[Pagpapatuloy...] "Ang nangyari sa inyo, hindi maipapaliwanag ng Siyensiya, kaya maaaring walang lohikal na kasagutan tungkol diyan," pahayag ni Simon habang diretso ang tingin sa kalyeng dinaraanan nila. Tumango-tango lang si Avah bilang pagsang-ayon. "Ano bang naaalala mo noong araw bago kayo nagkapalit?" muling usisa nito nang saglit na lumingon. Matagal na niyang pinapaulit-ulit sa kaniyang isipan ang bagay na iyon. Ilang gabi na nga siyang parang sirang plaka. Pero wala naman siyang maisip na kakaibang bagay tungkol sa nangyari. Nakakapagtaka 'yon dahil ang huli niyang naalala ay 'yong uminom siya sa ferry resto. Kinabukasan nagising na lang siya sa isang bahay bakasyunan at ang namulatan niya ay si David. Pagharap niya sa salamin, saka pa lang niya nalamang nasa i