Chapter 2

1075 Words
Thank God at agad siyang nakaalis sa lugar na iyon, sabi ni Janine sa kanyang sarili. Hindi kasi siya pwedeng magtagal doon dahil baka mapaghinalaan ang motibo niya. NBI agent Xevier Ruiz. My God, it had been almost four years. Pero may mahalagang bagay pa siyang dapat pagtuonan, at yon ay ang kanyang anak na si Robi. Her son needed her. Wag lang sana nilang sasaktan ang anak niya dahil nagkabulilyaso ang plano ng mga ito ng dahil sa kanya. Natatakot talaga siya na baka saktan lamang nila si Robi. The kidnappers had kept her and Robi for the past two days, keeping her awake and drilling their plan into her mind. The only chance Robi had was for her to follow their instructions. Pinagawa siya ng isang formula para kung sino man ang humadlang sa mga plano ng mga ito ay gagamitan nila non. At tumpak! Dahil ang unang taong nagamitan niya non ay walang iba kundi si Xevier Ruiz. Alam na kaya ng taga NBI na isa rin sa mga nakidnap ang kanyang anak? Siguro nga, but she wouldn't have to deal with him. Pwede kahit sino pa ang pakiusapan niya sa NBI, but not him. Dahil baka hindi lang niya kakayanin ang akusasyon nito sa pagkasangkot niya sa k********g. Hindi pa kasi ito ang tamang panahon. Hindi rin kasi niya inasahan na kasali pala ang NBI sa naturang operasyon. Sana lang nakita ng mga kasamahan niya ang inipit niyang note sa mga daliri ni Xevier para mabigyan kaagad siya ng karampatang panlunas. Naku! kargo di konsensya pa naman niya ang nangyari kay Xevier. But they were the NBI, for pity's sake. God help me. Dalangin niya na maabotan pa sana niya si Robi. Sobrang hinihingal na talaga si Janine sa pagmamadali. Habang nag-iisip naman siya ng paraan kung paano niya dudurugin isa-isa ang mga walang hiyang kidnappers kung may gagawin man silang masama sa anak niya. Mapapatay muna nila ako bago pa nila gawan ng masama si Robi. Sa wakas narating din niya ang dalampasigan kung saan naghihintay sa kanya ang dalawang bandidong kidnappers sakay ng isang bangka. The two bandits who were wearing a mask hauled her over the side of the pump boat. Hindi naman siya makaupo ng maayos dahil may kargamento ang mga ito na naglalakihang bag. Napansin rin niya na panay ang ngisi sa kanya ng isa. Umandar lang siguro ang topak ng isang to, sa isip niya. "Wala akong pakialam kung ilang halaga ang ipapatubos ninyo kapalit ng anak ko. Basta wag lang ninyong sasaktan si Robi. Gagawin ko rin ang lahat ng gusto ninyo palayain nyo lang ang anak ko." at kahit buhay ko pa ang kapalit. Hindi pinansin ng mga ito ang pakikiusap niya, at sa halip ay tinaponan lang siya ng face towel ng isa. Kailangan mong maging matatag Janine, para sa anak mo. Yan ang palaging sinasabi ng kanyang Mommy sa kanya. Panic never resolved anything. Yan din ang natutunan niya sa ganitong sitwasyon. Nanginginig man ang tuhod niya dahil sa kaba, pero ipinagwalang bahala niya iyon dahil ang higit na inaalala niya ay ang kaligtasan ng kanyang anak. Once they reached the shore, her captor held a Glock in his gloved hand. Makakaya lang naman niyang ihulog sa dagat ang dalawang ito kung hindi lang ang mga ito armado. Now that they had what they wanted, she assumed the gunman wouldn't hesitate to shoot her. Lalo na't nasa kanya ngayon ang perang ipantubos sana sa nakidnap na sanggol. Peke lang kasi ang mga pera na inilagay niya doon sa stroller, dahil para lang iyon ipain sa mga pulis. Sumusunod lang talaga siya sa mga ipinapagawa sa kanya ng mga kidnappers. Nang marating na nila ang isla may nag aabang na nilang sasakyan sa may port. Pinababa na siya sa isa sa mga kidnapper at nginisihan na naman siya. Kadiri pa naman ang mga ipin nito. Ang iitim.eww! Kahit hindi man niya nakita ang pagmumukha nito pero alam niyang mas gwapo pa ang alaga niyang pit bull kaysa nito. Pakiramdam niya helpless talaga siya sa mga sandaling iyon. Hindi kasi siya pwedeng magsumbong sa mga pulis dahil binalaan siyang papatayin nila si Robi. Nakababa na rin sila sa bangka. The walk alongside the car took a minute with bright orange flip-flops on her feet. Nang makarating sila sa kotse, sapilitan naman siyang ipinasok sa loob nito na mas lalo tuloy nagpadoble sa kaba niya. Pinaandar na ng driver ang kotse at pinahaharurot ito. Hanggang sa ihinto siya ng driver sa parking lot ng isang Hotel. Kung may gagawing masama ang lalaking ito sa kanya, hindi talaga siya mag aatubiling lumaban. But willpower alone kept her alert, at pinili na lamang niya ang kumalma para ipakita sa taong ito na hindi siya natatakot. Sa kanilang pagbyahe kanina sa daan marami sana siyang nakikita na traffic police. At gusto man niyang ipagsigawan ang "tulong" pero hindi niya magawa iyon, at sa halip ay tinakpan na lamang niya ang kanyang bibig. May nakasabayan din silang ambulansya kanina sa daan kaya tuloy naalala niya ang ginawa niya kay Xevier at ang kalagayan nito. Sana lang nadala kaagad nila ito sa hospital. But she knows he will be okay. He had to be okay. Breathe in. Breathe out, Janine. Kaya mo yan, basta sakyan mo nalang ang gusto ng mga kidnappers. Everything will work out. Just follow the plan. With or without Xevier's help, umaasa siyang matutubos niyang mag-isa si Robi. Sa nagdaang dalawang araw, naging kasabwat siya sa mga plano ng mga kidnappers. Wala kasi siyang magawa dahil hawak din siya ng mga ito sa leeg. Alam na ng mga ito kung saan siya nakatira, kung saan siya nagtatrabaho, at lalong alam na ng mga ito ang kakayahan niyang gumawa ng gamot, bawal man ito o hindi. Please God, bring my little boy back to me. She prayed over and over again. At habang naghihintay sila doon sa parking lot ng hotel may huminto namang sasakyan sa tapat nila. Binuksan ng sakay nito ang tinted na bintana at inabot ang isang papel sa driver ng kotseng sinasakyan niya. "Maswerte ka rin Miss Palma, dahil ibabalik na kita ngayon sa syudad. Pero sa pagbalik mo doon, heto ang mga dapat mong gawin." saad ng driver at inabot sa kanya ang papel. Binuklat niya ang papel at saka binasa ito. May ipapagawa na naman sa kanya ang pinuno ng mga kidnappers. Hindi na ito maaari, sa isip niya. Wala na talaga siyang ibang pagpipilian pa kundi ang humingi ng tulong sa dati niyang nobyo - kay Xevier Ruiz. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD