CHAPTER 11

711 Words
Para akong nabunutan ng tinik matapos na ibalita sa akin ni ate na successful ang operasyon ni maurise at nasa recovery room na ito ,nakahinga ako ng maluwag at nabawasan ang bigat ng mga alalahanin ko. Ang iisipin ko nalang ay kung paano ko ipagtatapat sa kanila na sa isang iglap ay nakapagpakasal ako , hayyyy sakit sa ulo pero ang importante ay ligtas na ang kapatid ko. Lumapit ako kay Mr.Lee upang magpasalamat sa pagpapahiram nya ng pera sa akin at nangako naman ako na pagtatrabahuan ko at babayaran ko sya ano man ang mangyari para rin pumayag sya na makapag divorce kami kaagad at wala akong balak na magtagal ang kasal naming dalawa ,hanggang ngayon kase ay labag parin ito sa kalooban ko wala lang talaga akong choice kundi pumayag dahil buhay ng kapatid ko ang nakasalalay sa sitwasyong ito. Mr.Lee's pov Guilty man ako sa nagawa ko ngunit pabor lahat ito sa kagustuhan ko , alam kong dehado si margarette mula sa pag angkin ko sa katawan nya hanggang sa pagpapakasal na labag sa kalooban nito ay kapwa parehas na kaming walang magagawa maliban nalang kung mag pa file ako ng divorce ano mang oras pero wala akong balak gawin iyon. Hindi ko alam una ko palang syang nakita ay tila nahulog kaagad ang loob ko sa kanya nakaramdam ako ng kakaiba na hindi ko naramdaman sa ibang babae kailanman. Nagkaroon na ako ng karelasyon na kalahi ko pero kakaiba si margarette sa kanila , nahulog pa lalo ang loob ko sa paraan nya ng pagsasalita kapag may language session kami , gustohin ko man nga na buong maghapon kami mag aral ay gagawin ko makasama lang sya ng matagal ngunit ako ay may tinatrabaho pa sa online at nag aasikaso ng mga papers ko papunta ng US para sa opening ng ospital ko doon. Bigla akong natigilan ng maalala ko halos dalawang buwan nalang ay matatapos na ang contract ko bilang estudent dahil papunta na ko ng US at sapat narin ang mga naituro sakin ni margarette, ngunit si margarette ngayon ay asawa ko na kailangan sya ay isama ko sya amerika. Margarette Nag usap kami ni Mr.Lee dahil ito na ang huling araw ng session namin , ngunit minabuti nalang ni Mr.Lee na wag na kami mag klase dahil ilalaan nalang namin sa pag uusap, kailangan ko rin kase na makipag usap ng maayos sa kanya bago sya umalis kung ano na ang mangyayari sa amin bilang mag asawa. Tinanggihan ko ang alok nya na sumama sa amerika dahil dalawang taon ang kontrata ko sa school na pinapasukan ko , ayoko naman na biglaan akong umalis at sumama sa estudyante ko, ano nalang ang iisipin at sasabihin sakin ng mga tao lalo't ayoko pa ipaalam na kasal na kaming dalawa. Sinabi ko rin sa kanya na tatapusin ko ang kontrata ko at lahat ng sweldo ko ay ibibigay ko sa kanya ng sa ganon ay maaari na akong mag file ng divorce balak ko kase na wag ng ipaalam sa lahat hanggang sa makapag divorce kaming dalawa na parang walang ngyari. Sinabi naman nya sa akin na magtrabaho lang ako dito at gawin ang mga bagay na magpapasaya sa akin , dahil matatagalan pa daw bago kami magkita ulit , binigyan nya ako ng duplicate ng susi ng bahay ,maari daw ako mag stay dito kahit kelan ko gusto dahil may karapatan na ako sa bahay na ito , inaabot nya rin ang malaking halaga ng pera ngunit ito ay hindi ko tinanggap . Ok naman na ko sa sahod ko , kung sa tutuusin nga ay mas malaki pa ang sahod ko nitong nakalipas na tatlong buwan dahil request teacher ako , makakapagpadala parin ako kla ate habang nag iipon ako ng pamabayad kay Mr.Lee. Niyakap muna ako ni Mr.Lee at pinabaunan ng matamis na halik sa noo at labi , nag sorry ulit sya at nagpasalamat bago ako tuluyang lumabas ng bahay. Nakauwi na ko dito sa pinaka dorm ko , ginawaran naman ako ni Ms.Kim ng malungkot na mukha dahil aalis na ako , sinabihan nya ako na dalasan ko ang pagbisita dito sa Jeju at isama ko si Ms Jewel at ang kaibigan kong si Izza na lagi ko kinikwento sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD