Buong maghapon akong walang magawa sa bahay, bored na bored ako habang narito at nakaupo sa labas ng garden habang may nakasalampak na libro sa mukha ko. Kung anu-ano na lang ang tumatakbo sa isip ko, kung hindi kaya nauso ang adult site, uso pa rin kaya ang b*ld magazine? Oo, yes! Ganito ako ka-bored kaya pati iyon naiisip ko! Nakapagpahinga naman na ako at nakainom na rin ng gamot para sa aking body aches. Kaya medyo maganda-ganda na ang timpla ng pakiramdam ko, nakakalakad-lakad na rin ako ng maayos pero naroon pa rin ang aking pangangalos. Siyempre hindi naman agad-agad gagaling at iniisip ko kung ilang araw ko ba kailangan indahin ito, pero hindi pa man ako ganap na gumagaling, nasasabik na akong mag-lunes nang makita ko nang muli ang gwapong lalaki ng buhay ko. Iniisip ko kung s