Nagpaalipin ako sa pagmamahal ko para sa kanya kaya wala 'ko karapatan mag-reklamo ano pa man ang mangyari dahil unang-una sa lahat ako ang nagpumilit. Pinili kong gamit-gamitin lang ng lalaking mahal ko na tinatanaw-tanaw ko lang noon kaya kung ano man ang kahinatnan nito ay kailangan kong tanggapin at harapin kinalaunan. "Hindi ko naman hinihiling sa iyo Professor na mahalin mo ako pabalik, 'di ko rin hinihiling sabihin mong mahal mo rin ako, tanging gusto ko lang hayaan mo ako maging masaya sa piling mo, kahit sandaling panahon lang." Hindi ko alam kung bakit biglang may bumara sa lalamunan ko at parang may gustong lumabas mula sa aking mga mata. Maagap kong pinigilan ang sarili ko dahil ang pag-iyak ay hindi nababagay sa isang tulad ko. Hindi ako seryosong tao, kwela ako kaya hindi