba ng dadaanan para maiwasan lang ito kahit sa mga ot nila, nakikipag swap sya para hindi na sakanya ito mainis, miss na miss na nya ito pero wala naman syang magawa dahil galit ito sakanya.. Sa bawat ot nila, hanggang tanaw na lang sya sa malayo.. Gusto man nyang lumapit pero nahihiya sya sa dalaga.. Kapag uuwi naman ito galing sa ot nila.. Hindi naman nya maihatid sa bahay nila na sakay ito.. Kaya ang ginawa nalang nya, kapag nakasakay na ito sa jeep, saka nalang sya susunod rito hanggang sa makauwi Ito sa bahay ng kapatid nito saka palang sya uuwi sakanila.. Nakipagpalit pa sya nang motor at helmet sa kapatid nya para hindi sya nito makilala, kapag dadaan sya sa harap nang bahay nang kapatid nito. Gusto nyang tawagan or itext or icommunicate sa socmed.. Pero hindi pwede dahil baka maulet ang sagutan nila.. Halos araw araw ganun ang routine nya sa pakikitungo sa dalaga.. " Paps, musta si Jill?? Natatanong man lang ba nya ako sayo?? " tanong nya kay Kai, ito kasi ang ka swap nya sa ot nila nang dalaga.. " Hindi naman paps, bakit kayo ba?? Ikaw paps masyado kang patwitams, hindi bagay sayo.." " Hindi, ayaw naman nya sakin paps." " Panu mo naman nasabi?? Linigawan mo na ba,?? Sa pagkakaalala ko naka home run kana kay Jill diba?? Nga pala, anong balita nong last time na may nangyare sainyo? may resulta na ba ang pinutok mo??" " Sira!!! Wala nga akong alam, Kaya nga tinatanong kita kung may sinishare man lang ba sayo si Jill.. Alam mo paps kinakabahan ako, parang tatay na talaga ako.." natutuwang saad nya sa kaibigan " Wala naman.. Bakit hindi mo sya kausapin?? Magbibirthday pa naman yun, kung kinakabahan ka, ay sigurado ako tatay kana talaga paps!! Congratulations paps!!" " Ewan ko sayo.. Alis muna ako, may sideline akong nakuha.. Sama ka??" yaya nya rito " Nope!! duty pa ako ngayon, ingat daddy!! Muah!! Muah!! " " Siraulo!! Jan kana nga!!" Habang, naglalakad sya..napaisip sya bigla, panu kong buntis talaga si Jill, ano gagawin nya?? Hindi nya ito naalalagaan, panu kong ilayo sakanya ang baby nila?? " Haist, ano ba ang dapat kung gawin?? kamusta na kaya silang dalawa ni baby??simula last week , hindi ko na sya nakikitang kumakain sa canteen.. Lagi na syang nagbabaon ng pagkain at prutas.." saad nya sa sarili. Naglalakad sya papuntang office nila, nang napadaan sya sa office nang dalaga, wala sa loob na napatingin sya doon sa gawi ng table ng dalaga,, Nakita nya itong nakikipag harotan sa kawork nito..may parang kumurot sakanya nang makita nya ang eksenang iyon nang dalawa.. Nagseselos sya sa lalaking kaharotan nito ,ganun din siguro ang naramdaman ni Jill nang makita nito na nakikipag harotan din sya sa kawork nya...Gusto nyang pumasok sa opisina nang mga ito, para patigilin ang ginagawa nang mga ito..Pero wala syang rights para pagbawalan ang dalaga.kaya imbis na mama** y na sya sa selos umalis na lang sya at naglakad paalis sa building. . " Ano ba Fred?? Ano bang nangyayare sayo?Tang** mo, Assumero ka kasi, nagseselos ka?? Ano ba kayo?? nilalamon kana nang sistema mo!! Kung maka inarte ka para kang babae, haist anong dapat kong gawin?? waaaaaaah.." saad nya sa kanyang sarili habang naka sabunot sa buhok nang ulo nya . Natapos nanaman ang araw, hindi parin nya nakakausap ang dalaga para na syang baliw sa ginagawa nya. " Jill please tumawag ka naman oh!! oh kaya bigyan mo naman ako nang sign na pwede ma kitang tawagan o kausapin na SA personal.. Please lang, please, please." ani nya sa sarili Dahil hindi sya makatulog lumabas sya at pumunta sa bar. Nasa gilid lang sya nang may makita syang babaeng pamilyar sa mga Mata nya.. " Jill?? Tang ** Fred naghahallucinate kana, anong gagawin dito ni Jill?? Ni wala nga yung kahilig hilig lumabas, Kaya napakurap kurap sya nang mata, hindi pa sya nakontento kinusot pa nya ang mata nya dahil hindi sya naniniwala na si Jill ang nakikita nya ngayon.. " Jill tara sayaw tayo!! Hindi ka naman umiinom!! " saad nang kasama nito sa table. Gusto nya itong lapitan pero hindi nya alam kung paano o kung ano ang sasabihin nya rito. Kaya binabantayan na lang nya ito sa malayo.. Hindi ito umiinom o kaya naman sumasayaw..Panay hawak lang ito sa tyan na parang may iniingatan na mataman pabalik balik rin ito sa banyo sa tuwing naduduwal.. Biglang tumayo ang dalaga, at naglakad palabas sa bar, kaya yumuko sya nang bahagya para hindi sya nito makilala, may kausap ito sa phone, narinig nya pa ito na nagpapasundo na ito.. Pagbalik nang dalaga, agad itong nagpaalam sa mga kasamahan at kinuha ang mga gamit.. Na marahil, after nang trabaho ay dumiretso na sa bar.. Kaya agad syang ng bill out at sinundan ang dalaga.. Paglabas nya, nakita nya agad itong sumakay sa isang kotse kaya sumakay na din sya sa motor nya at sinundan ang sasakyan na sinakyan nang dalaga.. Pauwi na ito sa bahay nang dalaga, pagdating nito sa harap nang bahay, agad itong bumaba... Inoff nya ang ilaw ng motor nya para hindi sya mahalata ng dalawa, Nasa kabila syang kanto na tanaw ang dalawa na nakatayo sa harapan nang bahay nang kapatid nito, nang hawakan nang lalaki ang pisngi nang dalaga at akmang hahalikan.. Agad nyang pinatakbo ang motor at nagrebulosyon at bumusina at pinailawan nya ang dalawa. Kaya naagaw nya ang atensyon nang dalawa, tumingin ito sakanya at pumarada sya sa unahan ng sasakyan..Pababa na sana sya, para kausapin ang dalaga, pero pinapasok ito nang lalaki at sumakay na sa kotse nitong dala, at pinailawan din sya nang high, kaya tinaasan nya ito nang dalawang middle finger.. at pinaharorot na ang motor nya pauwi. ***** " Ano ba Fred, ano ba talagang nangyayare sayo?? Sira ka ba?? Hindi mo jowa si Jill, pero kung umasta ka, para kang asawa na nahuli ang kalaguyo at asawa mo.. Wala kayong relasyon kaya, Malaya nyang gawin kung ano ang gusto nya at kung sino ang gusto nyang makasama. Wala Lang karapatan sakanya," saad nya sa sarili nya habang palakad lakad sa loob ng kwarto nya.. Kinabukasan, Maaga syang pumasok sa trabaho, para puntahan ang dalaga, para sana humingi nang tawad sa nangyare kagabi, Kaso naka leave daw ito.. May pupuntahan daw na importante..Kaya naman namumuo nanaman sa isip nya na baka kasama nanaman nito ang lalaki kagabi at may ginagawang kalaswaan.. Nahinto lang sya sa pagiisip nang may tumapik sa balikat nya na ikinabigla nya.. . " Paps, musta? Lalim nang iniisip ha?? Hindi Kaya malunod si Jill nyan?? bakit ang aga mong pumasok?? ani ni Kai na abot tenga ang ngiti na nakatingin sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD