ROSENDA'S POV:
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang swerte sa buhay, nasa atin na lamang kung paano natin hahanapin ito.
I believed in that saying ng kupkupin ako mula sa bahay ampunan ng isang mayamang haciendero na si Joaquin Dela Vega.
Biyudo ito at walang anak at ako ang napili niyang kupkupin pero everytime na tinatanong ko si daddy kung bakit hindi na siya nag-asawa ulit ay palagi niyang sagot sa akin na soulmate niya daw kasi ang asawa niya at wala na daw ibang babaeng makakapantay dito.
Nasa klase ako ngayon at matamang nakikinig kay Uncle Wade habang nagtuturo siya.
He was gifted in everything. Matalino, gwapo, matangkad, may pinagpalang abs at sexy na pang-upo, mapera ngunit noong nagsabog ata ng kabaitan ang Maykapal ay tulog siya because behind his perfect appearance and perfect life– he is a womanizer.
Alam ko iyon dahil suki ko siya sa Bar na itinayo namin ng bestfriend kong si Acee. Kung sinu-sinong babae ang binobola niya doon at pagkatapos ay dadalhin niya sa malapit na Hotel to have a one night stand at pagkatapos ay babayaran niya at hindi na niya ito ika-kama pa. Such a heartbreaker. Papaligayahin ka buong gabi at pagdating ng umaga ay wala na.
Pero kahit ganoon siya ay siya pa rin ang gusto ko at gagawin ko ang lahat upang baguhin siya. Just wait, Uncle Roizen Wade Dela Vega. Ako na ang hinahanap mong babae na magbabago ng pananaw mo sa buhay at sa pag-ibig.
Bigla akong nabalik mula sa aking pagpapantasya nang tawagin ako ni Uncle Wade.
"Ms. Dela Vega," pagtawag niya sa akin.
"Uh-yes Sir?" tanong niya.
"What do you call a violent and dishonest acquisition of property?" tanong ni Uncle Wade at natahimik lang ako at hindi makasagot.
"Uhm– ah, eh, ano…" saad ko dahil hindi ko naman talaga alam iyon.
"Anak ng tokwa, kanina pa ako salita ng salita dito! Hindi ka na naman nakikinig!" inis na saad nito sa akin at binato pa ang maliit na chalk sa sahig.
"I'm sorry, Sir," saad ko sabay yuko. Here we go again, mukhang ipapahiya na naman ako ng magaling kong tiyuhin sa mga kaklase ko.
"Kung may course lang na day dreaming aba top one ka na siguro Rosenda," saad pa ni Uncle Wade habang hinihilot ang sintido niya.
Bigla namang nag ring ang bell hudyat na tapos na ang klase.
Yes! Save by the bell! nagmadali na akong kunin ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Gayon din ang ginawa ng mga kaklase ko at nagmadaling lumabas ng room. Palabas na ako ng room nang bigla akong harangin ni Uncle Wade.
"In my office, now," saad ni Uncle Wade kung kaya't wala na lang akong magawa kundi ang sumunod sa kanyang habang papunta kami ng faculty room.
Pagpasok namin ay bored akong naupo sa upuan sa gilid ng desk niya habang siya naman ay naupo din, magkaharap kami ngayon at ipinakita niya sa akin ang grade ko sa kanya ng first at second sem. Fourth year college na ako at graduating na.
"Look at these Rosenda, nag-iipon ka ba talaga ng tres?! aba'y kulang na lang mag drawing ako ng bulaklak dahil puro tres ang grade mo sa akin," bulyaw nito.
Tumayo ako at umupo sa desk niya at napasandal naman siya sa squivel chair niya ginawa ko.
"Ikaw naman Uncle, galit agad?" tanong ko sabay haplos sa kanyang kamay na nakasandal sa desk.
Matagal niya na kasing alam ang paghanga ko sa kanya ngunit sa paanong dahilan ay hindi ko pa rin makuha ang kanyang atensyon.
"Hay naku, Rosenda, tigilan mo ako," saad niya habang niluluwagan ang necktie.
Halatang init na init siya dahil kitang kita niya ngayon ang aking kabuuan habang nakaupo sa desk.
"Can you sit properly?! f**k!" galit na saad niya.
"Sorry na Uncle, babawi ako promise.Bulaklak ko nalang ang kainin mo, peace offering," saad ko sa kanya sabay kindat at kagat-labi.
"Hindi mo ko madadala sa ganyan-ganyan mo. Ilang beses ko na bang sinabi sayo, no Rosenda! hindi pwede, magagalit ang daddy mo sa akin," saad niya na nahilot ang sintido niya.
"Ang KJ mo naman, hindi naman niya malalaman eh," saad ko sabay irap.
"Mag aral ka naman ng mabuti, sayang lang ang pera ng Kuya ko sayo! Ang grades mo laging tres! Graduating ka na, may tres ka pa din! Pag bumagsak ka ngayong sem bahala ka, hindi ko alam kung saan ka pupulutin. Tagapagmana ka pa naman ng daddy mo," saad ni Uncle na galit na galit pa rin.
"I am studying, very, very haaaard!" saad ko na nang-iinis habang dahan-dahang kinukuha ang kamay niya at sinupsop ang daliri niya.
"f**k, Rosenda, stop it!" inis na saad niya sabay bawi ng kamay niya.
"Why can you just f**k me?! like what you do to other girls, pangit ba ako?" tanong ko.
"Pwede ba Rosenda, ayoko ng ganyang usapan, pamangkin kita at estudyante kita, at ginagalang ko ang Kuya ko, kaya tumigil ka," saad niya.
"Pero gusto kong bastusin mo ako," saad ko sa kaniya.
"Nasa matino ba ang isip mo, ha? Pag nalaman yan ng Daddy mo, lagot ka!" saad niya.
"Isusumbong mo ba ako? Okay lang, lagot ka rin naman eh, come on Uncle, I know you want it too," saad ko na ngumiti ng nakakaloko.
"Umuwi ka na, lubayan mo ako," saad niya sa akin.
"Hmp! KJ!" saad ko sabay tayo sa desk at sukbit ng bag.
"Hoy! dumiretso ka sa bahay ah!" sigaw nito habang palabas ako ng faculty room.
"Ayoko nga, doon ako sa Bar ko!" sigaw ko sa kanya sabay balibag ng pinto.
Nagpunta ako sa bar sakay ng aking yellow porsche.
6:00 p.m. pa lang at mukhang abala na ang lahat ng Staff sa pagbubukas ng Bar. Tinulungan ko sila dahil wala naman akong gagawin.
"Hmm, wala pa si Acee hays, ang babaitang iyon saan na naman kaya naglamyerda," saad ko sa sarili.
Nagulat ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko at biglang tumawag si Uncle Wade.
Me: Yes, Baby pie?
Uncle Wade: Anong Baby pie?! Umuwi ka rito!
Me: Highblood lang?! May regla ka ba?! Bakit ba?! Nandito nga ako sa Bar, tinutulungan kong magbukas yung mga Staff ko!
Uncle Wade: Basta, umuwi ka na nga, ngayon na!
Bigla na lang pinatay nito ang tawag pagkatapos niya kong sigawan ng ganoon.
"Damn it! tignan mo 'tong pulpol na 'to, pagkatapos akong sigaw-sigawan sa phone bigla na lang papatayin!" saad ko sa sobrang inis at ipinasok ang cellphone ko sa purse ko.
Dumiretso na ako sa kotse ko at sinimulan nang magmaneho upang makauwi.