Pagod akong lumabas mula sa huling klase . Matapos iyong pag-eskandalo kanina ni Jella ay nawala na ako sa focus. Naging nakakapagod tuloy buong maghapon ko. Ano ba ito, araw-araw na lang ginugulo ako ng mga letseng iyon! Pabalik-balik parin sa isip ko ang mga tingin nina Kevin at Klaus lalo na ang pagkakahawak ni Klaus kay Jella at ang pagyakap ng babae dito. Kahit anong pagpipigil ko sa sarili ko ay may epekto parin sakin ang mga lalaking iyon. Sana may switch ang feelings noh para pwedeng i-off kung ramdam mong sobra na, ang sakit-sakit na. Tanging magagawa ko na lang ay ilihim ang mga nararamdaman ko para kahit papano ay may matira parin para sa sarili ko. Naibigay ko na lahat, tanging pride na lang iyong nasa akin kaya never nila akong makikitang apektado parin sa kanila pagkat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books