"Eunice Ocampo!" bulalas ng babae na ngayon ay nagtatakbo na patungo sa iisang direksyon. Mabilis namang humabol si Avah pero, hindi niya ito naabutan hanggang sa tuluyan na itong nakalapit kay Eunice, na heto't gulat na gulat nang matigilan at kulang na lang ay lumuwa ang mata. Maging ang mga taong kasama sa entourage nito, napahinto at nakatutok lang ang tingin sa babaeng nasa katawan niya. Sino bang hindi magugulat sa inaakto nito? "Totoo ba ito? Ikaw ba si Eunice Ocampo?" halos mapatulalang wika ng babaeng akala mo naeengkanto. Napatango-tango lang si Eunice. "Oo," tugon nito na mariing napatitig dito. "A-avah? Okay ka lang?" "Wow! Kilala mo pa ako?" sabi ng babae na kulang na lang ay mapatalon sa tuwa. "Totoo ngang naging magkatrabaho tayo? Ang galing naman." Namam