Episode 7 - Lucas Enriquez

2715 Words
“Kamusta ang anak ko?” “She’s doing great Ninong.” sagot ni Zian habang nakatayo sa harapan ng Don. Nakahiga si Lucas ibabaw ng magara nitong kama habang meron dalawang nurse na ubod ng sesexy. Matanda na ang kanyang Ninong pero napakahilig pa rin nito sa mga sexy na babae. Kaya di nya masisi si Fhyross kung ayaw nitong kilalanin ama si Lucas Enriquez. Lingid sa kaalaman ni Fhy lahat ng kilos plano at mga galaw nito ay alam na alam ng ama. Hindi lingid sa kaalaman ni Don Lucas ang ilang beses na pag tatangkang pagpatay rito ng iba nitong anak sa labas ng dahil sa mana. Bukod sa kanya meron pa si Don Lucas na loyal na tauhan na nakabantay sa favorito nitong anak si Rolly ang sniper bodyguard at kanang kamay ni Fhyross. 2 years ago bago mangyari ang pekeng pagkamatay ni Fhyross. Natawagan na agad sya ng Ninong Lucas nya para pabalikin sa pilipinas . kilala na nya si Fhy since born. Palaki at paaral sya ng Don pero ng maka pag tapos na sya ng pag aaral pinili na nyang umalis sa poder nito para iwasan ang iba pa nitong anak na pinag iinitan rin sya dahil sa pag aakalang makikipag agawan sya ng mana. Pumasok syang US army pero ng pakiusapan sya ng Ninong lucas nya na protektahan ang bunso nito. Hindi ito nag dalawang salita agad syang nag resign sa trabaho. Malaki ang utang na loob nya sa matanda sapol ng maulila sya ito na ang tumayong guardian nya. Kaya ng humingi ito ng tulong agad agad syang nag file ng resignation. Ang hindi nya inaasahan na ang Fhyross na kababata nya noon na ubod ng suplada. At lalaking ubod ng ganda hindi nya naiwasan na mahulog sya rito kahit wala naman iyon sa plano. Sa simula palang alam na nyang si Joey Guevarra ang kumupkop rito at kilala nya ang personality ni Fhyross kahit matagal silang hindi na nagkita. Tama ang hinala nag apply ito bilang rescuer si Fhyroos, Nauna lang sya rito ng 6 na buwan. Hindi na sya dumaan sa mga proper training dahil nalaman ng head nila na isa syang us Army bago bumalik ng pilipinas. Mula noon lagi na syang nakagabay kay Pipay na pangit. Nakakapanghina ng tuhod ang disguise nito na talaga naman ang pangit, mukha itong manika ng mangkukulam. Kilos, Asal at pananalita nito malayong malayo sa Fhyross Enriquez na mag ari ng isang malaking cosmetics company na kinatatakutan ng mga empleyado nito. Alam nyang sinadya ni Fhyross na umasta ng ganun para maitago ang tunay nitong katauhan pero kung papipiliin sya kung si Fhyross na maganda o pipay na pangit. Mas gusto nyang kasama si Pipay na balahura ang bibig pero masayang kasama kesa kay Fhyross na puro numero ang laman ng isip kung paano ito mag papayaman ng husto. “Wala pa ba syang balak na bumalik. Matanda na ako. Sya nalang inaasahan ko na matinong mag mamana ng kumpanya ko na hindi masasayang lahat ng pinag paguran ko.” “Negative Ninong.” “It’s been 2 years 3 months 22 days 13 hrs na. Hindi pa ba sya na sasawa kakatago.” “Masaya po sya sa ginagawa nya.” “Masaya ba yung binubuwis nya buhay nya para sa ibang tao. My God! Zian gawan mo ng paraan na ibalik sa akin ang anak ko na buhay. Sya nalang ang inaasahan ko. Kapag naibalik mo sya sa akin sa lalong madaling panahon. Ipapakasal kita sa kanya.” Bagamat nagulat si Zian sa narinig mula sa matanda. Deep inside masaya sya sa kaalaman iyon ngunit hindi naman sya ang tipo ng lalaki na ipipilit ang sarili kung papalarin sana magustuhan din sya si Fhyross pero sa ngayon mukha meron itong nagugustuhang lalaki lately pero napansin rin nya na nag laylow ito sa pang sstalk kay Lucas Brichmore. Marahil na pag isip isip nito na hindi ito papatulan ni Lucas dahil sa hitsura nito. ngunit napapansin rin nya na papadalas ang pagkikita ng dalawa sa mga pagkakataon na di inaasahan. Mukhang kilala ni Lucas si Fhyross pero hindi si Pipay. Hindi rin naman sya sigurado sa feeling nya kay Pipay, di nya sigurado kung na huhulog na ba talaga ang loob nya rito o na aaliw lang syang kasama ang dalagang pasaway. “Gawan mo ng paraan na makabalik sya, ako na bahala sa mga kapatid nya. Tama na ang 2 taon na pinagbigyan ko sya sa gusto nya. Ama nya ako ako masusunod.” anito sabay himas sa puwetan ng isang nurse nito. Lihim na napailing nalang si Zian paano gugustuhin ni Pipay tanggapin itong bilang ama. Matanda na mahilig pa sa babae at sympre ang babae basta sa tamang halaga, may bibigay talaga sa hirap ng buhay ngayon. “Wag ka ng sumama doon. Kaya na nila Zian yun at bilin din ni Zian na wag ka ng pasunurin malakas ang ulan at marami ng na iinstranded na sasakyan. “Hindi po puwede taytay Joe, Nanumpa ako sa tungkulin ko na tutulong ako sa abot ng aking makakaya..” Ani Pipay habang sinusuot ang safety shoes. “Magagalit sa akin si Zi kapag pinayagan kang umalis.” “Ako na bahala kay Zi Tay… alis na po ako naynay.” sigaw pa ni Pipay wala naman nagawa si Joey kundi tawagan nalang si Zi ngunit hindi ito nasagot sa tawag. Meron kasi private jet na bumagsak sa bandang tagaytay. 10 ang laman ng naturang eroplano kasama ang piloto at co pilot. Due to heavy rain nag emergency landing ang eroplano nag karoon ng malfunction at bumagsak ang eroplano kaso tumama ito sa paanan ng bundok sa kasamaang palad nagkaroon ng landslide gumuho ang bundok at natabunan ang eroplano. Ayaw pumayag ni Zi na sumama si Pipay sa pag rerescue dahil masyadong madulas ang lupa at delikado para sa isang babaeng rescuer na sinangayunan din naman nya ngunit matigas ang ulo ng dalaga kaya wala din syang nagawa. “What the hell Pipay!” bulalas ni Zi ng makita si Pipay na dumating sa accident site. “trabaho ko to kaya manahimik ka nalang okay. Bago mo ako sermunan tulungan muna natin ang mga na ipit sa baba.” “No! Stay here hindi ka baba kung gusto mo talagang tumulong. Inintindihin mo nalang yung 5 ng inakyat namin mga casualties. Sugatan sila at kailangan ng tulong. Your really a hardheaded 1.” inis pang wika ni zi saka tumalikod na tinungo naman ni Pipay ang limang casualties na sinasabi ni Zi na ngayon ay nilalapatan na ng lunas ng ibang kasama nilang team. Palabas na sana sya ng matigilan ng makita ang isa pang lalaki na ipinasok roon na agad na nilapitan ni Fatima. “Lucas.” bulalas ni Pipay saka nag mamadaling nilapitan ang walang malay na lalaki. Puno ito ng putik at dugo sa bandang ulo. Ang bilis ng t***k ng puso nya mabilis nyang nilinis ang mukha ng binata habang panay ang tawag nya sa pangalan nito. “Sya yung soon to be boyfriend mo.” ani Fatima ng malinis nya ang mukha ng binatang walang malay. Mabilis nyang pinakinggan ang t***k ng puso nito pero parang wala syang marinig kaya literal na nyang idinikit ang tenga sa dibdib nito ng wasakin na nya ang suot nito itim na longsleeves. “Sh*t he’s not breathing.” walang sabi sabi na sumampa si Pipay sa ibabaw ni Lucas at binigyan ito ng agarang CPR. Natataranta naman si Fatima na iniready ang oxygen tank. “Damn it! Lucas wake up.” sigaw ni Pipay panay ang pump sa dibdib nito kasabay ng pag Mouth to mouth resuscitation. “Lucas! Wake up! Hindi mo pa ako na titikman hayop ka… gumising ka!” sigaw ni Pipay. “Gurl ano ba naman yang bibig mo. Nag aagaw buhay na prince charming mo. kahalayan pa iniisip mo.” ngunit di na pinansin ni Pipay ang kaibigan. “Lucas ano ba! Gumising ka na.. pag dika gumising gagahasain kita ng walang awa.” sigaw pa ni Pipay na muling nag mouth to Mouth sa binata. Kasunod niyon ay malakas na sunod sunod na ubo ng binata. Hinang hina naman naituon ni Pipay ang kamay sa dibdib ni Lucas. “What the hell are you doing.” uubo ubo pa rin si Lucas na nakatingin kay pipay na kasakay sa ibabaw nya. “Get off me.” anggil pa ni Lucas na hinawakan si Pipay para paalisin sa ibabaw nya. “your soaking wet.” bulalas pa ni Lucas ng mahawakan ang suot na uniform ng rescuer. Maingat naman bumaba si Pipay. “Fatima ikaw na bahala sa kanya.” ani Pipay na bahagya pang hinihingal. Nasapo pa nya ang tapat ng dibdib nya na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k. Sobra yung kaba at takot nya kanina akala nya di nya ma rerevive si Lucas. Akala nya simpleng attraction lang ang nararamdaman nya para rito kaya madali sa kanya na kalimutan sana ito tulad sa pilit nyang paglimot sa muntik ng may mangyari sa kanila pero ngayon sure sya sa t***k ng puso nya. hindi lang iyon dahil sa simpleng attraction. Is she really in love with him gusto talaga nya si Lucas. habang pinipilit nya itong irevive pumapasok sa isip nya yung bagay na paano kung mamatay ito. Hindj na nya ito makikita, Hindi na sya kakabahan na baka nakilala sya nito bilang Fhyross. Hindi na nya maniimagine kung ano ba talaga yung feeling na maabot ang langit na kasama ito. “Ate tulungan nyo po ang kapatid ko. Naiwan po sya sa loob ate ng bahay namin. Wala po ang magulang namin.” wika ng isang batang madungis na lumapit sa kanya habang umiiyak. “_Ano? asan ang bahay nyo.” “Dun po ate malapit sa binagsakan ng eroplano.” turo ng bata. “Bakit di nyo agad sinabi sa mga kasamahan ko.” “Kanina pa po kami nahingi ng tulong kaso wala pong pumasin sa amin.” wika ng bata, tumakbo na sya kasama ang dalawang bata. Binatilyo na ang kausap nya habang mukha nasa 10 taon naman ang isang batang lalaki na katabi nito na tulad nito ay madumi at puno ng putik ang mga damit. “Ilan ang kapatid mo ang nasa loob?” “Isang pong 8 years old na babae at isa pong siyam na buwan na baby.” Pakiramdam ni Pipay nanghina ang katawan nya sa narinig. “Bakit iniiwan kayo ng magulang nyo.” galit na wika ni Pipay na lumapit sa isang truck ng rescue team at kumuha ng ilang mga importanteng kailangan nya. Nag hanap sya ng makakatulong pero wala syang makita lahat ay busy. “Nasa laot po sila ate nag hahanap buhay po para may makain kami.” Gustong madurog ang puso ni Pipay sa narinig. “Makinig ka malaki ka na delikado ang gagawin natin pero kailangan ko ang tulong mo maiintindihan mo.” “Opo ate.” nakita nya ang bahay na tinutukoy ng magkapatid. Konti nalang bibigay na rin iyon at mahuhulog sa mismong ibaba kung nasaan ang eroplanong kung nasaan ang buong team nya. Nag hanap sya ng puwedeng pag talian ng harness nya para incase na di kayanin ng lupa ang pag pasok nya sa loob ng giba gibang bahay. Maari pa yang iligtas ang sarili. Hindi rin sya puwedeng mamatay. Alam ng mommy nya na buhay sya pero di pa ulit sila nag kikita. Nakiusap lang sya rito na wag syang hanapin dahil uuwi sya sa tamang panahon. kilala naman sya ng mommy nya kaya hinayaan nalang sya nito. Time to time naman nag uupdate sya rito na buhay sya. Nakakita sya ng malaking puno mabilis nya iyong tinakbo at iginapos roon ang mahabang tali na dala nya ng matiyak na matibay ang tali agad na nyang ikinabit sa katawan nya bago nilapitan ang dalawang bata na inilayo sa prone site accident. “Naririnig ko pa ang mga boses ng kapatid nyo. Kukunin ko sila. Kapag wala pa ako ng 5 minutes” kinuha ni Pipay ang radio sa balikat nya at ibinigay sa binatilyo. “Sasabihin mo lang CODE Red Pipay. pindutin mo lang ito kapag umilaw ito ng kulay red. Mag salita ka lang. Na iintindihan mo.” umiiyak na tumango ang binatilyo. “Tatawag ka lang kapag wala pa ako ng 5 minutes okay.” “paano ko po malalaman kung 5 minutes na? napaisip si Pipay. “Bumilang kayo ng 300 kapag wala pa ako tumawag na kayo ng tulong okay. Wag masyado mabilis ang bilang sakto lang hmmm.” “Mag iingat ka ate.” “Oo intayin nyo ako.” ani Pipay na nag antanda pa ng krus bago maingat at dahan dahan na gumapang sa bahay na tagilid na at sira sira. “Asan si Pipay?” takang tanong ni Zi ng isa isang silipin ang mga tent. isa isa ng isinasakay sa ambulance ang mga pasahero ng eroplano. “Lumabas sya kanina e di na bumalik.” sagot ni Fatima na tapos ng lagyan ng gasa ang noo ni Lucas na nakaupo na sa stretcher. “Saan nanaman ng suot ang babae yun.” inis na wika ni Zi na pinindot ang radio. “Pipay! Pipay Where are you over.” nakailang paulit ulit na tawag si Zi ng ilang minuto pa nakarinig sila ng boses ng bata sa kabilang radio na umiiyak at sumisigaw. “Code red pipay. Code red pipay.” sunod sunod na sigaw ng bata sa kabila. Wala sa loob na napatakbo sa labas si Zi at nag palingon lingon sa paligid. tulad nya nag labasan din bigla si Leo, Alex at Marlon na nag palinga linga din. “Asan ka pipay? Asan si Pipay…pipay!” pero di na sumagot ang kabila. “Asan si Pipay.” napalingon si Zi ng makita si Lucas na lumabas sa tent. Di nya ito pinansin at muling mag radio. “Code red ibig sabihin nasa delikado sya boss.” na aalarmang ani Leo. napamura si Zi saka sila sabay sabay na napalingon ng makarinig ng malakas na mga kalabog hanggang sa natanaw nila ang isa pang landslide na tuluyang nag libing sa eroplano sa baba buti nalang nailabas na nila lahat ng sakay. “Pipay.” malakas na sigaw ni Zi ng sa di kalayuan nakita nila ang green na LED light na umiilaw sa dilim, sa di kalayuan na parang nakabitin. Nakita rin ng mga kasama nila halos liparin nila ang lugar bitbit ang kanya kanyang harness ang bilis ng mga kilos nila ng makasalubong ang 3 bata na tumatakbo na umiiyak. Buhat ng binatilyo nag batang babae na may dugo sa dibdib. “Si Ate pipay po tulungan nyo.” sigaw pa ng batang babae. Na agad na kinuha ni Fatima at kasama ang 3 bata na pumunta sa tent. “What the hell Lucas Brichmore bumalik ka na don wala kang maitutulong.” sigaw ni Zi na mabilis na tumatakbo kasunod si Lucas. “She save my life. Kaya pabayaan mo ako.” malakas ang ulan kaya nahirapan silang takbuhin ang maputik na kalsada. Mabilis na tinakbo ni marlon ang tali na nakita nilang kumakayod sa bato ang tali na posibleng malagot. Mabilis ang bawat kilos nila. Isang helicopters ang dumating after radiohan ni Zi. Mula sa spotlight na dala ng helicopter itinutok iyon kay Pipay na nagawapang ngumiti at kumaway. “Sira ulo talaga kahit kelan.” sigaw pa ni Alex. May inihulog na tali mula sa helicopter na kinuha naman ni pipay at kinabit sa katawan nito saka nag thumbs up. Pakiramdam ni Lucas ng makitang sakay na si Pipay ng helicopter saka palang silang nakahinga lahat. “Aatakihin ako sa puso sa babaeng yan. Sakit na nga sa puson pati puso ko madadamay pa sa mga buwis buhay nyang stunt.” ani Leo, gustong mainis ni Lucas sa sinabi nito pero pinag walang bahala nalang nya paki alam ba nya. May utang na loob sya kay Pipay kaya gusto lang sana nyang makabawi kaya sumama sya pero mukhang meron siyan na buhay ang impakta at kababaeng tao nagawang ibuwis ang buhay para sa iba. Ilang beses pa ba nyang makikita ang ganun kay Pipay. Iba talaga sa pakiramdam nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD