Clifford Aiden's P. O. V Nagising ako sa isang malakas na palakpak. "BRAVO! BRAVO!" sigaw ni Dale habang pumapalakpak. Biglang tumili si Farja at tinakpan ang hubad niyang katawan. Napakunot ang nook o at sinubukang umupo. "I'm so proud of you!" sabi sa akin ni Dale. Nagulat ako nang yakapin pa niya ako sabay takip sa likod ko. "Congratulations Sir. At the age of 26, hindi ka na virgin" pang-aasar niya sa akin. "What the f**k," bulong ko at sinamaan siya ng tingin. Hindi ba siya nahihiya? Sinasabi niya ito ngayon? "T-twenty six ka na?" nauutal na tanong ni Farja. "Oo," sagot ko. "Ang bata mo pa tignan. Sana all baby face," sabi ni Farja at hinalikan ako sa labi. "Baka gusto niyo ulit binyagan ang isa't isa. Aalis ulit ako," pang aasar ni Dale. Bwisit talaga siya, kahit kailan.