Huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa opisina ni Professor sabay bukas ko na rin. Bahagya muna akong sumilip, kita ko siyang nakatayo habang nakatalikod at nakapamaywang habang nakatanaw sa labas ng bintana. "Pumasok ka na, h'wag ka nang pa-silip-silip," saad niya nang hindi lumilingon sa akin, ano ba ito may mata sa likod? Tumikhim ako at tuluyan na akong pumasok. Ewan ko kung bakit pakiramdam ko mayroon akong nagawa sa kanya kahit wala naman base lang sa ipinahihiwatig ng kilos at presensya niya. "Magandang umag—" "Walang maganda sa umaga kaya maupo ka na at mag-uusap tayo." Tuluyan niya na nga akong hinarap. Hinila niya ang kanyang swivel chair at banas siyang naupo. Parang naging times two ata ang kasungitan niya ngayon? Ang sama pa niya sa akin kung makatingin. "Pro