Chapter 5

2253 Words
Chapter 5 LEA KRISTINES POV Napa-tigil sa ginagawa si Lea nang tumunog ang cellphone na naka-patong sa ibabaw ng mesa. Iniwan niya saglit ang ginagawa at kinuha ang phone para tignan kong sino iyon–at ang kaniyang Kuya ang tumawag sakaniya. Ganun na lang ang pag tataka ni Lea na tumatawag ito–kadalasan kasi tumatawag ito kapag importante o kaya naman napag-uusapan nila tungkol sa negosyo. Hindi rin ugali na tumawag ang kapatid niya para mangamusta o kaya naman makipag-kwentuhan lamang sa akin. Kapag may gusto itong sabihin, pinarating na lamang nito sa pag-tetext. "Yes Kuya Glenard?" Sagot ni Lea ng sinagot na ang tawag. Kunot-noo pa siya nang marinig ang mabibigat nitong pag-hingga sa kabilang linya–kasabay ang hindi maipaliwanag na kaba na lumukob sa kaniyang dibdib. "Asan ka Lea? S-Si Daddy." Marinig pa lang ni Lea na binanggit nito ang Daddy nila, doon siya kinabahan at hindi maipaliwanag na takot sa puso niya. Hindi na hinintay pa ni Lea ang anumang sasabihin ni Kuya Glenard kundi nag mamadali na pinatay ni Lea ang tawag nilang dalawa. Kinuha niya na rin ang bag ang keys. Lakad-takbo na ang ginagawa ni Lea palabas ng aking Opisina, kahit marami pa siyang dapat tapusin at gawin na naiwan na trabaho sa kompaniya–nanaig pa rin sa kagustuhan niya ang makita at puntahan ito. May ilan pang mga empleyado na binabati at tinatawag ang pangalan ni Lea, pero hindi niya na iyon tinignan at tinuonan nang pansin dahil naging okupado na ang isipan niya. Sumakay na si Lea sa itim na sasakyan at mabilis na pina-harurot iyon ng takbo. Ilang minuto, naka-rating na si Lea sa Mansyon. Sinalubong rin siya ng bati ng mga katulong at pag lilibot ni Lea naka-salubong niya si Kuya Reynard. "Kuya!" Nang-hihina na nilapitan ni Lea ang kapatid. Nag danak ang malamig na pawis sa noo at tinakbo niya pa talaga para lamang mapa-bilis na mapuntahan si Daddy. "Kumusta si Daddy? Tumawag sa akin kanina si Kuya Glenard at sinabi na inatake na naman daw siya ng kaniyang s-sakit. Is he o-okay?" Nanunug ang mata ni Lea sa takot sa tuwing sinusupong ng sakit ang kaniyang Daddy. Ito rin ang isa sa mga dahilan konng bakit nag retired na ang Daddy nila sa pamamahala ng kanilang negosyo at kompaniya dahil panaka-naka na itong sinusumpong ng sakit nito. Nag advice na lang ang doctor na mas mainam na tumigil na ang kanilang Daddy sa pag trabaho dahil iyon ang makaka-buti. Kaya't si Kuya Glenard at Reynard ang nag tutulungan para hindi masayang ang kompaniya at ilan namin na mga negosyo ng aming mga magulang. "Huwag kanang mag-alala Kristine, maayos na ngayon si Daddy." Kahit konti nabunutan ng pasan sa dibdib ni Lea nang marinig na maayos na ang kalagayan ng kaniyang Daddy. "Gago talagang Glenard na iyon. Sinabihan ko na siyang huwag ipapaalam sa'yo na sinumpong si Daddy ng sakit dahil ganito lang naman ang kalalabasan na susugod ka ngayon dito at mag-aalala sakaniya." Bakas ang iritado sa tinig nito. Kahit iritado man ang mukha ni Kuya Reynard, iniisip parati nito ang aking nararamdaman. Ganun ito palagi na ayaw niya akong mag-alala at ipaalam sa akin ang mga problema. Gusto niya pa rin na sino-solo at mag-isang nireresolbahan ang mga problema, lalong-lalo na rin tungkol kay Dad. "Kahit pigilan man ako ni Kuya Glenard na pumunta dito—pupunta at pupunta pa rin ako dito Kuya." "Narinig ko, na kinuha ni Glenard na maging business partner ang magaling mong asawa!" Panimula nito na kina-tigil naman muli ni Lea. Sa mata pa lang ng kapatid gumuhit kaagad ang galit dito. "Ibang klase, sinabihan ko na Glenard pero pinag patuloy niya ulit ang kaniyang plano.. Kapag nalaman ko lang na lumapit siya muli sa'yo at kahit si Steven, mapapatay ko ang hayop na iyan!" Hindi na lang kumibo si Lea dahil tiyak kapag nag salita muli ako–may ibabato na naman itong salita sa akin. "Puntahan mo na si Dad sa silid," iniwan na ako nito sa malawak na sala. Sinundan na lang ni Lea nang tingin anv kapatid–mukhang hindi nga talaga ito nag bibiro sa kaniyang sinabi. Napag pasyahan ni Lea na pumunta sa room ni Daddy. Sa pag pasok pa lang ni Lea sa silid nito, nalanghap niya kaagad ang familiar na amoy. Naka-higa si Dad sa malambot na kama at may naka-kabit na kong ano-ano sa katawan nito. Nanikip ang dibdib ni Lea na makita ang Ama na ganun kalagayan. Sobrang hinang-hina at hindi magawang maka-kilos mag-isa. Bumagsak na nga ang katawan nito, maputla ang kutis–at masakit para kay Lea na makita na ganun ang kalagayan ng kaniyang Ama. Na-diagnosed ng cancer ang kaniyang Daddy at nasa stage 3 na iyon, parati itong sinu-sumpong at inaatake ng sakit kaya't wala silang magawa kundi ipa-hinto si Dad sa pag tra-trabaho sa kompaniya. Hindi na rin nito makayanan na mag trabaho at ig advice na lang ng doctor na sa bahay na lang ito. Nag hire ang mga Kuya ko ng private nurse at doctor para araw-araw ma monitor ang sakit at matignan ang kalagayan ni Daddy. Iyong malakas nitong katawan-ngayon bumagsak at hinang-hina na. Naiiyak na lang si Lea na makita na ganun ang sinapit ngayon ni Daddy, gusto ko itong lapitan at yakapin nang mahigpit kaso ayaw kong gisingin ito sa mahimbing na pag-kakatulog. Malaki ang naging kasalanan ko kay Daddy at nalulungkot si Lea dahil hanggang ngayon hindi pa rin kami maayos ni Daddy. Lumapit sa akin ang nurse at ngumiti nang matapos icheck ang kalagayan ni Dad. "Pasensiya na po Mam Lea, pero mahimbing na po nag papahingga ang iyong Daddy." "Ayos lang sa akin. Pwede ba akong manatili dito kahit sandali lang? Gusto ko lang makasama si Dad kahit sandali lang, Hindi ko siya iistorbohin sa kaniyang pag-papahingga." Tumango na lang ito at sabay labas sa silid. Nag lakad at naupo si Lea sa bakanteng upuan. Pinili niyang manahimik at iniwasan na maka-gawa nang anumang inggay na mag papagising sa mahimbing nitong pag-kakatulog. Kahit sa ganun na paraan na lang gusto kong kasama ko siya. Nanatili si Lea nang mahigit 30 minutos sa silid ni Daddy. Tumayo na si Lea at tinalikuran si Daddy–pinunasan niya na rin ang bakas na luha na namuo sa mata. Kahit hindi man nito nakita ang aking pag-iyak sa mahimbing na pag-kakatulog, ayaw ko pa rin ipakita sakaniya na nahihirapan at nasasaktan ako na makita siya na ganiyan. "Anong ginagawa mo dito?" Mahina pero masakit sa dibdib ni Lea na marinig ang britonong boses sa likuran ko. Humarap ako at ngayon si Daddy, nagising na. "Nandito ako k-kasi nag aalala ako." Pilit na pinapagaan ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. "Hindi kita kailangan at kahit ang pag-aalala mo. Sino nag sabi sa'yo na pwede kang tumungtong dito sa pamamahay ko?" Bumara ang sakit sa lalamunan sa puso ni Lea sa maanghang nitong salita. Tumingala ako para pigilan na tumulo ang luha sa aking mga mata. Bakit ganun? Bakit naapektuhan at nasasaktan pa rin ako? Akala ko makakaya kong lamunin at tanggapin ang masasakit na sinasabi niya sa akin. Hindi pa pala! Hindi ko pa kaya! "No one Dad." Gusto kong mag pakatatag at iwasan na hindi umiyak–pero ang sakit pala sa pakiramdam na pigilan. "Gusto kong puntahan ka para alamin ang kalagan mo dahil nag-aalala ako sa'yo Dad." Tinitigan ako ni Dad ng sobrang lamig at blangko. Titig na mag pasakit ng aking dibdib. "Ngayon alam mo na ang kalagayan ko, kaya't makaka-alis kana. Umalis kana at huwag kana muling pumunta dito sa pamamahay ko dahil hindi kita kailangan." Kusa nang nabasag ang puso ko sa salita nito, pero heto pa rin ako hindi umaalis. "Putangina, hindi mo ba ako narinig? Umalis kana! Get out now!" Bulyaw nitong sigaw sa akin. Sobra na akong pinapatay sa loob ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong mag-wala sa sakit pero ayaw kong ipakita na mahina pa rin ako. "I'm so sorry Daddy, kahit paulit-ulit mo akong itakwil at saktan ng ganito, hinding-hindi pa rin ako mapapagod na bumalik dito." May pait sa tinig ni Lea na binibigkas iyon. After all this years, hindi niya pa din ako napapatawad sa pag kakamaling nagawa ko noon na hanggang ngayon , patuloy pa din ako nag durusa at umiiyak "Hindi ko naman hinahanggad na patawarin mo Dad. Ang hinanggad ko lang, na sana naman tanggapin mo ako kahit kunwa-kunwarian lang...Gusto kong bumawi sa'yo Daddy, dahil alam kong marami na akong pag kukulang at atraso sa'yo. Doon ko na lang maipapakita kong gaano na ako nag sisisi at nahihirapan sa pag kakamali na ginawa ko." Tahimik lamang naka-tingin si Daddy sa akin, nandon pa rin ang galit sa mata nito. "Babalik ako dito bukas para bantayan at alagaan ka. Paalam Dad." Bago pa man tumulo ang luha sa mata ni Lea, tinalikuran niya na ito at nag lakad na may mabigat na naka-pasan sa kaniyang dibdib. ***** Hanggang sa pag-uwi malalim pa rin ang iniisip ni Lea. Pinark niya ang sasakyan sa garage at may isang bagay nag paagaw nang kaniyang atensyon ang makita ang familiar na suv na sasakyan. Malaki kasi ang parking lot sa bahay ni Lea, hindi lamang isang sasakyan ang pwede mo i park doon kundi mga apat. Lumabas na si Lea sa sasakyan, kinuha na rin ang ilang mga gamit bago pumasok sa loob ng aking bahay. "Mommy." Patakbong sumalubong si Steven na may ngiti sa labi. Sa likod naman nito naka-sunod na naka-pamulsa si Insoo. Bahagyang yumukod si Lea para salubongin ang anak at binigyan nang mainit na yakap. Pinugpog ni Lea ng maliliit na halik ito sa pisngi—at kasabay ang munting hagikhik nito ng tawa. "Hello sweetheart, kumusta ang school? Nag enjoy ka ba ngayon?" Kumalas si Steven sabay pout. Ang sarap talaga pang-gigilan kung minsan ang anak niya. "Hindi po Mommy, boring po. Buti na lang po dumating si Tito Insoo at pinasyal niya ako after schoool hihi." Ginulo na lang ni Lea ang munting buhok nito. Kibit-balikat na lang si Insoo sa sinabi ng aking anak. "Wow, buti na lang nag enjoy ka. Anong gusto mong kainin mamaya for dinner at ipag-luluto kita?" "Talaga Mommy?" Nag ningning ang mata nito sa excitement. "Gusto ko po adobo at fried chicken po." Sa sobrang busy paminsan ni Lea sa trabaho, ang munting bonding time na lang ni Lea sa anak ang pag sabay kumain at ipag luto ng mga paborito. "Sige, ipag-hahanda kita ng mga paborito mo." Ani ko pa. "Pumanhik ka muna sa silid mo para mag palig nang damit. Tignan mo, basang-basa na ng pawis ang likod mo at baka mag kasakit ka pa." "Sige po Mommy." Pinupog muli ni Lea ng maliit na halik sa pisngi ang anak niya bago ito tumunggo sa ikalawang palapag para mag palit nang damit. Nilapag na ni Lea sa upuan ang dalang gamit at periti na ngayon naka-upo si Insoo sa couch–pinapanuod ang aking ginagawa. "Tumawag ako kanina sa Office mo pero sabi sa akin ng secretary mo, wala ka raw doon." "Ahh iyon ba? Tumawag kasi kanina si Kuya Glenard dahil inatake kanina si Daddy kaya't pinuntahan ko siya para alamin ang kalagayan niya." "Kumusta na si Tito? Okay na ba siya?" "Luckily maayos na ngayon si Daddy, at nag papahingga." Dagdag ko pa. "Maraming salamat talaga Insoo, dahil nandiyan ka parati para tignan si Steven kapag wala ako." "Ayos lang naman sa akin iyon at isa pa. Nag-enjoy naman ako kasama si Steven." Tumayo ito sa kinauupuan. "Siya nga pala, nabanggit mo sa akin na ikaw na assign ng kapatid mong si Glenard sa hotel na ipapa-tayo niya. Kumusta na ba iyon? Na tuloy ba?" "Oo, natuloy siya Insoo." Dagdag ko pa. "Mag sisimula na kami mag visit ng site at siguro mag sisimula na mag construct next week. Ngayon abala talaga ako ngayon lalo't marami inaasikaso at pinapagawa sa akin si Kuya Glenard.. Iwan ko ba kay Kuya Glenard kong bakit pa niya sa akin pinagawa ito? I mean marami naman siyang magagaling na tauhan na pwedeng mag handle nitong project." "Next week? Bakit ang bilis naman ata? Ibig mong sabihin wala ka dito nextweek?" "Yea?" Sagot ko pa. "I'm in charged of everything, kailangan na naroon talaga ako para mag check na mga kakailanganin lalong-lalo na rin sa area." "Ilang araw ka doon? Saan ka mag s-stay? Kailangan ba talaga na nandoon ka?" Napa-taas kilay na lang si Lea sa raming tanong nito. "Hindi ilang araw Insoo, kundi buwan. Mag stay ako sa rest house ni Kuya Glenard na malapit sa site sa Cebu, na mga isang buwan at kapag maayos na ang lahat–babalik din kaagad ako dito." Saad ko pa. "But the bad news is. Hindi ako nag iisa sa rest house at may kasama ako." Pag puputol ko pa. Bigla naman napa- tingin sa akin si Insoo na mukhang gulat na gulat. Sa base pa lang ng pag mumukha nito na gusto nyiang malaman at tanungin sa akin kong sino nga ba ang kasama ko sa rest house. Kaso wala syiang lakas ng loob para gawin yon. "Kasama ko si Mark." "What?!"Napa- bulalas na sambit ni Insoo, kahit na rin ito nabigla sa aking sinabi. Sinuklay ni Lea ang buhok gamit ang palad– hindi matago ang inis at galit na ngayon pinag-sama silang dalawa ni Mark ni Kuya Glenard sa iisang rest house sa loob ng isang buwan. Bwisit! Mukhang niluluto na naman na plano ang kapatid ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD