Chapter 26

1657 Words

MATAGAL na nakatira sina Alaina sa Dubai pero sa totoo lang ay hindi pa niya naiikot ang magagandang lugar doon. Bihira kasi mag day off ang papa niya kaya hindi naman sila nakakapasyal. Habang bumibiyahe tuloy sila nina Randall pakiramdam niya iyon ang unang beses na nakikita niya ang mga nadadaanan ng sasakyan nila. O marahil may ibang ganda lang talaga ang paligid dahil kasama niya ang lalaking mahal niya. Sumulyap siya kay Randall at ngumiti nang makitang nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya. Magkatabi sila sa likod ng sasakyan at kanina pa magkahawak ang mga kamay nila. Na para bang natatakot si Randall na bitawan ang kamay niya. Naiintindihan niya iyon dahil kahit siya ayaw bumitaw. Hindi matapos niyang malaman ang effort na ginawa nito sa loob ng dalawang buwan.             Ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD