Chapter 58

2251 Words

*** Kinabukasan, tinanghali na naman ng gising si Avah. Kaya nga nang tuluyan niyang maimulat ang mga mata, halos lumipad siya palabas ng silid bitbit ang tuwalya. Wala namang ibang magagalit sa kaniya sa Glamour kung sakaling mahuli siya. Pero hindi niya maintindihan kung ano itong sumisikdo sa sikmura niya na nagsasabing, hindi tamang palagi siyang ma-late. Kung hindi ito dragon ni Cindy, malamang na-a-adapt na niya ang 'way of thinking' ng babaeng ito. "Cindy, may bisita ka," pagsalubong ni Kristina na nasa ibaba ng hagdan, pero nilampasan niya lang ito. "Mamaya na, male-late na ako," bulalas ni Avah na agad ding natigilan. "Ano?" Napatingin siya sa direksyon ng sopa para makita ang tinutukoy nito. Naroon nga si Janna at mayuming nakangiti sa kaniya. Napakaelegante nito at mayroong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD