CHAPTER 7

544 Words
SECOND DAY AS ENGLISH TUTOR Margarette's POV Nasanay na ako na maaga ang gising kahit na 10:00 pa naman ang session namin ni Mr.Lee , mag jajogging at ipapasyal pa daw nya si bokji ang puddle nyang alaga na parang anak ang turing nya. 5 days na ko dito sa Jeju pero hindi ko parin pinapaalam kina ate at maurise na nagkahiwalay kami ni izza ng area , binaggit ko rin kay izza na kung sakaling mag message si ate at maurise ay wag sabihin na andito ako sa Jeju , tiyak ko kase na mag aalala ng sobra ang dalawang yon lalo pag nalaman na lalake ang tinututor ko. Sa ngayon naman ay maayos ang pakikitungo ni Mr. Lee sa akin ,hindi nga lang sya nakikipag kwentuhan sakin , marahil siguro ay ganon talaga sya o dahil sa language barrier , baka pag nahasa na sya sa pagsasalita ng english ay makipag kwentuhan na sya. Nagbihis na ko nag dress muna ako , magpapapicture kase ako kay Ms.Kim para naman bumagay ang suot ko sa nag gagandahang puno dito sa Seongsang dalrae . Matapos ko magpapicture ay isinend ko ito kay izza , hindi rin kc alam ng tatlo naming kaibigan na nagkahiwalay kami ni izza , wala rin kc akong balak sabihin pa sa ngayon sabi rin ni Ms.Jewel ay temporary lamang ito. Pumunta na ko sa bahay ni Mr Lee , hindi ko na kailangan mag doorbell sa pagkakataong ito sinabihan nya kase ako na deretso pasok nalang ako. Pagpasok mo nga ay inaya muna ako mag kape , pinaunlakan ko naman kahit nagkape na ko bago umalis sa tinutuluyan ko ,pinaghahanda rin kase ako ni Ms.Kim kahit sinabi ko na hindi na nya kailangan pang gawin yon. Ang sweet naman pala nito ni Mr.Lee ,sino ba ako para ipagtimpa ng kape ng isang doktor tapos sya pa nagpapasahod sakin . Tatlong oras ulit ang naging session namin namin at mas madami na syang natututunan nakakaderetso na sya ng pagsasalita ng english , ng ako ay magpapapalam na para umuwi ay bigla nya akong pinigilan. PLEASE STAY FOR A WHILE , turan nya nag stay naman ako kinausap nya ako at tinanong ng mga bagay bagay , cguro nababagot na sya dito kaya hindi na napigilan pang kausapin ako na parang ang iinterview. Nagulat pa sya ng nalaman na 21 years old lang ako , at bakit ito ang napili kong trabaho ,ano daw ang dati kong trabaho sa country ko. Sinabi ko sa kanya na kakapasa ko palang sa board exam bilang nurse , at wala pa akong naging trabaho sa pinas, as in etong pag tututor ko ang una kong trabaho at eto lang rin ang available sa agency na napagtanungan ko.Natuwa naman sya ng malaman nyang nurse ako dahil nga sya ay doktor , may hospital syang ipinatayo sa US kaya kailangan nya matututo magsalita ng english upang hindi sya mahirapan kung sakali mang mag migrate na sya doon. CAN I APPLY TO YOUR HOSPITAL IN USA? pabiro lang sana to pero seryoso nya akong sinagot ng "GREAT ,YOU CAN" .Tatanungin ko pa sana sya kung bakit wala pa syang asawa ,kaso ayoko namang itayo dito ang bandera ng mga Marites at baka maligwak pa tayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD