Music #33

2425 Words
Yoongi's Music Music #33 Suga's POV: I don't have time for this. Oo, alam kong malaki ang eskandalong kinasasangkutan naming dalawa ngayon pero ayoko munang isipin yun lalo na't magulo pa ang utak ko. Kaya hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sa hallway na iyon. "Yah!" ang biglang lingon nya sa akin. "Ganyan ba dapat ang pagtrato mo sa girlfriend mo ha?!" That stopped me from walking. Wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa kanya ngayon pero hindi ko ata mapapalampas ang pag-trato nyang iyon sa akin. Kaya nilingon ko sya at hindi makapaniwalang napatitig sa nakataas na kilay nya. "Anong sabi mo?" ang medyo napipikon kong tanong. "Yah? Did you just 'Yah' me?!" Yes. I had enough bullshits from Yuseon. And I can't take another bullshit right now. Pakiramdam ko ay isa-isang binabasag ng mga babaing ito ang mahabang linya ng jars of patience ko. Pero nag-cross arms lang sya at mabilis na nag-marcha palapit sa akin. At napaatras pa ako at napakurap nang ilapit nya ang mukha nya sa akin. "Eh ano naman ngayon?" she said sarcastically. "Girlfriend mo ako kaya may karapatan akong i-'yah' ka" Hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig nang dahil sa sinabi nya. Saka ako hindi makapaniwalang napatitig sa nakakapikon nyang mukha. "Yah!" ang pikon kong sigaw sa mukha nya. "Hindi mo ba nakikilala kung sino ako ha?!" But she just raised a brow. "Oo, kilala kita" she said at ngayon ay salubong-kilay na syang nagsalita. "Ikaw lang naman ang walang modong lalaking nagnakaw ng first kiss ko kagabi kaya panagutan mo ako---hmp!" Agad ko ng tinakpan ang bibig nya dahil naririnig na kami ng mga taong dumadaan sa hallway na iyon. "Hmmmp! Hmmmp!" ang pagwawala nya pero agad ko na syang hinila paalis sa maraming taong nakatingin na sa amin ngayon. Hinila ko sya hanggang sa dulo ng walang katao-taong hallway na iyon at agad syang itinulak sa pader na nanduon. "Yah!" ang naisigaw nya. Pero agad ko na syang nilingon at hindi makapaniwalang nagsalita. "Yah?" ang ulit ko sa sinabi nya. "Yan ba talaga ang itinuturo sa inyo ng agency na ito ha? At yun ay ang kung paano ninyo i-disrespect ang mga sunbae ninyo?!" Pero naningkit lang ang mga mata nya sa sinabi ko at napaawang pa sya ng bibig. "Hah!" she said sarcastically. "Sorry sunbae-nim~~nakalimutan ko nga pala na sunbae-nim pala ang nakita ko na lasing kagabi at nagnakaw pa ng first kiss ko~~sorry sunbae-nim~~nakakahiya naman po pala sa inyo---" "Tumigil ka na" I glared at her. "Wahahahahahahaha!" ang namimikon nyang tawa. "Bakit sunbae-nim? Napipikon na ba kayo sa akin ha? Well, wala akong pake~! FIRST KISS STEALER! FIRST KISS STEALER!BLEEEEEEEEEEEHHHH...!" She's really trying to hit a nerve. "Yah! I'm older than you!" ang napipikon ko na talagang sigaw. "You insolent brat!" But she just stuck her tongue out at nagpatuloy sa pamimikon sa akin. "First kiss stealer si Sunbae nim~! First kiss stealer si Sunbae nim~~!" she sang. "First kiss stealer si Sunbae nim~~!" Napapikit nalang ako ng dahil sa sobrang inis. What's with this new rookie girl group anyway? Bakit napakatalented nila sa pamimikon sa akin? Then I took a deep breath dahil sa totoo lang ay wala talaga akong oras na makipag-usap sa mga katulad nya. "Yeah, whatever" I said saka tumalikod at naglakad paalis. "I'm outta here" Pero hindi pa man napaparami ang hakbang ko ay naramdaman ko na ang pagkapit nya sa braso ko. Agad naman akong napalingon sa kanya at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. "Yah!" ang sigaw ko saka iwinaksi ang kamay nya. "What are you doing?!" But she just gave me that playful grin. "Samahan mo akong mag-shopping~~" ang pagpapa-cute nya. Puta. Hindi sya cute. Mukha syang asong ulol na trying hard gumawa ng aegyo. "And why would I do that?!" ang sigaw ko pa. Sinusubukan talaga ng babaing ito ang pasensya ko. Pero kumapit lang sya uli sa braso ko at nag-pout pa ang gago. "Eh kasi boyfriend na kita" ang pa-beautiful eyes nya pang sagot. Putang ina. "At saan mo naman nakuha ang idea na yan ha?!" ang sigaw ko. "Asa ka pang papatulan kita!" Pero nabigla ako nang bigla nyang itinaas ang dyaryong iyon at kitang-kita doon ang picture namin na naghahalikan. I gulped. Then she gave me that evil grin. "Ito..." she said. Napalunok nalang ako uli bago ko tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa akin at iwinaksi yun. "S-so w-what?!" ang sigaw ko saka nagmamadaling tumalikod uli at naglakad paalis. "I don't give a s**t! Mag-shopping ka mag-isa mo!" "Sige" ang sabi naman nya sa likuran ko. "Kapag hindi mo ako sinamahan, ipagkakalat ko sa buong media na totoong girlfriend mo nga ako! Sasabihin ko pa na ten years na tayong nagdi-date at first love mo pa ako then fixed marriage tayo at ikakasal na tayo after five years!!!" Putang ina. ****************** Shit. Shit. Shit. I just kept on cussing inside my head habang parang tangang nakabuntot sa babaing ito na naglalakad sa loob ng isang mamahaling boutique shop. Nakadagdag pa sa sobrang inis na nararamdaman ko ang pagpapa-bitbit nya sa akin ng sobra sampung damit na napili nya. Oo. Matapos ang pag-uusap na yun sa loob ng agency nila ay napilitan nalang akong sumama sa babaing ito. Afterall, ay alam kong may kasalanan din naman ako sa kanya kaya sa tingin ko ito nalang ang pambawi ko sa kanya. Ito nalang ang pambawi ko kahit na kanina pa ako kating-kating itapon ang lahat ng mga damit na ito sa katabing kalsada ng boutique na 'to. "And then ito..." ang sabi nya habang ibinibigay sa akin ang mga damit na nagugustuhan nya. "Ito din, then ito pa, ito, ito, ito, ito, then ito pa, ah! Atsaka isali mo narin 'to...ito din, ito, ito, at...ito!" Puta. Ba't hindi nalang nya bilhin ang buong boutique shop na ito ha?! Hinihingal nalang akong napaupo sa isang stool na nasa tabi ng cashier. Talagang sobrang pagod na ako dahil kanina pa kami paikot-ikot sa malaking boutique shop na ito. Samantalang nagpunta naman sya sa katabi kong cashier para i-punch ang lahat ng napili nya. "That will be all 80,000 won, ma'am" ang sabi ng cashier. Agad naman syang lumingon sa akin at inilahad sa akin ang kamay nya. Samantalang pagod na pagod akong napatitig sa mukha nya. "What?" ang takang tanong ko. But she just gave me that sweet smile at bigla akong tinawag sa pinakahuling bagay na gusto kong itawag nya sa akin. "Oppa~~" Puta. "Diba ang sabi mo ikaw ang magbabayad ng lahat ng ito dahil anniversary natin ngayon? Hmp? Hmp? Hmp?" ang pagpapacute nya pa sa akin. But I just glared at her. "Asa" ang sambit ko. Pero nag-pout lang sya at nakangiting lumingon sa cashier na nanduon. "Naku...mahiyain po kasi talaga ang boyfriend ko na 'to eh..." ang nakangiting sabi nya at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kong inilabas nya ang pamilyar na wallet na yun. "Buti nalang at sa akin nya ipinapahawak lagi ang wallet nya" Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinapa-kapa sa bulsa ng pants ko ang wallet ko. Pero... Putang ina. Agad akong napataas ng mukha at hindi makapaniwalang napasigaw doon. "Yah!" May lahi ba syang mandurukot ha? Ba't hindi ko man lang napansin ang pagkuha nya ng wallet ko mula sa loob ng pants ko? But it's too late. Naibigay na nya ang credit card ko na nandoon at ini-punch na yun ng cashier. Samantalang ngumiti lang sya sa akin ng napakatamis at ang putang ina, nagawa nya pang kurutin ang magkabilang pisngi ko at sobrang sweet na nagsalita. "Aigoo...ang sweet-sweet talaga ng boyfriend ko na 'to oh...mas lalo tuloy akong nai-inlove sayo...hihihihi" saka nya nilingon ang mga saleslady na nandoon. "At ang cute-cute nya pa diba?" SHE. GOT. THE. NERVE. TO. TOUCH. MY. FACE. AND. CALL. ME. CUTE?!! Oh yes. She's so dead!!!! Pero bago ko pa man maibukas ang bibig ko para magsalita ay naramdaman ko nalang ang pagtama ng mga paperbags na yun sa mukha ko. FUCK! "Dalhin mo ang lahat ng yan..." she said then smiled at me sarcastically. "...BOYFRIEND" **************** I've never been so pissed like this in my whole entire life. She really got the nerve to treat me like this. I'am the sunbae here. And it is so clear that she's far younger than me. But I'm helpless. Alam kong may kasalanan din ako sa kanya kaya alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na magreklamo ngayon. Kahit na kanina ko pa sya gustong-gustong batukan nang dahil sa pinang-gagawa nya sa akin. Matapos nya akong pagurin at matapos nyang ubusin ang pera ko sa pagsa-shopping ay natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa loob ng coffee shop na ito. Habang nakaupo naman sa harapan ko ang walanghiyang babaing ito. Enjoy na enjoy sya sa paglalaro ng froth ng kape nya samantalang hindi naman maiguhit ang mukha ko habang nakatitig sa kanya. Nasa ganoon lang akong posisyon nang bigla syang magtaas ng mukha dahilan para magtama ang mga mata naming dalawa. But I didn't look away. I'm just too tired to even move a muscle. Pero hindi ako makapaniwala sa sumunod na sinabi nya. "Yah..." ang nakangiting sabi nya at kinikilig pa nyang inipit ang buhok nya sa tenga nya. "...alam kong crush na crush mo ako pero wag mo naman akong titigan ng ganyan..." Hindi ako makapaniwalang napaawang ng bibig ng dahil sa sinabi nya. Puta. Hindi lang nakakapikon ang babaing ito. Napaka-conceited nya pa. "Pero teka..." ang biglang lingon nya sa akin saka nag-pout. "Sino ba si Yuseon ha?" Bigla akong natigilan sa sinabi nyang iyon. "Noong gabing hinahatid kasi kita sa apartment ninyo..." ang salubong kilay pa nyang patuloy na para bang sobrang confused sya. "...ay paulit-ulit mong binabanggit ang pangalan nya..." Pero isang bored look lang ang ibinigay ko sa kanya. "Hindi pa ba tayo matatapos dito ha?" ang pagod na pagod ko ng sagot. "Look kid, I'm too tired to deal with you now. Umuwi ka nalang sa inyo dahil sigurado akong hinahanap ka na----" "Ah!" ang biglang sigaw nya. "Siguro, sya yung first love mo na hanggang ngayon ay hindi mo parin nakakalimutan noh? Hihihihi...tama ako noh?!" She shot me headshot. I couldn't find words to say anything dahil totoo ang sinabi nya. At mukhang napansin naman nya yun kaya parang nahihiya syang napayuko nalang sa kinauupuan nya. "I'm sorry..." she whispered. I had enough. I'm just too tired to deal with her. I'm just too tired to deal with Yuseon. I'm just too tired to deal with any of this. Ang gusto ko lang ngayon ay umuwi na at itulog nalang ang lahat ng ito. At tatayo na sana ako pero... "Aish, nakakainis talaga si Sunny unnie..." ang biglang sambit nya. Bigla akong natigilan nang marinig ko ang pangalan ng babaing yun at napatitig sa kanya. Saka sya lumingon sa akin at inis na inis na nagsalita. "Alam mo bang noong nakita nya ang picture natin na naghahalikan sa dyaryo ay bigla nalang syang nagwala sa training room at bigla nalang syang nagalit sa mga trainees na nasa agency namin ha?" ang naiinis nyang sabi saka nag-pout. "Aisssh...that b***h. I've never liked her. Siguro naiinggit sya dahil nakahalik ako ng isang super sikat na sunbae. Huh. Ayaw pa naman nyang nalalamangan sya. Ang gusto nya siguro ay sya lang ang magka-boyfriend ng isang sikat na sunbae. Psh. I hate her" Pero hindi ko na narinig ang huling sinabi nya. After hearing that Sunny got affected by that picture...ay doon na unti-unting bumalot sa dibdib ko ang kakaibang emosyon na yun at napatulala nalang ako sa kinauupuan ko. "Kaya wag kang magpapahalik sa kahit kaninong idol lalong-lalo na kay Sunny unnie, neh?" ang sabi pa nya habang dinuduro ako. "Ako lang ang dapat na makahalik sayo, arraseo?" Kung ganun... Kaya sya nagwala sa practice room... At yun ay dahil... Hindi ko namamalayan na unti-unti na akong napangiti mula sa kinauupuan ko. "Aigoo...alam kong sobrang masaya ka at nahalikan mo ang napakagandang si Sujin pero wag mo naman masyadong ipahalata" Pero hindi ko na sya pinansin at mabilis na akong tumayo mula sa kinauupuan ko. At aalis na sana ako pero... "At saan ka pupunta ha?" ang mabilis nyang kapit sa braso ko. Pero nilingon ko lang sya at sa totoo lang ay unti-unti ng bumabalik ang inis ko sa kanya. "Uuwi na ako" I lied. Pero mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko. "Pero paano ang date natin?" ang naka-pout pa na tanong nya. "Paano ang kasalanan mo sa akin?" I'm getting impatient. Gustong-gusto ko ng makaalis para makompirma ko na ang iniisip ko ngayon. Kaya agad kong iwinaksi ang kamay nya at nakita ko pa ang pagkabigla na gumuhit sa mukha nya nang dahil doon. Saka ako pikon na pikon at naiinis na humarap sa kanya. Kanina pa talaga ako nagtitimpi at pakiramdam ko ay sasabog na ako sa inis. "Look kid" ang simula ko. "Hinila mo ako para mag-shopping, ako ang pinabayad mo at ako pa ang pinabitbit mo ng mga pinamili mo, at ako rin ang nagbayad ng kapeng yan na iniinom mo. You wasted half of my day at hindi pa doon kasali ang pag-disrespect mo sa akin bilang nakakatanda sayo at bilang sunbae mo. Now, isn't that enough already?" Hindi sya makasagot. Nanatili lang syang nakayuko at nakikita ko sa ekspresyon ng mukha nya ang sobrang lungkot na para bang maiiyak sya. I didn't mean to treat her like this. But she just pushed me to my limit. Alam kong may kasalanan ako sa kanya pero sobra-sobra na ang kahihiyan at kapaguran na ipinaranas nya sa akin. Pero bigla akong natigilan sa sumunod na sinabi nya... "'I'm sorry' lang naman ang kailangan ko eh..." ang nakayuko at parang naiiyak pa nyang sagot. I was stunned. I was speechless. At unti-unti...ay naramdaman ko ang matinding guilt na yun sa dibdib ko. Tama. Nakagawa ako ng kasalanan sa kanya pero nakalimutan ko ang pinaka-importanteng bagay na sana ay kanina ko pa ginawa. I'm insensitive. At yun ang pinaka-ayaw ko sa personality ko. I just took a deep breath at napayuko nalang doon. Then I looked up and gently patted her head. Nakita ko naman ang unti-unting panlalaki ng mga mata nya nang dahil sa sobrang pagkabigla at bigla nalang syang nanigas mula sa kinauupuan nya habang patuloy kong hinahaplos ang buhok nya. And in that gentle voice... "I'm sorry..." I sincerely said. Then I turned around and walked away. to be continued... -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD