Chapter 5: Las Casas Filipinas De Acuzar

1134 Words
Kinabukasan, nagising ako sa lakas ng soundtrip sa baba, sunday kasi ngayon at syempre puro lumang tugtugin na naman ang maririnig sa buong Hacienda. Pagbaba ko ng hagdan ay na-ngiti ako kay Daddy dahil sumasayaw siya, kinuha niya ang kamay ko at inikot ako sa saliw ng tugtugin ni Neil Sedaka na "Oh! Carol" (Oh, Carol! I am but a fool, Darling i love you, though you treat me cruel) Nagtatawanan kami ni Daddy habang nagsasayaw, he got the moves, no wonder that his late wife fell deeply in love with him so much. Nakatingin lang sa amin si Uncle Wade habang humihigop ng black coffee sa hapag kainan. "Darling, saan mo gusto? mamasyal tayo," pag-aaya ni Daddy habang nagsasayaw kami. "Hmm, alam ko na Daddy, doon tayo sa ano, Las Casas Filipinas De Acuzar," saad ko sa kanya. "Saan iyon?" tanong niya. "Sa Bataan," sabay bulong sa tainga niya, "Si Uncle Wade gawin natin chaperone, siya pag drive-in mo Daddy," nagtawanan kaming dalawa. "Sige, sige," saad ni Daddy na tuwang tuwa sa kalokohan ko. He was really the coolest and the best Dad I ever had. "Wade," saad ni Daddy kay Uncle. "Kuya?" tanong nito. "Punta tayong Bataan, ikaw mag drive," saad ni Daddy kay Uncle at kaagad na binato dito ang susi ng Montero niya. "Ba-bakit ako? Anong gagawin sa Bataan?!" gulat na gulat na saad ni Uncle Wade. Napatingin siya sa akin, ngunit ngumiti lang ako. "Hoy, Rosenda," inis na saad niya sa akin. "Ano?" tanong ko kay Uncle Wade. "Bakit nag-aaya si Kuya sa Bataan?" tanong niya. "Ewan ko, magbibihis na ako," saad ko sabay akyat sa hagdan. LAS CASAS FILIPINAS DE ACUZAR, BATAAN "Grabe ang ganda talaga dito! Ang lakas maka- I Love You Since 1892 mygod, feeling ko ako si Carmela," saad ko with matching kilig kilig feels pa habang tumitingin sa lugar. "Anong I Love You Since 1892? Sinong Carmela? Nababaliw ka na ba?" tanong nito sabay sumimangot. "Yung sa w*****d dati, hay naku naging Prof ka pa ang dami mo namang hindi alam," saad ko sa kanya. "Wow ah, hindi ko kasi sinasayang energy ko sa ganyan," saad niya sabay lakad palayo sa akin. "Feeling ko nga ako si Carmela, yung Juanito ko naman may regla, napaka suplado tss," saad ko sa sarili ko at sinundan na lang sila habang namamasyal kami sa lugar. Kinakalabit ko siya habang namamasyal kami. "Tignan mo iyon Uncle oh! Ang ganda!" saad ko sabay turo sa view. "Picturan mo naman ako dito, dali!" "Ano?! ayoko nga!" reklamo nito. "Sige na, Uncle, dalawa kami ni Daddy!" saad ko sabay hatak sa braso ni Daddy. Binigay ko naman ang DSLR Camera kay Uncle Wade at wala siyang nagawa. "Daddy, picture," nag pose kami ng nag pose ni Daddy habang si Uncle Wade naman ay kinukuhanan kami ng litrato. "Oh, kayo naman ni Wade," saad ni Daddy. "Okay na ako Kuya," saad ni Uncle ngunit tinulak siya ni Daddy palapit sa akin. "Sige na, minsan lang tayong mamasyal tatlo," saad ni Daddy at kinuha kay Uncle ang camera. Naiinis man ngunit wala na siyang magawa kundi sundin si Daddy, nag peace sign na lang ako sa mga pictures na kasama ko siya para hindi awkward. Lately, he doesn't seem well, lalo na noong nalasing siya, siguro ay may hang-over pa siya. Pagkatapos ng maghapong paglilibot namin ay nagutom kami kung kaya't kumain na kami sa restaurant doon at pinagmasdan ang napaka gandang sunset. It's worth it. Inilabas kong muli ang DSLR Camera at kinuhanan ng litrato iyon. "Excuse me, mag restroom lang ako," pagpapaalam ni Daddy sabay tayo upang magpunta sa restroom, naiwan naman kaming dalawa ni Uncle Wade sa hapag kainan. "Ikaw may pakana nito noh," inis na tanong niya sa akin. "Hindi ah, tinanong kasi ako ni Daddy kung saan ko gusto mamasyal, siya ang nag-aya noh," sagot ko. "Kahit na, nandito lang naman tayo ngayon dahil sayo," saad niya. "Uncle naman, I'm just trying to relax and unwind, hindi ba't stress ka rin sa School?! Look at the view, it's worth it right, wag mo namang ikulong ang sarili mo sa lungkot," saad ko sa kanya. "I'm not lonely, Rosenda," saad niya sa akin habang nakasimangot. "Sus eh kagabi lang halos hindi mo alam kung magagalit ka ba o malulungkot ka," saad ko. "Bakit? ano bang nangyari kagabi?" tanong nito. "Pinaliguan kita kagabi Uncle kasi lasing na lasing ka," saad ko sabay kindat at kagat labi ng nakakaakit. "Hoy, sira ulo ka, totoo ba iyan?! edi nakita mo akong walang suot?!" tanong nito. "Oo naman pinahawak mo pa nga yung ano mo eh," saad ko na ngumiti ng nakakaloko. Nagulat siya sa sinabi ko. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo? tangina, wala akong matandaan kagabi," saad niya. "At saka, sinabi mo sa akin na mahal mo ko," saad ko sa kanya. "Aba sumosobra ka na! Baka naman jino-joke time mo na ako niyan, Rosenda!" saad niya na inis na inis. Napahagalpak ako ng tawa dahil naaasar na siya. "Hindi nagsisinungaling ang taong lasing, Uncle!" saad ko pa na siyang kinagalit niya lalo. "You crazy woman! wala akong natatandaan na sinabi ko sayo iyan," saad niya. "Edi wala," saad ko na natatawa pa rin. "Nahihibang ka na," saad niya sabay irap sa akin. Bigla namang dumating si Daddy. "Rose, Dear, maganda dito, balik tayo minsan," saad nito sabay upo sa table namin. "Sure Daddy, anything for you," saad ko sabay ngiti kay Daddy. Itinuloy na lang namin ang pagkain namin. 12 na ng gabi ng makauwi kami. Papasok na kami ng mansyon ng biglang nabuhusan si Uncle Wade ng tubig galing sa alulod ng bubong. Nagulat kami ni Daddy habang si Uncle naman ay inis na inis. Naghubad siya ng kanyang t-shirt at tumambad sa aking harapan ang six pack abs niyang napakasarap hawakan. Naikuyom ko ang palad ko dahil pilit kong dinadama ang sandaling ipinahawak niya sa akin kagabi ito. Damn it Uncle you're so goddamn hot kahit nakabusangot ka. Pinagalitan niya yung maid habang si Daddy naman ay pinagsasabihan siya. "Sorry ho Sir," saad ng katulong. "Sige na, magpalit ka na lang, ang init na naman ng ulo mo eh," saad ni Daddy. Napapakagat labi ako habang pinagmamasdan ang kanyang dibdib at hindi ko mapigilang wag lumapit. Kumuha ako ng tissue sa side table at inilagay sa kanya. "Tulungan na kita Uncle, punasan kita," saad ko sa kanya habang ikinakalat ang tissue sa dibdib niya. "Stop it, Rosenda, ako na, sige na, umakyat ka na sa kwarto mo," saad niya at inagaw sa akin ang tissue. KJ naman nito, pahawak lang naman ulit ng abs ayaw pa. Umakyat na ako sa itaas at dumiretso sa kwarto ko. It was really a day at talagang napagod ako kung kaya't hinayaan ko na lang na tumumba ako sa malambot kong kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD