“Uy! Natutuwa akong nandito na kayo!” excited na bungad ni Marietta nang mapagbuksan ng pinto si Aica. Niyakap siya agad ng kaibigan at nasamyo ang floral na pabango nito. Isinama na niya sina Dr. Harolds at Janice. Gusto niya kasing ipakilala ang mga ito sa kaibigan niya. Si Prof. Dr. Parker naman ay umuwi sa Germany para makasama ang asawa sa okasyong ito. Mahigit isang oras lang naman ang biyahe kaya kaya na nito iyon para bumalik sa makalawa. “Hi! Come in, come in!” bati at pag-imbita ni Marietta sa mga kasama niya. “Sina Phil at Janice,” ang pakilala niya sa kaibigan pagkapasok na nila sa flat na pininturahan ng pastel blue ang dingding at puti naman ang kisame. Kahit isang kuwarto lang iyon sa kaliwang bahagi ay may malaki iyon at maluwag-luwag ang sala na nasa kanang banda naman