Papalabas na ako ng gate nang biglang may pumigil sa braso ko. "Hey, where are you going?" kunot-noong tanong ni Kevin. Napakurap pa akong napatitig sa mukha niya. " I've been calling you but you just ignored me," kunot-noo nitong tanong. Nakaayos na pala ito at masasabi kong wala talagang tapon sa kahit na sino sa kanilang tatlong magkakapatid kung kagwapuhan ang pag-uusapan. Siguro sa kakaisip tungkol doon sa sinabi ni Grandpa Leo kaya di ko narinig ang pagtawag sakin ni Kevin. "Are you okay? May dinaramdam ka ba?" nag-alala nitong tanong. Birthday nila ngayon. Ayaw kong masira ito kaya pilit kong isinantabi ang mga issue ko sa buhay at ngumiti kay Kevin. " Nainip lang ako sa loob. Balak ko sanang salubungin ang mga bisita dito sa gate," pabiro kong sabi. Agad namang sumilay