Chapter 3

1226 Words
CHAPTER 3 KHENDREY'S POV "Coz? Hey! are you okay? Kanina ka pa tulala," narinig kong sabi ni Hearthelle. Natauhan ako nang tapikin ako ni Heart sa braso. Walang salitang uminom ako ng kape na nasa harap ko. Kumakain kami nang almusal dalawa. "Ahm, may iniisip lang ako," tanging sabi ko at kumagat ng tinapay. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Tila ba nanaginip ako pero isang panaginip na hindi ko aakalaing magiging totoo. Walang maalala si Hearthelle sa nangyari dahil nang makauwi kami hindi pa rin siya nagising. "Ano naman iniisip mo? Uy! Kilala kita! Di ba nangako ka na kapag magkasama tayo, wala munang dapat isipin tungkol do'n sa pagiging mafia empress mo," sabi niya. Napangiti lang ako sa sinabi niya. Uminom ako ng kape. "I know Heart. Don't worry, ikaw lang ang iisipin ko. You know how much I miss you." Lumawak ang ngiti niya. "Hehe that's good, by the way lets go shopping. You know, I miss being with you. So, lets hung out together," sabi niya. Ngumiti ako at tumango. Panay ang kwento niya sa kung anong nangyari sa kaniya habang nandito sa pinas. Habang nagkukwento siya iba naman ang naiisip ko. Hindi ko makakalimutan ang mga taong 'yon. Kapag nakita ko ulit sila. Magbabayad sila. THIRD PERSON'S POV Pagkababa nina Khendrey sa kotse nila sa harap ng mall, agad na s'yang hinila ni Heart papasok sa loob. Napapailing na lang siya dahil sa kakulitan ng pinsan niya. Hinayaan na lamang niya ito sa gusto nito. Dahil noon pa man hindi nagbago si Hearthelle, makulit pa rin ito. Kahit nga nasa japan siya eh araw-araw siya nitong mini-message. Kung kailan siya magbabakasyon. Lagi din siya nitong pinapadalhan ng picture sa kung saan man ito laging pumupunta. Naglakad-lakad sila sa mall na tila ba mga model, dahil karamihan sa nakakasalubong nila ay di maalis ang tingin sa kanila. Habang hila-hila si Khendrey ni Heart. Naging malikot din ang mata ni Khendrey habang nakatingin sa paligid. Wala naman s'yang napapansing kakaiba. " ‘Coz, halika dito tayo. Lets buy a new clothes," anyaya nito sa kanya. Sabay silang pumasok sa isang Botique at namili ng mga damit. Napapangiti siya habang nakatingin kay Heart. Kung ano-ano kasing kinukuha nitong damit. Sinusundan niya ito habang namimili ito ng damit. Tumitingin din siya tulad nito. Habang tumitingin siya, bigla siyang napasulyap sa labas ng botique. Bigla siyang natigilan nang makita ang tatlong lalaking naglalakad. Bago ito sa paningin niya pero pamilyar. Bumaling siya kay Heart saka lumapit. "Heart, dito ka lang muna. Mag c-cr lang ako," pagpapaalam niya dito. "Sige, pero bumalik ka kaagad ah? Dahil susukatin natin ang mga 'yan." Tinuro nito ang mga damit. Napatingin siya sa tinuro nito. Bahagyang tumaas ang kilay niya nang makitang marami na itong tinabing mga damit. Tumango na lang siya saka lumabas ng botique. Nakita niya ang dalawang bodyguard ni Heart at binilin niya sa mga ito ang pinsan niya. Saka siya umalis upang hanapin 'yong tatlong lalaking nakita niya. Samantala, pumasok sa isang men's botique ang tatlong gwapong lalaki. Halos napapatingin sa mga ito ang mga babaeng sales lady. Kaniya- kaniya agad itong lapit sa kanila. "Sir, ano pong kailangan niyo? Pili na po kayo," sabi ng isa sa sales lady. Dumikit pa ito sa isa sa tatlong lalaki. Bahagya namang lumayo ang mga ito sa mga babae at namili ng damit. "Bro, Are you sure? May pera tayong dala," bulong ni Yuan kay Jarryl. "May alam si dad sa mundo ng mortal, kaya syempre binigyan niya ako ng credit card. Heto sainyong dalawa ni Izy, (ai-zy) " sabi naman nito. "Okay, Thanks bro!" Lumapit ito kay Izyll at binigay ang isa sa credit card na dala ni Jarryl. Namili sila ng mga damit at nagsukat. Hindi ito ang unang beses na nakalabas sila sa mortal kundi ilang beses na pero iba ngayon dahil may mission sila. Iyon ay ang hanapin ang bagong tagapagmana ng pixie dust. Matapos nilang makabili, lumabas na sila ng botique. Naghanap ng restaurant upang makakain na sila. Habang naglalakad sila. Bahagyang natigilan si Izyll, dahil sa isang babaeng natanaw niya sa malayo. Nakatayo ito at tila nakatingin din sa dereksyon nila. 'Bakit parang pamilyar siya,’ sambit niya sa isip. Pinagpatuloy niya ang paglalakad habang ang babae naman ay naglakad din. Makakasalubong niya ito. Deretso lang ang tingin nito at hindi na siya nakatingin doon sa babae. Malapit na silang makasalubong hanggang sa malampasan nila ang isa't isa. Bahagyang huminto si Izyll at muling tiningnan ang babae. Bahagyang nakaramdam siya nang kakaiba dahil sa aura nito, pero mas nagulat siya nang umilaw bahagya ang kwentas na nakatago sa damit niya na nasa leeg niya. Kulay dilaw ang nakita niyang pag ilaw nito. 'Gold? Siya ba ang hinahanap namin na bagong tagapagmana?" sambit niya sa sarili at muling tumingin sa babae pero hindi na niya ito nakita. "Nasaan na iyon?" "Sino Izy?" Natigilan siya at napatingin sa kasama niya. Muli siyang tumingin sa kung saan niya huling nakita 'yong babae pero wala na talaga ito. "Nothing," sabi niya. Nauna na siyang naglakad sa dalawa habang nagtatakang nakatingin sa kaniya ang mga ito. Hinayaan na lang nila at naghanap ng makakainan nilang restaurant. "Naalala niyo ba ang sinabi ni tita Jewelle, tungkol sa kwentas na binigay niya atin," sabi ni Izyll habang kumakain sila. Tumingin naman si Jarryll sa paligid at bahagyang hininaan ang boses. "Yes, malalaman natin sa pamamagitan ng kwentas na 'yan, kung sino ang bagong tagapagmana ng pixie dust,” mahina nitong sabi. "Bakit mo nasabi 'yan, bro?" nagtatakang tanong sa kanya ni Yuan. Tumingin sa paligid si Izyll at lumapit sa dalawa saka mahinang nagsalita. "Umilaw ang kwentas kanina sa babaeng nakasalubong ko," bulong niya sa mga ito. "What!" "Really?!" Sabay sigaw nang dalawa. Bahagyang napatingin sa kanila ang mga taong kumakain. Inis namang lumayo si Izyll sa dalawa dahil sa reaksyon ng mga ito. "Ano ba, hinaan n'yo nga iyang boses niyo," naiinis na sabi ni Izyll. Napakamot naman nang batok si Jarryl habang si Yuan naman ay biglang napainum ng tubig. "Mamaya na lang natin ito pag usapan," sabi ni Izyll. Tahimik na sumang-ayon ang dalawa at nagpatuloy sila sa pagkain. Samantala, bahagyang napangisi si Khendrey habang nakatingin sa tatlong lalaking kumakain. May kausap siya sa phone, isa sa mga spy niya sa organisasyong hawak niya. "Yes Empress,“ sabi nito. "Alamin mo kung saan nakatira ang mga lalaking iyan At kung sino sila." Utos niya at pinatay ang phone. 'Kailangan kong mabawi ang kotse na kinuha nila. Dahil nandoon pa ang mga kailangan kong papelis sa bag na nasa kotse,” sambit niya sa sarili at naglakad upang balikan si Heart na kanina pa naghihintay sa kaniya. "Bakit ang tagal mo, ‘coz? Kanina pa ako naghihintay saiyo," sabi nito sa kanya "Pasensya na, marami kasing nag cr kaya natagalan din ako." Napatingin siya sa damit na pinili nito. "Oh? Marami na pala 'yang pinamili mo," sabi niya sa pinsan. Napansin naman ni Khendrey ang pagkabagot nito sa paghihihintay sa kaniya. Nilapitan niya 'yong mga pinili ni Heart at kumuha nang isa saka tiningnan. "Sukatin mo 'yan," sabi nito Walang siyang nagawa at napatango na lang saka pumasok sa dressing room. Habang nasa loob siya ng dressing room. Naalala niya na naman ang mga lalaking 'yon. ' You will pay for what you've done, Stupid assholes!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD