chapter 15

3050 Words

Ilang araw na mula noong birthday ng triplets. Nakilala ko iyong iba nilang mga pinsan mula sa ibang bansa. Puro pala sila lalaki, at ang gugwapo nila. Nakakapanghinayang nga lang at wala doon sina kuya Xander at kuya Zach pati si Marah. Nasanay na talaga akong tawagin siyang Marah kasi naman iyon din ang tawag sa kanya ng triplets. "Oy Kape," masiglang bati sakin ni Angie. " Saan ka galing? Bakit absent ka nitong mga nakaraang araw?" mapanuri kong tanong sa kanya. Mula kasi nung huli ko siyang nakausap ay ngayon lang pumasok ang babaeng ito. "Out of town, kasama iyong pinsan mo," kinikilig nitong sagot. " Si ate Carla?" kunot-noo kong tanong. "Oo, sino pa bang pinsan mo ang masarap sumisid?" maarte nitong sagot. " Sumisid?" naguguluhan kong tanong. Sumisisid ba si ate Carla?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD