Chapter 8: F*cking Monokini!

1614 Words

Pagkalabas ni Russel sa elevator ay nakapokus pa rin ang mga mata niya sa babaeng nakasuot ng pula na monokini. Kitang-kita niyang natigilan si Aica nang makita siya. Hindi niya inasahan na nandoon ang babae dahil narinig naman niya kanina ang usapan nito kay Janice na ayaw nitong sumama. Pero ano na ngayon? Ayaw nga rin sana niyang pumunta rito dahil nga may inaasikaso pa siyang trabaho kahit medyo pagod na siya. Pero iyon nga, nagbago ang isip niya dahil gusto niyang bigyang respeto ang imbitasyon ni Janice sa kanila kaya nandito siya pero wala siyang planong maligo sa pool. Iyon nga lang ay hindi niya rin inasahan na naging full-blast na pool party ito. At nang makita rin niya si Kenneth malapit sa buffet table at kakukuha lang ng isang kopita ng champagne ay alam na niya kung sino ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD