Chapter 42

2052 Words
Ilang minuto ang lumipas ay naging tahimik sila, matapos mawalan nang malay si Khendrey. Hinintay nila itong magising upang pag usapan ang gagawin nila. Samantalang pinagmamasdan lang ni Izyll ngayon si Khendrey. Hindi maiwasang humanga lalo dito, kaya masasabi niya talagang may gusto na siya sa dalaga. "That guy, all this time he's our threat? Sigurado akong nakipagsabwatan na siya kay Rigor, upang gawin ito," narinig nilang sabi ni Zhennie at nararamdaman nila ang inis mula dito. "Noong unang nakita namin siya ay nagdududa na kami sa katauhan niya. Kaya naghanap rin kami ng impormasyon tungkol sa kanya, subalit wala kaming nakuha. Sigurado kaming pribado ang impormasyong tungkol sa kanya," seryosong sabi naman ni Izyll. "Lahat ng mga membro ng mafia ay kaunting impormasyon lang ang inilalabas. Kaya ang iba ay hindi nakakakuha agad kung walang access. Kaya naman nagtataka rin ako kung paano niyo nalaman ang tungkol sa amin ni Khendrey," saad ni Zhennie at tiningnan sina Izyll. Hindi naman agad nakasagot ang mga ito sa sinabing iyon ni Zhennie. Kaya napabuntong-hininga na lamang siya. "Sila ang misyon namin at nagagawa naming alamin ang lahat gamit ang kapangyarihan namin. Subalit silang dalawa lang dahil sila lang naman ang may koneksyon sa amin. Ngunit ang iba ay mahihirapan kaming alamin," paliwanag ni Izyll dito. Napatango naman si Zhennie sa sinabing iyon ni Izyll. Mukhang kailangan niya ngang sanayin ang sarili niya na hindi simpleng tao ang mga ito. "Anong gagawin natin ngayon?" mayamaya ay tanong ni Jarryl. "Kailangan munang magising si Khendrey, bago natin pag usapan ang tungkol sa gagawin natin," seryosong sabi naman ni Flare. "Siya lang ngayon ang makakapagdesisyon kung ano nga ba ang gagawin natin," sabi rin ni Izyll. Napatango silang lahat at bahagyang napatingin ngayon kay Khendrey, na wala pa rin malay. Naiintindihan naman nina Izyll kung bakit nawalan agad nang malay si Khendrey. Biglaan ang paglabas ng kapangyarihan nito at hindi niya pa ito makontrol. Kaya mas maigi para sa kanila na huwag munang lumabas ang kapangyarihan niya, dahil kailangan pa nitong sanayin ang sarili para doon. Habang nakatingin si Izyll dito ay dalawang bagay ang biglang bumabagabag sa kanya. Alam niyang mapipilitan itong sumama sa kanila, upang mailayo sa kapahamakan ang mga importanting tao sa buhay nito. Una ay maiiwan niya ang mga ito at hindi na alam kung makakabalik pa ba ito. Pangalawa ay kung ano ang mangyayari dito kapag nasa kanilang mundo na ito. Hindi ito sanay sa mga taong may kakayahang gumamit ng kapangyarihan. Kaya sigurado siyang mahihirapan itong makisama sa kanila. Ngunit kahit ganoon ay nasa isip pa rin niya, na kahit anong mangyari ay nasa tabi siya nito. Mayamaya ay nakarinig sila ng munting ungol mula rito at paggalaw ng kilay. Hanggang sa nakita nilang unti-unting pagdilat ng mga nito. Bumungad kay Khendrey ang mga matang nakatingin sa kanya ngayon. Napatitig pa siya sa mga ito at napakunot noo'ng nakatingin sa mga ito. "W-What happen?" tanong niya sa mga ito at dahan-dahang umupo sa couch. Inalalayan naman siya ni Izyll na umupo. "Nawalan ka nang malay kanina, matapos may lumabas na malakas na kapangyarihan saiyo. Hindi mo ba naaalala?" nagtatakang tanong ni Zhennie dito. Natigilan naman si Khendrey sa sinabing iyon ni Zhennie at inalala ang nangyari sa kanya kanina. Matapos niyang malaman na hawak lang pala ito ni Gajeel ay nakaramdam siya ng galit at tila ba nawalan siya nangkontrol, hanggang sa hindi na niya maalala ang sunod na nangyari. "I don't know," tanging sabi niya at napahawak sa kanyang noo. "Okay, don't think to much. Anong pakiramdam mo ngayon?" nag aalalang tanong ni Zhennie. "Ayos na ako, medyo nahilo lang ako saglit," sagot ni Khendrey dito. "Here, drink this to gain your strength," sabi ni Cindy habang may iniaabot na tubig kay Khendrey. Napangiti naman si Khendrey at kinuha ito. "Thanks," nakangiting sabi niya dito at uminom agad ng tubig. Ilang minuto silang tahimik habang hinihintay ang magiging desisyon ni Khendrey. Mayamaya ay seryosong nakatingin ngayon si Khendrey sa mga ito. "Ngayon alam na natin na si Gajeel ang may hawak kay Heart, ipaubaya niyo na siya sa akin. Kaya naman, kung tutulong kayo sa pagligtas kay Heart ay ipagkakatiwala ko iyon sa inyo," seryoso niyang sabi sa mga ito. "Sure, we will do that," agad na sagot ni Flare. "Sige, kami na ang bahala kay Heart," sang ayon naman nina Jarryl. "But, in one condition," saad niya sa mga ito at mariing tiningnan sina Izyll. Nagtataka naman ang mga itong nakatingin sa kanya dahil sa kanyang sunod na sinabi. Bahagya pang nagkatinginan ang mga ito at sabay rin na tumingin kay Khendrey. "You will save her without using....magic power. I know, you're magic was our advantage of this. But, I can't let you use a magic this time. Alam kong bihasa na kayo sa pakikipaglaban, kaya naman iyon lang ang maari niyong gamitin. Kahit masasamang tao ang makakalaban at siyang may hawak kay Heart. Hindi pa rin pwedi na gumamit kayo nang kapangyarihan. Sana maintindihan niyo ang sinasabi ko," seryosong paliwanag niya sa mga ito. Hindi naman nakapagsalita sina Izyll sa condition na iyon ni Khendrey. Dahil talagang gagamitin naman talaga nila ang kapangyarihan nila para mailigtas si Heart at madali lang iyon para sa kanila na makuha si Heart. Nag isip sila saglit sa sinabing iyon ni Khendrey at mayamaya ay napabuntong-hininga. "Okay, we will do that, Khendrey," sang ayon ni Izyll sa kanya. "That's our advantage, but if you want us not to use magic then it's fine," sabi naman ni Flare at napatango kay Khendrey. "Anong gagawin mo kay Gajeel?" mayamaya ay tanong ni Zhennie. "I'm going to trap him. He's playing with me, then I will do that too," sabi ni Khendrey sa kanila. Napatango naman si Zhennie sa sagot ni Khendrey at kahit wala itong sinasabi sa kung ano talaga ang gagawin nito ay malinaw na sa kanya iyon. "Manmanan niyo ang lugar kung saan naroon si Heart. Samahan mo sila Zhennie, dahil ikaw ang nakakaalam sa lugar na iyon," sabi ni Khendrey at bumaling kay Zhennie. Napatango naman agad si Zhennie sa sinabi ni Khendrey. "Okay, ako nang bahala sa kanila," sagot nito. "By the way, hindi iisang tao lang ang babantayan natin. We will split into three groups," seryoso paring sabi ni Khendrey. Napakunot noo naman ang mga itong nakatingin kay Khendrey dahil sa sinabi niya. Hindi nila alam kung bakit magiging tatlong grupo sila, ganoong isang taon lang naman ang kailangan nilang hulihin. "What? Why?" agad na tanong ni Flare. "Why three?" saad naman ni Cindy. "Do you remember, Clarise? Alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa nangyari sa kanya at alam kong naramdaman niyo na may mali sa kanya," seryoso niyang sabi sa mga ito. Hindi naman makapagsalita ang mga ito, dahil nahulaan na ni Khendrey ang tungkol doon. Alam nina Izyll na may taga-itim na kumukontrol kay Clarise at nakita nila iyon, noong araw na sakalin ni Clarise si Khendrey. "Flare and Cindy, I want you to find where she lives and where she is now," saad niya kina Flare at Cindy at binigay ang litrato ng isang babae. Natigilan naman sila nang makilala ito, lalo na si Zhennie. "Wait, is that Mrs. Majorie?" nagugulat na sambit ni Zhennie. Napatango naman si Khendrey sa naging reaksyon ni Zhennie. Nasisiguro niyang kilala na nito ang guro na tinutukoy niya. "Kayo? Anong sa tingin niyo ang pagkatao niya? Is she's normal or one of the black magic?" tanong niya kina Izyll. Hindi agad nakasagot ang mga ito at bahagya pang nakatitig sa litrato ng guro. Pinagmamasdan niya ang mga reaksyon nito at mukhang nahulaan niya ang nasa isip ng mga ito. "Malalaman natin kung ano talaga siya. Sige, kami na ang bahala sa kanya. Kayo na ang bahala kay Heart," sabi ni Flare at sumang ayon sa plano ni Khendrey. "Okay, kay Heart, kayo na ang bahala. Ngunit sasabihin ko pa rin kung kailan niyo siya dapat kunin. Hindi maaaring kukunin niyo agad siya, habang na kay Gajeel pa ang atensyon ko," saad niya kina Jarryl na agad tumango sa kanya. "Kaya mo na bang mag isa kay Gajeel? Dahil kung hindi, sasamahan kita," suhesyon ni Izyll. Napatingin naman si Khendrey sa kanya at bahagyang napailing sa sinabi nito. "No, I can handle him. Don't worry about it," tugon ni Khendrey dito. Napatango na lang si Izyll sa naging tugon ni Khendrey at hinayaan ito sa nais nito. Subalit nasa isip pa rin niya ang pag aalala dito. Kaya hindi niya masasabing hahayaan na lamang niya ito. Mayamaya ay tumayo na si Khendrey, kaya naman napatingin sa kanya ang mga kasama niya. "Kailangan na naming umalis ni Zhennie, basta iyon na ang gawin niyo," sabi ni Khendrey sa kanila. Napatayo na rin ang iba at tumango sa sinabi ni Khendrey. "Sige, asahan mo kami na magagawa namin ng maayos ang plano. Kontakin mo lang kami kapag pwedi na," saad ni Jarryl sa kanya. Napatango si Khendrey sa kanya ay nagpaalam na silang aalis. Hinayaan naman siya nina Izyll at nang makaalis na sila ay nagkatinginan ang mga ito. "So? Hindi nga ba tayo gagamit ng kapangyarihan tulad nang sabi niya?" mayamaya ay sabi ni Cindy. "Well, kung iyon ang gusto niya pwedi naman," aniya ni Flare. "Pero kung kinakailangan ay talagang gagamit tayo. Lalo na kung nasa dehadong sitwasyon tayo," sabi naman ni Yuan at napabuntong-hininga na lang. "Ikaw, Izyll? Sang ayon ka nga ba sa mga sinabi niya?" tanong ni Jarryl kay Izyll na kanina pa tahimik, simula nang makaalis na sila Khendrey. "Hmm, yes I agree with it. Limitado lang rin ang kapangyarihan natin sa mundong ito, kaya mas mabuting huwag tayong gagamit ng kapangyarihan. Ngunit tulad nang sabi ni Yuan, gagamit tayo ng kapangyarihan kung kinakailangan," seryoso niyang sabi. Napatango ang mga ito sa sinabi niya. Napabuntong-hininga na lang siya at biglang tumalikod sa mga ito. "Magpapahinga na muna ako," paalam niya sa mga ito. Kaya naman naglakad na siya paakyat sa hagdan at dumiretso sa kwarto niya. Napahiga agad siya sa kama niya at bahagyang napapikit. "May plano ka bang kausapin si Khendrey, matapos mong malaman ang plano niya sa pagpunta sa Kaharian niyo?" Napadilat siya ng kanyang mga mata, matapos marinig ang sinabing iyon ni Firen na biglang lumitaw sa tabi niya. "Hindi ko alam, misyon iyon na para sa kanya kaya hindi ako sigurado kung kakausapin siya tungkol doon," tugon ni Izyll dito. "Hmm, sabagay," tanging sabi ni Izyll. "Ngunit hindi rin iyon dahilan para pabayaan siya. Ayoko pa ring mapahamak siya, kaya gagawa ako ng paraan para matulungan siya kung sakali," saad ni Izyll kay Firen, na napairap na lang sa sinabi niya. "You really like her, huh?" napapailing na sabi ni Firen sa kanya. Bahagya namang napangiti si Izyll sa sinabing iyon ni Firen. Alam niya sa sariling gusto na niya si Khendrey at hindi niya alam kung may paraan pa para pigilan iyon. Ngunit masaya siya sa kanyang nararamdaman, kaya hindi niya iyon kailangang itago at ipaparamdam niya iyon kay Khendrey "Noong una ay imposible na magugustuhan ko siya, subalit hindi ko aakalain na darating pala ang araw na talagang magugustuhan ko na siya at hindi ko alam kung saan nga ba iyon nagsimula. Basta sa ngayon ay masaya ako sa nararamdaman ko sa kanya," nakangiting sabi niya habang nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. Napatingin naman si Firen sa kanya, kaya nakita nito ang masayang ngiti na nakikita nito sa kanyang mga labi. Nakikita niyang masaya nga si Izyll sa kanyang nararamdaman. Mayamaya ay bigla na lamang napaupo sa kama si Izyll, kaya napakunot noo si Firen na nakatingin dito. "Pupuntahan ko siya," sambit ni Izyll at agad na tumayo sa kama. Sinundan naman siya nang tingin ni Firen, habang naglakad siya patungo sa wardrobe niya. Kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. "Pupuntahan mo siya? Ganoong marami siyang gagawin ngayon?" hindi makapaniwalang sabi ni Firen dito. Napahinto naman si Izyll sa kanyang ginagawa at doon niya naisip na tama ng naman ang sinabi nito. "Well, gusto ko lang makita kung anong ginagawa niya, iyon lang," tugon nito at nagpalit na nang damit. Napapailing na lang si Firen habang nakatingin ngayon kay Izyll. Nang makabihis na ito ay nagpaalam na si Izyll kay Firen at tuluyang lumabas sa kwarto, upang puntahan si Khendrey na kanina lang ay kasama nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD