SHOPPING outlets ang sunod na naging destinasyon nina Alaina. Malapit iyon sa napakalaking swimming pool na natatanaw pa niya habang naglalakad sila sa hilera ng mga mamahaling boutique. Sa totoo lang ay mas attracted pa siya sa swimming pool na kasalukuyang may mga nagkakasiyahang tao kaysa sa mga boutique doon. “That looks fun,” usal niya na tuluyan nang napahinto sa paglalakad at pinanood ang mga tao sa pool. “You want to swim?” biglang tanong ni Randall sa tabi niya. Napatingala si Alaina rito at marahas na umiling. “Hindi. Hindi talaga. Masarap lang sila panoorin,” sabi niya. “You’re lying,” sagot ni Randall habang nakatitig sa mukha niya. “You wanted to swim. I can see it in your face.” Napahawak siya sa magkabilang pisngi niya. “Talaga?” Hindi sumagot si Randall pero nakikita