*** Mariing nakatitig si Vivian sa asawang wala pa ring malay sa hospital bed. Naiirita na siya sa ingay ng mga equipment na tumutulong dito na makahinga. Kung maaari lang, tuluyan na niya 'yong patayin, pero hindi puwede. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ganoon pa rin ang lalabas na resulta sa DNA test ng babaeng nagpakilalang anak nito. Nabura nga sa mundo ang tunay nitong anak na si Avah, ngunit may iba namang lumitaw para pasakitin ang ulo niya. Noong nakaraang linggo lang, galit na galit siya nang malaman sa abogado ni Divino ang tungkol sa nilalaman ng last will and testament nito. Hindi pa iyon ipinabago ng asawa kaya hanggang ngayon, si Avah Lopez pa rin ang nag-iisang nakapangalan doon. Kaya nga, hindi niya magamit ang pagkakataong ito para tuluyan na