┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Napatingin si Trisha sa kanyang orasang pambisig. Malapit na ang lunch break niya at alam din niya na ano mang oras ay parating na si Mayson. Gusto niyang magtago, gusto niyang takasan si Mayson dahil alam nito na sobrang kulit ng assassin ni Marcus. Pero alam din niya na baka nasa labas na ito at hinihintay na lang siya. Tumingin-tingin si Trisha sa paligid, wala namang Mayson siyang nakikita kaya umatras siya at saka naupo sa isang maliit na box sa may ilalim ng front desk. Dito na lamang muna siya magtatago, sigurado siya na kapag dumating si Mayson at hindi siya nakita nito ay maghahanap 'yon sa ibang lugar, pero hindi rin siya sigurado sa naiisip niya. "Ano ang ginagawa mo diyan? Malapit na ang lunch break natin, hindi ba at may lunch date kayo ni Mayson? Tumayo ka n