Chapter 23

2366 Words
Chapter 23 MAE'S POV "Hello Louie, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa'yo?" Aligaga akong luminga sa kaliwa at kanan para masiguro lamang na walang ibang taong makakarinig sa aking pinag-uusapan. "Oo nagawa ko na Mae."ang salita ni Louie, ang nag pakampante sa aking kalooban. "Naburado ko na ang mga cctv camera bago pa makuha ng mga pulis ang mga ebidensiya sa kompaniya niyo. Masisiguro ko sa'yo na wala ni isang mahahanap ang mga pulis laban sa'yo dahil nalinis ko na lahat." Nang-hihina ang tuhod kong napa-sandal sa malamig na pader. Pakiramdam ko, naalis na ang isang mabigat ang naka pasan sa dibdib ko sa katagang sinabi nito. Siya si Louie Bermundo, ang matalik kong kaibigan, marami itong alam tungkol sa computer at ibang bagay kaya't ito ang nahinggan ko nang tulong para malutusan ang nagawa ko bago pa ako maunahan ng mga pulis. "Maraming salamat talaga Louie, maasahan talaga kita." "Anything just for you Mae. Sure ka ba talaga, na walang ibang tao na naka-kita sa'yo? O sainyong dalawa ni Ivonne, bago nangyari ang insidente? Isipin mo ng mabuti Mae para magawan ko na nang paraan. Lalo pang maging delikado ang lahat kapag may naka labas na kahit na anong ebidensiya o kahit witness man lang," "I think meron Louie." Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ko sa diin nang pag kakagat doon. Malakas ang kutob ko na may ibang tao maliban sa amin ni Ivonne sa fire exit. Pinikit ko ang mata kong muli na alalahanin ang pangyayari. Klarong-klaro sa pandinig ko ang tunog na narinig bago ako umalis sa lugar na iyon. Mayron ibang tao. May ibang tao, posibleng naka-kita sa aming dalawa ni Ivonne nang mga sandaling iyon. Shit! Hindi pwede maka-labas ito. Hindi ako pwedeng makulong. "I'm not sure, pero parang may narinig ako na tunog bago ako umalis. H-Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't tumakbo na lang a-ak—-" "Shit." Mura nito sa kabilang linya. "Titignan ko kong ano ang magagawa ko, Mae. Ako na lang ang gagawa ng paraan basta siguraduhin mo lang na mag act natural ka lang at walang makaka-labas nito." "Maraming salamat talaga Louie." "Mae?" Boses sa likuran ko kaya't mabilis kong tinago ang cellphone na hawak. Nasa harapan ko si Mom, mugto ang mata at halatang kagagaling lamang sa kakaiyak. "Mom," "Anong ginagawa mo dito? Naroon na ang ibang mga bisita sa loob at mga pinsan mo." Matamlay ang boses nito at puno ng lungkot ang mata. Ito ang dalawang araw mula no'ng maiburol si Ivonne sa bahay namin. Ang malalapit na kaanak at kaibigan ni Ivonne, pumunta at nakiramay sa pag panaw ng aking kapatid. "Halika na sa loob. Hinahanap kana rin ng Daddy mo." Tumango na lang ako sakaniya at sumama papasok sa loob kong saan nabuburok ang aking kapatid. Ang maaliwalas na mukha ko, biglang naging matamlay at puno nang sakit—Sakit na pangungulila sa pag kawala nang kapatid ko. Maraming tao ang nakilamay sa burol ni Ivonne. Halo-halo na rin ang mga tao na naroon at ang iba sa kanila mga kaibigan o kaya naman kakilala ni Daddy sa trabaho. Sumunod lamang ako sa likuran ni Mom, hanggang tumigil ito sa malaking lamesa at doon naka-upo ang mayayaman at halatang kilala na mga tao. Tumabi ako sa tabi ni Mom, at naroon din pala si Dad;seryoso ang mukha nito. Pinakilala ako ni Mom sa mga bagong dating na bisita at ilan pang mahahalagang tao sa isang lamesa para mag kaharap-harap. Naging okupado ang aking isipan at hindi ko na gaanong pinakinggan kong ano man ang pinag usapan nila. Tungkol lamang iyon sa masasayang ala-ala na naiwan sakanila ni Ivonne nang nabubuhay pa ito. Tinuon ko na lang ang atensyon na pag masdan ang kabaong ni Ivonne at puno nang mga ilaw kong saan naka burol si Ivonne at makikita mo rin ang sari-saring bulaklakat. Si Mom, maya't-maya ang pagiging tulala at kung minsan hindi mo na makausap. Mag damag itong umiiyak, samantala naman si Dad hindi umiimik, pero hindi mawala sa mata nito ang lungkot na mawala ang paboritong anak. "Ikaw na ba, si Mae?" Tugon ng isang babae na medyo may katandaan na rin. Mahuhulaan kong isa ito sa nirerespitu na businesswoman na kakilala ni Dad. "Siya ang Tita Margarita niyo." Pakilala ni Mom, at punas sa luha sa mata nito. "Hello po. Kinagagalak ko kayong makilala." Tipid akong ngumiti dito. "Nakaka lungkot lamang ang sinapit ng anak mo Luis." Tukoy nito si Dad. "Siya na dapat ang mag papalit sa'yo sa posisyon mo sa kompaniy sa Linggo. Nakaka lungkot lamang ang biglaan niyang pag kamatay." tugon naman nito. "May nakuha na bang lead sa pag kamatay niya, Janeth?" sabad naman ng isang lalaki. "Wala pa ho," Mom. "Inaalam pa ng mga pulis ang posibilidad na may foul play sa pag kamatay niya kaso wala pa kaming balita sa pulis. Gaya sa autopsy, aksidente ang nangyari na kina-matay ng a-anak ko. Nakaka-lungkot lamang na hindi ko na muli siya makikita pa." napa-buwal naman muli ng iyak si Mom. Bilang mabuting anak, hinaplos ko ang likod nito para iparamdaman na naroon lang ako parati sa tabi niya. "Paano na niyan Luis, wala nang mag papalit sa'yo sa posisyon lalo't wala n si Ivonne." sagot ni Margarita. "Si Mae ang Ipapalit ko." Nakaka-tagot na bigkas ni Dad, na kahit na sino mabibigla talaga kapag ito na ang nag salita. "Simula bukas, papasok si Mae sa kompaniya para pag handaan ang susunod na hakbang at pag-iinsayo sa pag papatakbo ng business. Iaatasan ko rin ang katiwala kong mga tauhan na tulungan na pag aralan ng mabuti ang business natin ." "Hon, hindi pa nabuburol ang anak natin. Huwag mo naman i preasure si Mae, tungkol sa kompaniya. May mga araw pa naman para diyan, hayaan mo na munang hanggang sa maiburol ang anak natin. Please," mahina na pakiusap ni Mom. "Tumatakbo ang oras Janeth, hindi pwede na hindi natin ihanda si Mae na ngayon sakaniya na maipapasa ang responsibilidad, lalong-lalo na siya ngayon ang mag manage ng business natin!" Sindak ni Dad, at kahit si Mom wala na ring magawa sa desisyon ni Dad. "Mag handa kana Mae, at ayaw kong biguin mo din ako!" "Yes Dad," matamlay kong sagot. Palihim akong ngumiti, ngiti na nag hahasik nang lagim. Ito lang naman ang bagay na kina-hihintay ko ang pag katiwalaan ako ni Dad sa negosyo at lalo na sa kompaniya! Matagal ko na itong pinangarap, at isa-isa nang nag sasang-ayon ang mga gusto ko! Ngayon wala kana, Ivonne. Aaalagaan ko na lang ang business na ipapasa mo sa akin! You may now rest in peace, sis! JAMIE'S POV Nagising ako sa mahimbing na pag kakatulog sa malakas na kalabog na nag mumula sa pintuan. Para bang gigibain na iyon sa lakas ng kalampag at pag kakatok no'n. Pikit-mata akong bumangon sa kina-hihigaan at lalo pa akong nainis na makita na pasado alas-tres na ng madaling araw. Oh my God! Sino naman kaya ang mag iistorbo sa akin sa mahimbing kong pag kakatulog ngayon? Simula n'ong mag katrabaho ako, kumuha na ako ng sariling condo kong saan ako tumutuloy. Malayo kay Dad at sa mga magulang ko. Ang pag stay sa condo, ang nag bigay daan sa akin na maging malaya. No rules, at walang mga magulang ang mag babawal sa akin kapag ginabi na ako ng uwi. Humihikab pa ako na nag lakad papunta sa pintuan. Patuloy pa din ang kalabog at pag katok nang paulit-ulit. Matatalakan ko talaga ng bonggang-bongga, kong sino man ang nag iistorbo nang masarap kong tulog. "Sandali naman! Atat na atat?" Himutok ko pa na kinakalas ang pag kakandado sa pintuan. Mabuti na rin iyon na panigurado kong minsan. "Sino ka ba ha? At bakit nag gugulo ka ng ganitong ora---" sabay na binuksan ko ang pintuan at nagulat na lang ako na bumagsak sa sa akin ang katawan ni Mark. Sandali, Kuya Mark? "Kuya? What happened? Ayos ka lang ba? Bakit ka nandito? Putragis naman oh! Lasing ka ba?" patuloy kong pag tatalak. Inaayos ko rin ang katawan nito para hindi tuluyang bumagsak dahil lupaypay na ito sa kalasingan. Hinahatak ko paayos nang pag kakatayo ito pero literal talaga na di hamak na mabigat siya, sis! Paano ko ba siya nito, maihahatid pahiga sa sofa, eh kong dito pa lang hindi ko na siya mahatak. "Jusko naman Kuya, ano bang ginagawa mo sa sarili mo? huh!" bumitaw si Kuya Mark sa akin. "Shhh! Ang sakit mo sa taenga, Jamie," iling na turan at halatang naiinggayan sa akin. Aba! Tatalakan ko talaga siya ng bonggang-bongga. May karapatan akong pagalitan siya ngayon lalo't ginambala niya ang tulog ko. Hinahakbang ni Kuya Mark ang paa nito patunggo sa living area; may pag kakataon itong matutumba at hindi na saayos sa pag lalakad dahil sa kalasingan. Pinili ko na lang hindi mag salita, bagkus naka-alalay ako sa bawat galaw at kilos nito na baka may mabasag pa ito sa mga gamit ko sa loob. Matagumpay kong napa-upo si Kuya Mark sa malambot na couch. Magulo ang buhok nito, gayundin ang suot nitong damit. Literal talaga na wasted siya sa lagay na ito. "Diyan ka lang, kukuha lang akong damit na ipang-papalit mo!' Hindi ko na hinintay na mag salita ito at tumunggo na ako sa kwarto ko para hanapan ito na maluluwang na damit na mag kakasya lamang sa kapatid ko. Kahit tarantado siya kung minsan, nagagawa ko din mag-alala sakaniya. Nang maka-hanap ako ng damit, binalikan ko na si Kuya Mark sa couch, at hindi ko inaasahan ang aking makikita. "Kuya, pwede bang tumigil kana sa pag-inom mo,"Bago paman malagok ang whiskey; inagaw ko na iyon sa pag kakahawak. "Ano bang problema mo, huh? Bakit ka nag kakaganiyan! Tignan mo nga ang sarili mo, Kuya." "Ibigay mo iyan sa akin, Jamie," kukunin sana iyon s aking kamay at mabilis ko naman kina-iwas iyon. "No!" giit ko pa. "Ano bang pumasok sa isipan mo at nag kakaganito ka huh? Papatayin mo ba ang sarili mo?" "Mabuti na sigurong mamatay!" Pagak itong napa-tawa, halatang nawawala na sa katinuan. Ano bang nangyayari sakaniya? Ganito na ba ang pag-aalaga sakaniya ni Mae, at ganito ka wasted ang kapatid ko? "Nasisiraan kana nga ng bait! Kong nandito lang si Lea, hindi siya matutuwa na makita ka nang ganiyan!" "W-Wala na siya Jamie, hindi na siya babali pa sa akin. Kahit anong gawin, wala pa rin." Napa-hilamos ito sa mukha at iba pa rin ang tono. "Kasalanan mo din naman kasi eh! Nasa mabuti kanang asawa, pero nag hanap ka pa rin nang iba. Pinili mo pa din ang putanginang Mae na iyon!" Pinikit ko ang mata ko; pinipilit ko na hindi mag salita ng maanghang na salita tungkol sa babaeng iyon. Nakakapang-init din nang dugo. "Walang ibang sisisihin dito, kundi ikaw Kuya. Mahal na mahal ka ni Lea at kahit na rin si Steven, pero pareho mo silang sinayang. Ewan ko ba sa'yo kong bakit ka umaakto ng ganiyan." Binigay ko kay kuya ang damit na nakuha ko. "Sobrang tanga ko, Jamie. I've lost everything. Si Lea at ang pamilya ko." "Buti naman alam mong tanga ka!" Pag babara ko pa. Ang galing! Kung saan siya nalasing, doon nag labas ng sama nang loob. "Suotin mo ang damit na iyan. Ipag hahanda kita ng kape para mahimasmasan ka naman kahit papaano." Tinalikuran ko na si Kuya. Hindi paman ako nakaka-dalawang hakbang na mah salita muli ito. "Pinatay ko ang anak namin, Jamie." Awtomatiko akong nahinto. Pino-process ko sa utak ko ang sinabi nito. What? Kina-baling ko naman ng tingin si Kuya Mark, perinting naka-sandal sa couch at kay lamlam ang mata nito. "What? Y-You mean si Steven? Kuya naman, tatanggapin ko ang pagiging tarantado mo pero ang maging murder?" "Hindi, si Steven." anito. Ha? Ano daw? "Pinatay ko ang anak namin ni Lea, ang pangalawa sana naming anak.." nakikinig lamang ako sa sinasabi nito. "Nakunan siya habang paalis sa bahay. Hindi niya nakayanan ang sakit at hirap na dulot ko sakaniya kaya't nawala ang anak namin. Hindi ko talaga matanggap, na ako mismo ang pumatay sa anak namin Jamie.. Putangina! Pinatay ko ang anak namin, at hindi ko iyon matanggap!" Nabasag na ang tono ng pananalita nito. "Ang tanga ko! Sobrang tanga ko, harap-harapan ko nang nakaka-sama ng mahabang panahon ang asawa ko sa iisang b-bubong pero hindi ko man lang napansin na pinag-bubuntis niya ang anak namin. Simpleng bagay na i-iyon Jamie, hindi ko pa napansin.. Hindi ko nakita." Umiwas ako nang tingin na mag simula nang umiyak ang kapatid ko sa harapan ko. "Nag papakalasing ako ngayon, because of this! Pinipilit kong kalimutan, hindi ko magawa! Hindi ko matanggap, na ako mismo ang dahilan nang pag kawala ng anak namin.... Pinatay ko ang inosenteng anak namin dahil sa k-katangahan ko, Jamie! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, dahil sa pag patay ko sa anak ko, at iyon din ang pag kamuhi sa akin nang asawa ko! f**k! Ahhh!" Malakas itong sumigaw kasabay nang hagolhol na iyak. May tumarak sa puso ko na pinapakinggan ang sinasabi nito. Hindi ito madalas nangyayari! Ang umiyak at mag labas nang sama ng loob, ang kapatid ko. Si Kuya Mark ang klase ng tao na magaling mag tago ng emosyon at nararamdaman. Para itong pusong bato; pero hindi ko aakalain na mangyayari ito. Para kaming aso't-pusa nag babanggayan ng kapatid ko, at ito ang unang pag kakataon na makita ko siyang umiyak dahil kay Lea. "Alam mo ba Jamie, kong ano ang masakit? Kinamumuhian ako ni Lea at ang anak namin na si Steven, he's afraid of me. This is because of me!" Mapakla itong ngumiti. "Takot siya sa akin Jamie, takot sa akin mismo kong ang anak ko at ayaw niyang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako kanina, na parang nakaka-takot na nilalang sa harapan niya. This is all my fault, Jamie. This is all my fault." Tuluyan nang napa-hagolhol ng iyak ang kapatid ko sa harapan ko. Ang nagawa ko lang ang titigan siya at masakit din sa parte ko na makita siyang nahihirapan at nasasaktan nang ganito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakapin ang kapatid ko; at marinig ang munting hagolhol nito ng pag-iyak sa bisig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD